CHAPTER 22

250 31 2
                                    

                             CHAPTER 22

KYLE’S P.O.V.

NANG MAGISING ako sa pagkakatulog naramdaman ko ang sakit ng mga mata ko dahil sa kaiiyak. Medyo masakit din ang mga ito.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Nakita ko na 11:00am na pala.

Itinago ko ang aking cellphone nang marinig ko na ang mga yabag ni Mama na sigurado ako na dala na ang pagkain ko.

“Kyle, nandito na ang pagkain mo. Papasok ba ako?” Kumatok ito nang ilang ulit.

“Iwan niyo na lang po riyan sa labas, Mama. Kukunin ko na lang,” sagot ko rito 'saka pilit na itinatayo ang sarili. Nang mahirapan ay inusod ko ang aking katawan para mailapag ko sa sahig ang mga paa ko para makatayo ako.

“Kaya mo ba?”

“Opo, Mama. P’wede na po kayong umalis!” medyo pasigaw ang pagkakasabi ko no’n para marinig ni Mama.

“Pero Ky—sige na nga. Ubusin mo iyan!” inis na ani Mama pero mababakasan pa rin ito ng tinig na may pag-aalala. Nang marinig ko na ang mga yabag papaalis sa pintuan ng kwarto ko ay dahan-dahan na akong naglakad dahil sa nakatayo naman na ako nang matuwid.

Parang lasing ako naglalakad papalapit sa pinto, kaya tinukod ko na lang ang aking kamay sa pader para pang-alalay para hindi ako matumba dahil sa pati ang mga tuhod ko ay nanginginig dahil sa lagnat.

Nang nasa tapat na ako ng pagkain na dala kanina ni Mama ay madali ko itong kinuha at sinarado ang pinto.

Sa hina ng aking katawan hindi ko na nagawa pang maglakad kaya sa sahig na lamang ako kumain.

Nang matapos na akong kumain ay ininom ko na ang gamot saka paika-ikang naglakad papunta sa higaan ko. Nang marating ko ito ay agad na akong nahiga rito 'saka nagtalukbong ng kumot at natulog.

Saka ko na lang kakausapin si Zyrie kapag magaling na ako. Ayaw ko munang humarap sa cellphone kasi sasakit lang ulo ko.






JANNA’S P.O.V.

Mahal ko si Clyde. Nagawa kong makipaghiwalay sa kan’ya hindi dahil sa nakukulungan na ako sa oras na ibinibigay niya. Nakipaghiwalay ako dahil gusto ko na unahin niya muna ang pag-aaral niya kaysa sa ’kin. Sabihin niyo na duwag ako, wala na akong pakialam doon. Iniisip ko lang ang mga bagay na alam kong makabubuti para kay Clyde.

Alam kong masasaktan siya sa pakikipag-hiwalay ko sa kan’ya, pero alam ko na makakatulong ito sa kan’ya at sa pag-aaral niya.

I deactivated my role player account. Plano kong i-activate ito pagkatapos ng graduation nila Clyde, that is three weeks from now. Before I deactivated my account I sent a last message to him.

“Goodmorning! I know that I’m hurting you right now. Sorry. I’m going to deactivate this account. Masaya ako sa kaunting panahon na naging tayo. I will never forget that there’s a man who loves me despite of my attitude. A man who truly loves me even we’re far from each other. Promise me that you’ll study hard. Konting tiis na lang ga-graduate na kayo kaya mag-aral nang mabuti. Matutuwa ako kapag nalaman kong nakasali ka sa mga grumaduate. Bye. Iyong ipinangako ko na ibibigay ko ang address ko para makapag-meet tayo hindi na matutuloy. Sorry. Porke iniwan kita magiging miserable ka na. Huwag gano’n, Clyde. Tuloy pa rin ang buhay kahit gaano pa kasakit ang iyong naramdaman. Huwag mong hahayaang masira ka dahil lang sa taong iniwan ka. Hindi kawalan ang mga taong nang iwan sa iyo, tulad ko. Hindi ako kawalan. Someday, you’ll meet a girl who will stay at you forever. That girl isn’t me. Wait for that girl. She’ll come unexpectedly in the right time and in the right place.”

Iyan lang ang huling chat ko sa kan’ya bago ko i-deactivate ang role player account ko. Hindi ko napigilan ang mga luha ko na umagos sa aking mga mata dahil sa sakit na nadarama ko sa pag-iwan sa taong mahal ko. Sa taong kahit sa pekeng mundo ko nakilala ay hindi ko aakalaing mamahalin ako nang totoo. Na mamahalin ako nang buong puso.

Alam kong matagal na maghihilom ang sugat na dinulot ko kay Clyde dahil sa pakikipag-hiwalay ko sa kan’ya kahit hindi siya online.

Alas onse na. Kumain na kaya iyon? Baka hindi pa nila break time dahil saktong alas onse pa lang. 11:45 ang break time nila. Siguradong pagod na iyon tulad nang sinasabi niya dahil sa dami ng mga school activities nila. Lalo pa ngayon na three weeks na lang graduation nila.

Tapos na akong maligo. Medyo nakararamdam na rin ako ng gutom kaya nagmadali na akong lumabas sa k’warto ko pero bago iyon inalis ko muna ang mga bakas na galing pa lang ako sa pag-iyak. Matapos iyon ay dumeretso na ako papunta sa kusina para kumain.

Masuwerte nga yata ako dahil wala akong naabutang tao sa kusina. Siguradong gumala na sina Mama pagkatapos nilang kumain. Sabay na kumakain sila Mama at Papa kaya sabay din itong umaalis sa bahay papunta sa kan’ya-kan’yang destinasyon. Si Papa alam kong papunta ito sa sabungan kasama ang kan’yang mga barkada na adik rin sa sabong katulad niya. Si Mama hindi ko alam kung saan pumunta pero alam kong sa mga kumare niya para uminom. Oo lasengga si Mama.

Nang makarating ako sa kusina ay kaagad na akong sumandok ng pagkain ko saka kumuha ng ulam at umupo sa upuan. Inilagay ko ang plato na may pagkain sa lamesa at nagsimula nang kumain.

Ilang minuto lang ay natapos na akong kumain. Hinugasan ko na ito pagkatapos ay pumunta muna ako sa sala para magwalis. Alam ko kasing hindi naman nagwawalis si Mama pag-umaga, sa ’kin lang umaasa. Pero ayos lang iyon siya naman nagluto ngayon. Simple lang naman magwalis hindi na kailangan pang tamaran dahil ito ang pinakamadaling gawaing bahay.

Nang matapos na akong magwalis ay nagpahinga muna ako sa upuan na gawa sa kawayan. Nang mawala na ang hingal ko ay kaagad na akong tumayo saka naglakad papunta sa kwarto ko.

Nang makapasok ako sa k’warto ko ay kaagad na akong sumalampak sa higaan ko. Wala naman akong ibang gagawin kaya matutulog na lang ako.

“Inaasahan ko na magiging boring ang buhay ko ngayong naka-deactivate ang role player account ko,” bulong ko saka itinalukbong ang aking kumot.

Dadah-dahan kong ipinikit ang aking mata. Matutulog ako at plano ko na alas sais na gumising.

Meeting You In RPWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon