Kabanata 8

1.3K 118 20
                                    

Nightmares




The other night, I didn't saw the doll Uriel anymore. Hindi ko alam kung tinapon niya nga ba talaga ang manika. Ayokong paniwalaan lalo pa't matagal na siyang nagtatago sa manikang 'yon at ito ang ginamit para mapansin ng tao. Mayroon din sa loob kong nalulungkot. I used to loved that doll.


I want to do a research. About the company of the doll. Ang history nito at kung paano nagsimula. That company just copied someone's face! And that's the human Uriel. Hindi nga lang ako sigurado kung siya ba ang kinopya o pinaretoke niya ang kanyang mukha para maging kamukha ang manika.


I want to know who was the founder of that company and how did he start. Pakiramdam ko, may madilim pang sikreto ang dapat ibunyag sa kanila. With the human Uriel as well, I want to know kung sino siya, saan siya galing at anong koneksyon niya sa kompanyang iyon.


How about manager Brina? Kung sa taong Uriel kinuha ang mukha ng manika, hindi niya ba alam ang tungkol doon? That thing na sinabi niyang walang nagpaparamdam sa kanila dahil inaalagaan nila ang manika, alam ba niya o alam nila na tao ang nasa likod nito?


Who are they? Who is this person I'm living with this place?


Mabilis akong tumakbo papuntang higaan at nagkumot, naupo roon habang nakasandal ang likod sa head board. Ito ang paraan na gusto niyang posisyon ko hanggang sa dumating ako. Hindi ko alam kung anong pwede niyang gawin sa oras na mahuli niya akong nakatayo pero alam kong ikakapahamak ko 'yon so I better listen.


Tuluyan nang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang taong Uriel. Wearing a dark turtle neck with a dark loose jogger pants na pinaresan niya ng boots, he looks like someone who's hard to deal with. Ganyan na ganyan ang suot niya noong araw na muntik akong marape ng tuluyan ni Lando. It's giving me goosebumps.


Lumapit siya sa akin na may dalang mini trey. Nang ibaba niya ito, nakita ko ang isang Thailand dessert doon. A red rice in a circle shape at napapaligiran ito ng hinog ng mangga. Nababalutan din ito ng maraming gatas.


"Eat." Utos niya. Tinignan ko siyang nakaupo lang sa gilid ng kama, paharap sa akin.


"Hindi ba muna tayo kakain ng kanin?" Takang tanong ko. Kumunot ang noo niya at tumingin doon sa dessert.


"Are you rejecting my food?"


Agad akong umiling kasabay nang paggalaw ng kamay para ipaintinding hindi ganon 'yon. Nakita ko ang tiim panga nitong kinuha ang trey at binuhat muli iyon. Sumunod ako at agad kinuha 'yon.


"I'm not rejecting it. A-alam ko masarap 'to."


Damn it!


Hanggang kailan ako magpapanggap, h'wag niya lang akong saktan? Tumingin siya sa akin at mas lalo siyang nagtaka. Hanggang kailan siya ganito? Makitid ang utak niya at hindi makaintindi ng maayos. Ginagawan niya ng issue ang bagay na hindi naman dapat.


"How'd you know that it tasted good? You haven't tasted it yet."


"Nakakain na kasi ako ng ganito dati." I fake a smile.


Akala ko'y matutuwa siya pero mas lalo siyang nainis. Inagaw niya ng tuluyan ang pagkain at naglakad palayo.


"I'm making a new one."


"Uriel, come back!" Sigaw ko dahil ramdam ko talaga ang iretable sa kanyang tono ng pananalita.


Tumigil siya malapit sa may pinto kaya lumapit na ako doon at sinandok ang isang naslice na hinog na mangga saka ito kinain.


"Why'd you eat that? It's not good. You want rice!" Sigaw niya. Galit ang tono dahilan para mapaatras ako.


Mas lalo akong natakot nang makita ko na talaga ang galit niya. Inilapag niya ang pagkain at hinuli ang magkabilaan kong braso. Sa sobrang higpit ng hawak niya ay nasasaktan na ako.


"Iluwa mo."

"Nalunok ko na."

"Sipit it out!"


Napayuko ako sa lakas ng sigaw niya. Seriously? Are we fighting over that food?


"But you made it. Sayang kung itatapon mo."

"You want rice."


"Yeah. Before dessert, kanin muna kasi talaga ang kinakain." I explained. Dahan dahang lumuwag ang hawak niya at nang bitawan niya 'yon, lumayo ako at hinilot hilot ang aking braso.


He's toxic. A very toxic person. He wants to control a person. Kahit sa maliit na bagay ay ikinagagalit niya. Pagkain na 'tong usapan namin ay galit din siya. The moment he knew it is not my first time eating that, galit din siya. Anong gusto niya? Lahat ng gagawin niya para sa akin ay bago lang sa paningin, panlasa o pang amoy ko?


Is that what he wants?


"I'll leave it there. You'll eat dinner in here." Aniya. Hindi pa ako nakakasagot ay umalis na siya.


Natawa ako nang may halong inis sa ipinapakita niya. I want to cry right now. I-express ang takot sa aking dibdib at matulog na lang. He's scaring me. His toxicity can kill someone. At dahil ako ang pinakamalapit sa kanya, pwede niya akong mapatay.


Bumalik siya dala ang mas malaking trey. Naglalaman na iyon ng rice at ulam. It's a sweet and sour chicken na nahaluan ng mga gulay. Ito ang hindi ko pa talaga natitikman.


Pero napansin ko, para sa iisang tao lang ang pagkain na nakahanda. Tinignan ko  siya na nagtungo doon sa kanyang closet na tinatanggal ang kanyang relo saka nagbihis.


He always wear expensive clothes and accessories pero nandito lang naman siya sa loob ng palasyo niya.


Nang bumalik siya na bagong bihis sa kanyang pantulog, napatingin ito sa akin na hindi pa ginagalaw ang pagkain.


"Bakit hindi ka pa kumakain?"


"Ikaw?" Tanong ko. I don't want to be rude. Nangangapa ako. Paano kung kumain ako at magalit siya dahil hindi ko siya hinintay?


"I'm done."


Kumunot ang noo ko. Nagtungo siya sa aking tabi at nagbasa ng libro habang ako ay sinimulan ang pagkain.


If there were no cooks around or maids, malamang siya ang gumagawa ng lahat. Nagluluto, naghuhugas ng pinagkainan at naglalaba ng sandamakmak niyang damit. O baka tinatapon niya lahat ng gamit na?


Naboring ata siya sa binabasa niya kaya binuksan niya ang TV. Tumambad ang isang TV commercial. Patungkol sa isang pagkain. Gaano man kabusy ang isa as long as ang pagkain na iyon ang nakahanda, sabay silang dalawa. They must be a couple.


Nagpatuloy ako sa pagkain. Tumigil na si Uriel sa pagturok sa akin ng anesthesia kaya bumabalik na ang lakas ng katawan ko. I don't want him to inject me with a new one kaya ingat na ingat ako sa galaw at sa tanong.


Pagkatapos kumain, siya rin ang naglabas ng pinagkainan ko. He doesn't want me going outside. He always do everything.


Ako naman ay nagtungo sa kanyang banyo. I remember I have no other clothes at pinahihiram lang ako ng mga damit ng taong Uriel.


This is really hard. Kung gusto niya akong itago dito, sana man lang ay may mga gamit ako.


Nilapitan ko ang malawak niyang walk in closet. Inilibot ko ang paningin para magtingin kung ano ang pwede sa akin. But what should I expect? He's a guy. Malamang ay walang babagay sa akin sa mga damit niya.


I heard the door opened. Narinig ko ang patakbo niyang yapak hanggang sa mapunta siya rito sa walk in closet. Para siyang hingal na hingal kahit hindi ganon kalayo ang tinakbo niya. He looks at me with rage in his eyes.


"I'm sorry. Gusto ko kasing maligo. Pero wala akong damit so I went here... Uh... But I didn't touch anyth-"


Tumalikod din ito at bumalik sa kama. Nalaglag ang panga ko sa inaakto niya. Then why did he run towards me na parang akala niya may ninanakaw ako sa mga damit niya kung tatalikuran niya rin ako ng ganon?


"I thought you've left." Aniya pagkaayos niya ng upo sa kama. "Choose whatever clothes you want."


Ako, aalis? Wala ngang kahit anong labasan dito. May bintana man, nasa pinakatuktok kami at ayokong mamatay sa pagkakatalon.


I choose a knitted sweater. Dahil malaki iyon, umabot ito halos sa tuhod ko. He's that tall. Isa sa mga pantulog niyang pantalon ang ginamit ko na de-garter. And yes, I've no underwear inside and it makes me feel weird. Ganon ang suot-suot ko matapos mag half bath.


Nang makalapit sa kama ay nilingon niya ako. He closed the book he's reading at tinabi iyon. Nagtungo na ri  ako sa kanyang tabi at nagkumot.


Napapikit ako sa takot nang idikit niya ang ilong banda sa aking balikat. Tumaas ang balikat ko but he push it down so he can have an accesss to my neck. Hindi naman dumidikit ang labi o ilong niya doon ngunit natatakot parin ako.


"You used my soap again." Aniya at dumistansya rin. Nakahinga ako ng maluwag bago tumango.


"I'm sorry."

"I don't mind it. I'm using your perfume anyway."


"What?" Biglaan kong tanong at nilingon siya. Ngumisi siya at nahiga sa kama. Sumunod ang paningin ko sa kanya na nakatingin din sa akin.


"When I'm staying somewhere in your house, I'm using your perfume."


I'm going crazy. Mas lalo akong kinakalibutan sa mga nalalaman ko sa kanya. Nahiga na rin ako at tumingin lang sa ceiling.


"Dapat pala sabay tayong kumain ng kanin kanina." He said. "That's what I saw in the TV."


"It's a relationship thing, Uriel." I said. "Mostly couple, family, or friends ang gumagawa non. It describes how you want to bond with someone you love. Ang pagkain ang isa sa paraan para makasama mo ang mga taong mahalaga sa'yo."


"Hmm."


"But we're not a family. We're not couple. We're not friends." Ang inis na sabi ko. Pinagsisihan ko na sinabi ko 'yon matapos maalala ang bagay na madaling nagpapagalit sa kanya.


Nilingon ko siya na matalim na ang titig sa akin. He immediately stood up. Sinundan ko siya ng tingin na lumabas ng pinto. Pagbalik nito ay may dala na itong wine at wine glass.


He knows how to drink? Naupo ito sa kanyang study table patalikod sa akin. Tahimik siyang uminom doon.


What have made him like this? Who made him like this? He's not that fully mentally ill. Pakiramdam ko ay may natitira pang ayos sa kanya. Madali lang siyang matrigger at nakakasakit but if you will choose well the words that you're using when he's talking to you, he'll be fine. Bumuntong hininga ako at tumalikod din ng higa.


When I was a kid, I want attention as well. Kids doesn't want to play with me because they think I'm odd. Kakaiba raw ang itsura ko. Masyado raw kumikintab sa puti ang buhok ko. I can't blame them. My father is a European. My mom is only a half Filipina. May lahi itong Chinese. Kaya ang kinalabasan ay ganito. Takot sila sa akin. They said I look like a mannequin. Ayaw nilang makipaglaro because they think, I'm a monster in disguise. Iyon ang tingin sa akin.


I start collecting dolls the first time they gave me a doll gift. Si Miranda iyon. I realized that If others doesn't want to play with me, I can with my dolls. Pero kahit ganon nagkaroon parin ako ng kaibigan. There's Anika. There's my other co workers. Kaya nagkaroon din ako ng pakiramdam na napapahalagaan parin kahit papaano ang existence ko.


Hindi ko lang alam ang pinagdaanan ni Uriel.



~

"Uriel..." Naiipit na boses na sabi ko. I can't breath. I can't move. Sakal na sakal na ako. His hand is on  my neck, strangling me very hard. "No..." I said as one tear escaped from my eyes.


Nang bitawan niya ako ay tuluyan na akong nawalan ng malay.  And that's how another nightmare woke me up. Hingal na hingal ako para habulin ang hininga. Hinawakan ko rin ang leeg ko para malaman kung talagang ayos lang ba ako.


Nagising din si Uriel, tumayo at agad na binuksan ang ilaw. Nang makita ko siya ay mas lalo akong natakot. Parehong pareho ang suot niya sa panaginip ko.


Lumuha ako habang umiiling. Gusto ko na lang umuwi at yakapin ang mga magulang ko nang sa ganon ay maibsan naman ang takot na nararamdaman ko. How can I stay with someone who wants to kill me in my nightmares and as well might kill me in reality. Kahit kailan ay hindi magiging panatag ang loob ko dito.


"Cresia..." He uses that innocent tone again. Bumalik siya sa kama, sa tabi ko. He force me to look at him dahil patuloy ako sa pag iwas.


"Anong nangyari?" Tiim panga niyang tanong sa pagpipigil. Tila ayaw niya ang ipinapakita ko.


I lift my head so I can see him. "Binangungot lang ako. I didn't mean to wake you up." My lips trembled. Gusto ko na lang humingi ng sorry dahil natatakot ako sa pwede niyang gawin. Naistorbo ko ang tulog niya. Madali pa naman siyang magalit.


"Anong napanaginipan mo?"

"Y-you killed me..."


I touch my neck again to check if I'm really okay. Tumingin siya doon at siya ang nagtanggal ng kamay ko. I scream in fear when he touch my neck too. Naka hawak ang kamay niya doon sa paraan na parang sasakalin ako.


Gamit ang isa niyang kamay, hinawi niya ang buhok na humaharang sa buo kong leeg para makita niya iyon. Ang pagkakahawak niya sa aking leeg ay marahan na humigpit para mailapit sa kanya. And with that, he drop a soft kiss on the side of my neck.


Bumitaw din ang kamay niya at naglabas ng panyo.


"This contains a chloroform. If you inhale onto this, you can sleep without having any nightmare."


Mas lalo akong umiling. Mas nakakatakot pa ang alok niya. I know he just want to help. Pero masyado na ang offer niya. Ano ba namang klaseng alok yan!?


He took out his phone. Nagkalikot siya doon at maya maya pa'y inaabot niya na ako gamit ang isang niyang braso habang ang paningin ay hindi natatanggal doon sa screen ng phone.


Hindi ako makagalaw. I'm still scared he might hurt me kaya nagpahila ako sa kanya. Nang makalapit na ako sa kanya't nakakulong sa kanyang isang bisig, nakita ko ang nasa phone niya.


'How to comfort someone who had nightmares'


"I'm sorry you got scared." Panggagaya niya sa ipinakitang resulta sa kung ano dapat ang sasabihin sa isang taong binangungot. Saka niya ako mas ikinulong sa kanya.

In The Arms Of A Doll Collector (BENZ SERIES I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon