CHAPTER 5

538 65 5
                                    

                             CHAPTER 5

THIRD PERSON’S P.O.V.

Hindi mapalagay si Janna matapos niyang basahin ang chat ni Kyle.

“Bakit ba nag-chat pa ang lalaki na ‘yan? Ito namang pusong to, ‘di na tumigal sa bilis nang pagtibok!” angil niya sa kaniyang sarili.

Bakit nga ba sa kan’ya nag-chat ang lalaking iyon eh kaka-confirm niya pa lang sa friend request nito?

“Huwag ako. Ayaw kong makipag-relasyon. Gusto mo akong makilala? P’wes, manigas ka! Dahil hindi na ako makikipag-usap pa sa ‘yo. Huwag ka nang mag-chat ulit. Baka ma-block kita.” Kaunti na lang mawawasak na ang cellphone niya sa diin nang pagkakatipa niya rito. “Tigil-tigilan mo ako!” Dagdag niya pa na inis na inis pa rin.

“Finally, Miss Zyrie, nag-online ka rin. Dalawang oras din akong naghintay na mag online ka.” Nagulat si Janna dahil sa nag-reply ang lalaki. Akala niya naka-offline ito. Naka-turn off lang pala ang active status nito.

“Sabing tigilan mo na ako ehh. Ayaw ko nga kasi makipag-relasyon!” Inip na reply ni Janna rito.

“Makikipagkilala lang ako, isip mo makikipag-relasyon kaagad. Advance ka rin mag-isip, Miss Zyrie. Pero kung gusto mo sige magka-relasyon na tayo.” Nang-uuyam na reply ni Kyle rito.

“Ang kapal ng mukha mo. Hindi ako makikipag-relasyon sa ‘yo. Lalong-lalo na kung dito pa sa RPW!” Inis na inis na talaga si Janna habang tinitipa niya ang mga mensaheng iyon.

“Send me your address then. Pupuntahan kita tapos liligawan para hindi tayo rito sa RPW maging magka-relasyon. Para na rin makilala kita at maging maging karelasyon ka rito sa RW.” Nakabungisngis na si Kyle nang ma-isend niya na iyon.

Natutuwa talaga si Kyle na inisin ang dalaga. Kung nakikita niya lang ito, lalo siyang matutuwa. Siguro pulang-pula na ang mukha nito sa sobrang inis sa kan’ya.

“Tigilan mo nga sabi ako. Iba na lang landiin mo.”

“Hindi kita nilalandi. Gusto ko lang talaga nang inaasar ka. Siguro ang cute mo tingnan habang inis na inis. Makikita ko rin yang mukha mong naiinis. Soon.” Ngiting-ngiti pa rin si Kyle habang hinihintay niya na mag-reply si Janna sa chat niya.

“Ay! Nag log out na pala,” ani Kyle nang makita niyang na limang minuto na palang naka-log out si Janna. “Hindi man lang nag-paalam,” dagdag pa nito nang nakanguso. Dahil sa wala naman na siyang kausap ay nag-log out na rin siya at pinatay ang pocket wi-fi niya.



LUMABAS si Kyle ng kwarto niya para uminom ng tubig. Pumunta siya kusina at kumuha nang malamig na tubig sa refrigerator. Nang makainom ay bumalik siya sa kan’yang kwarto.

Alas kwatro na pala ng hapon. Mamaya pa ang uwi ng Mama at Papa niya galing sa bukid. Nagbisita ang mga ito sa tanim nilang palay para tingnan kung p’wede na ba itong anihin. Alas tres na kasi umalis ang mga ito. Titingnan lang naman ang palay pero aabutin pa ng alas singko.

Plano niyang matulog muna at gigising na lang kapag alas singko para siya na lang ang magluto ng kanilang pang-hapunan dahil alam niya na uuwing pagod ang kaniyang mga magulang.

Nang makapasok siya sa k’warto niya ay kaagad siyang nahiga at hindi tumagal ay nakatulog.


BAGO PA MAN sumapit ang alas singko ay nagising na si Kyle. Wala naman siyang gagawin kaya bumangon siya kaagad at saka mabilis na pumunta sa kusina para magsimula nang magluto.

Alam niyang pauwi na rin ang kaniyang mga magulang. 

Nagsasaing siya habang binabalatan ang papaya. Iyon ang gusto niyang lutuing gulay.

Meeting You In RPWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon