CHAPTER 10

342 48 0
                                    

                            CHAPTER 10

THIRD PERSON’S P.O.V.

“Anak, sa susunod na linggo papasok na raw kayo sa school,” ani kaniyang ina. Nagtitimpla ito ng kape para sa kaniya. Kagigising lang ni Kyle.

“Saan niyo po nalaman, Mama?” Nasa cellphone niya ang kan’yang atensyon nang tanungin niya ang kan’yang Nanay.

“Nag-text sa akin ang adviser niyo. P‘wede na raw kayong pumasok sa susunod na linggo.”

“Okay po, Mama.”

Siguradong marami kaagad ang activities nila. Simula kasi nang hindi sila papuntahin sa school ay walang pinagawang activities ang kanilang mga guro.

Sigurado siyang alam na rin ito ng mga kaibigan niya. Pero gusto pa rin niyang tanungin ang mga ito.

Isang buwan na siya ngayon sa RPW pero wala pa rin siyang port. Wala siyang alam na ipang-p-port.

“Ito na ang kape mo, ‘nak. Kung gusto mong mag-almusal, ayan sa lamesa may sinangag at pritong toyo at tortang itlog.”

“Tinatamad akong kumain.”

“Ikaw ang bahala. Kumain ka na lang kapag gusto mo na. Kakain na nga lang kinakatamaran pa, pero ang pag-c-cellphone kahit umagahin hindi tinatamad,” nanermon na ani ng Nanay ni Kyle.

Bakit nasali ang pag-c-cellphone sa pagkain? Bulong ni Kyle sa sarili.

“May sinasabi ka ba huh, Kyle?” Pinandilatan siya ng mata ng kaniyang Nanay. Kumebot kasi ang bibig ni Kyle sa pagbulong kaya tinanong siya nito.

“Wala po, Mama. Ang sabi ko po ang ganda mo.” Palaging ganiyan si Kyle sa Mama niya. Binobola niya sa tuwing nasesermonan siya nito

“Ewan ko sa iyong bata ka. Kung ano-ano ang pinagsasabi mo.”

“Mama, hindi na po ako bata kaya ‘wag niyo na po akong tatawaging bata. Kaya ko na ngang gumawa ng bata e,” pangisi-ngisi niyang sabi at humigop ng kan’yang kape.

“Jusmeyo, Kyle!” Nag-martsa na lang ang Nanay ni Kyle papalabas sa kusina.

“Si Mama talaga,” Umiiling na ani niya.

Sa kakadaldal niya sa Nanay niya ay medyo lumamig na ang kan’yang kape kaya kaagad niya na itong nilagok at pagkaubos ay nilagay niya ang tasang ginamit niya doon sa mga hugasin.

“Ang dami na naman nang huhugasan ni Mama,” aniya saka ngumiwi sa dami ng hugasin.







SAMANTALANG SI JANNA naman ay kakatapos lamang maligo. Kaagad din naman siyang nakapagbihis. Plain black t-shirt at maong na short lamang ang sinuot niya. Sinuklay niya ang hanggang balikat niyang buhok.

Sana naman mag-online na ngayon si Clyde. Bulong niya habang sinusuklay pa rin ang buhok. Miss na miss niya na talaga ang lalaki, hindi niya iyon itatanggi.

Lumabas siya sa kaniyang k’warto para mag-almusal sa kusina. Wala siyang ingay o kaluskos man lang na naririnig sa bahay nila kaya sigurado siya na wala ang mga magulang niya. Alam niya kung nasaan ang mga ito kaya sigurado siya na tatanghaliin ang mga ito nang uwi.

Nan marating niya ang kusina, napansin niya kaagad na may natatakpan ng planggana sa lamesa nila. Lumapit siya dito at tiningnan ang natatakpan ng planggana. Tanging tortang itlog lamang iyon at sinangag.

Gusto niyang uminom ng gatas kapag kumakain kaya nagtimpla muna siya ng gatas.

Nang makapagtimpla siya ay kaagad siyang kumuha ng plato sa lalagyan para sumandok ng kanyang kakainin. Nang makakuha siya ng plato ay kaagad na siyang sumandok ng sinangag at kinuha ang natitirang tortang itlog na nasa buonan.

Nagsimula na siyang kumain nang tahimik. Mag-isa na naman siyang nag-aalmusal.







“DRE, ‘yong ginamit ko na lang na port ang gamitin mo,” suhestiyon ni Hance kay Kyle.

Pumunta kasi si Kyle sa bahay nila Hance upang tanungin kung alam na rin ba nito na papasok na sila sa eskwelahan nila sa susunod na linggo. Gaya niya ay sinabihan na rin pala ito ng ina dahil nag-text din dito ang kanilang adviser. Nagtanong na rin siya kung sino ang p’wede niyang gamiting pang-port.

“Ano bang pangalan no’n?”

“Rafael Miller. Iyon na lang gamitin mo, may mga pictures pa iyon sa akin na nalimutan kong i-delete. Ipasa ko na lang sa ‘yo para hindi ka na maghanap pa,” ani ni Hance habang kinakalikot ang kan’yang cellphone, sinisigurado kong meron pa nga siyang pictures ni Rafael Miller.

“Sige iyan na lang. Wala rin naman akong kilala para gamiting port. Isang buwan na ako sa RPW pero wala pa rin akong port,” turan niya.

“Buksan mo SHAREit mo. Ipasa ko na lang sa ‘yo.” Binuksan nga ni Kyle ang kan’yang SHAREit app at pinindot ang recieve button.

Ilang minuto lang ay natapos din ang pagpasa ni Hance ng pictures ni Rafael Miller kay Kyle.

“Salamat, dre. Hindi ko na poproblemahin ang port na gagamitin.”

“Sa lunes na pala tayo papasok sa school. Buti naman makakapag-aral na ulit ako. Nabuburyo na ako rito sa bahay.” Halata sa tono na excited na excited na nga itong pumasok sa school.

“Siguradong maraming activities kaagad ang ipapagawa ng mga teacher natin.”

“Mabuti nga iyon para mahasa ang utak ko. Parang naging bobo ako sa dalawang buwan na hindi tayo nakapasok sa school.”

“Akala ko ba nag-a-advance reading ka kaya atat na atat kang umuwi kapag nasa tambayan tayo?”

“Tungkol sa sex position ‘yong binabasa ko. Medyo makapal kaya minamadali ko.” Napanganga si Kyle sa sinabi ng kaibigan. Hindi siya makapaniwala na ang pinaka-seryoso niyang kaibigan ay nagbabasa tungkol sa mga ganoon. May tinatago rin pala itong kalibugan.

“Seryoso, dre, nagbabasa ka ng mga ganoon?”

"Oo para may alam ako, para marami kaming magagawang posisyon ni Kyla.” Ngumisi pa si Hance habang sinasabi iyon.

“Saan ka nakakuha ng mga gano’g libro?” punong-puno ng kyuryusidad ang tono sa tanong na iyon ni Kyle.

“Sekretong malupit,” nakangisi pa ring saad ni Hance.

“Katulad ka rin pala nila Albert at Wilbert. May tinatago ka rin palang kalibugan sa katawan, Hance.” Ngumiwi si Kyle dahil sa kabaliwan ng mga kaibigan niya.

“Sila pinapanood, ako binabasa kaya magkaiba. Pare-pareho nga lang na malibog. Nanonood ka rin ‘di ba? Huwag mong itanggi, Kyle.” Natahimik doon si Kyle. Nasapol siya e.

Nahuli roon si Kyle. Tama si Hance nanonood din siya pero minsan lang, kapag gusto niya lang. Hindi katulad ng kaibigan niyang sila Albert at Wilbert na inaaraw-araw.

“Minsan lang naman,” pag-amin niya.

“Hahahahaha! Umamin din. Hinuhuli lang naman kita tapos kumagat ka. Hahahaha!” Sobrang lakas ng tawa ni Hance—tawa na may tono nang mapang-asar.

“Sira. Bahala ka nga. Uuwi na ako.”

“Pikon ka na naman, dre. Sige na umuwi ka na, magbabasa pa ako. May dalawa pang pahina. Memoryado ko na lahat ng sex position. Gusto mo pahiram ko sa ‘yo ang  libro?” turan ni Hance kay Kyle na pinipigilan ang sarili na humagalpak.

“Sira. Huwag na. Baka makalkal pa iyan ni Mama. Sige na uwi na ako.”

“Sige. Pero ayaw mo talaga hiramin? Makakatulong ‘yon para magkaalam ka tungkol sa mga sex position.”

“Ayoko nga. Bahala ka na riyan.” Kaagad na lumabas ng bahay nila Hance si Kyle.

Sa lahat ng kaibigan niya si Hance ang inaakala niya na walang kalibugang alam; pero mali siya; mas malala pa pala ito sa iba niyang kaibigan.

He admitted that he did watch porn pero never pumasok sa isip niya na magbasa tungkol sa mga sex position at pag-aralan ang mga ito.

Meeting You In RPWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon