CHAPTER 4

545 68 3
                                    

                              CHAPTER 4

JANNA’S P.O.V.

“P'wede manligaw?” tanong sa ‘kin ng ka-chat ko ngayon. Ligaw na naman? Nakakasawa nang mam-basted.

“Sorry but I didn’t enter RPW para magkaroon ng nobyo.” Reply ko.

“Subukan mo lang, Zyrie. Malay mo mag-work relasyon natin. Natatakot ka ba na masaktan ka rito sa RPW? Oo nga at peke lang ang mundong ito, pero maaari ka naman makatagpo ng true love rito. Malay mo ako ang taong naka-tadhana para sa ‘yo.” Mahabang chat nito. Ang kulit talaga. Sabing ayaw ko nga e.

“Sorry talaga, Zach. Ayaw ko talaga e. Hanap ka na lang ng iba. Huwag na ako. Maraming GRP dyan. Sila na lang. Sigurado ako na may mas deserving pa kaysa sa ‘kin. May taong para sa ‘yo para suklian ‘yang nararamdaman mo at hindi ako ‘yon. Sorry talaga, Zach.” Ang hirap din mam-basted pero anong magagawa ko? Eh sa ayaw ko talagang makipag-relasyon dito sa RP.

Nag-reply pa siya ngunit hindi ko na binasa pa. Nag-log out na ako at nagbasa na lamang ng libro.

Natatakot talaga ako makipag-relasyon sa RPW. Natatakot ako na baka masaktan lang ako. Dito nga sa real world hindi pa ako nagkakaroon ng nobyo tapos sa pekeng mundong iyon makikipag-relasyon ako? Sa mundong walang kasiguraduhan kung nag-e-exist ba ang true love.

RPW is a faked world. Walang kasiguraduhan kung mahahanap mo rito ang taong papangarapin mong makasama sa habang-buhay. Pero malay natin dito ko nga matagpuan ang lalaking mamahalin ko nang todo. Ang lalaking kahit dito ko lang nakilala ay makasisigurado ako na hindi niya ako iiwan at hindi ako masasaktan.

Tinatamad na akong magbasa kaya nag-online ulit ako gamit ang RPA ko. Ganito lang palagi ang routine ko. Mag-o-online, kapag na-boring magbabasa naman, kapag na-boring ulit, balik na naman sa pag-o-online.

Nang mabuksan ko na ang account ko sa RPW ay kaagad na tumunog ang notification sound nito. Nang tingnan ko ito ay isang friend request lang pala.

“Clyde Vexon sent you a friend request,” basa ko rito.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang makita ko ang pangalan na iyon. Nanginginig din ang aking kamay. Naguguluhan ako kung i-a-accept ko ba ang friend request niya o hindi. My heart beats fast na para bang galing ako sa karera at pagod na pagod. Pangalan lang naman iyon pero ang puso ko parang lalabas na sa ribcage ko sa bilis at lakas nang tibok nito.

Dahil sa sobrang nanginginig ang kamay ko ay aksidente kong na-confirm ang friend request na ‘yon. Kaya ang puso ko ay para na namang abnormal sa sobrang lakas nang tibok nito.

“Arggghhhhhhh!” sigaw ko. Ano ba kasi ang nangyayari sa ‘kin? Napaka-weird. May sakit na ba ako sa puso? Paulit-ulit kong inuutusang pakalmahin ang puso ko pero ayaw pa rin.

“Janna, anak. Anong nangyayari sa ‘yo? Bakit ka sumisigaw? Dinig doon sa sala. May nangyari ba? May masakit ba sa ‘yo?” Napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Mama.

“Wala po, Mama. May ginawa lang ako na hindi ko ma-perfect kaya nakasigaw ako,” pagpapalusot ko rito. Narinig pala ni Mama ang sigaw ko. Nakakahiya!

“Gano’n ba?”

“Opo, ‘Ma.”

“Akala ko kung ano na ang nangyari sa ‘yo. Sige na ‘nak balik na ako sa sala. Nanonood kasi ako ng drama. Pinuntahan lang kita kasi akala ko may nangyari na sa ‘yo,” sabi nito na bakas pa rin sa tono ang pag-aalala.

“Sige po, Mama. Sorry po, na-istorbo kita," paghihingi ko nang paumanhin dito.

Wala na akong narinig pa na sagot galing kay Mama. Sigurado ako na nakaalis na ito.

Buti naman at kumalma na ang puso ko. Nag-log out na lang ako ulit at lumabas na lamang sa k’warto ko. Manonood na lang ako ng drama kasama si Mama.



KYLE’S P.O.V.

Tinatamad akong mag-add friend nang marami kaya isa lang ang in-add ko. Her name is Zyrie Calisto. A nice RP name for me. So girly and sounds hot. I don’t know why I added her but when I saw her name, I add friended her automatically. Ang weird lang kasi biglang tumibok ang puso ko. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko kaya aalamin ko.

Gusto kong kilalanin si Zyrie Calisto na ‘yan. Ano ang mayro’n sa kan’ya? Why did my heart beats by just seeing and reading her name. Itong nararamdaman ko ay mapapangalanan ko lamang kapag nakausap ko na ang babaeng dahilan kung bakit tumibok nang ganito kabilis ang puso ko.

“I’m willing to meet and know you here in RPW, Zyrie Calisto,” I whispered while looking at her name and read it again.

Mag-la-log out na sana ako nang may nag-send sa ‘kin ng friend request. Sabay-sabay iyon. Nang tingnan ko iyon ay ang mga kaibigan ko lang pala. Sinabi nila ang mga pangalan ng role play account nila kaninang umaga lang kaya alam ko na sila ang mga nag-add friend sa ‘kin. I accepted their friend request sabay log out. Mamaya na lang ako mag-o-online ulit. Sigurado akong online na ‘yong si Zyrie.

Alas singko na pala ng hapon. Wala naman na akong gagawin ngayon dahil natapos ko na ang mga dapat kong gawin bilang isang anak.

Nakita ko ang gitara ko kaya napangiti ako. Kinuha ko ito. Matagal na rin ito sa akin. Regalo ito sa ‘kin ni Papa noong birthday ko. Iniingatan ko talaga ito kasi galing ito sa taong iniidolo ko, ‘yon ay ang Papa ko. I want to be like him—a good, and responsible husband and father. Hindi rin siya tumututol sa mga gusto kong gawin. Kahit nga sa grades ko ay hindi niya ako pini-pressure na makukuha nang mataas. Ayos lang sa kan’ya kahit mababa ang grades basta ‘wag lang below 75.

Tinanatamad akong magtugtog ng gitara dahil sa pagod ako kaya binalik ko na lang ito sa dati nitong kinalalagyan. Wala akong maisip na dapat gawin kaya nag-online ulit ako sa RP account ko.

“Hi, Miss Zyrie. I’m Clyde but you can call me handsome.” Chat ko rito. “Don’t try to block me dahil makakausap pa rin kita. I’m going to meet you here in RPW. Kapag gusto ko ay nakukuha ko. For now, meeting you in RPW is my top priority. Wala kang kawala sa ‘kin.” Dagdag ko pa at nag-log out na ulit.

Nahiga ako. Hindi tumagal ay nakatulog din ako kaagad dahil sa pagod at antok.

Meeting You In RPWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon