Forget and Change
Maaga na nagising si Damon. Iyon ang sabi ng isa sa mga maid na pumasok rito sa kwarto para maglinis matapos kong ayusin ang sarili. Nagtungo ako sa kwarto ko para maligo at magpalit sa bagong damit. Ramdam ko rin ang gutom kaya minabilis ko ang pagbaba sa magarbong hagdan. Ngunit hindi pa ako umaabot sa dining area ay rinig ko na ang dalawang tao na naguusap.
Manager Arevalo and Damon.
Nagsalubong ang mga mata ko nang makita ang ayos ng lalaking ito. He’s back wearing to his formal clothes again. May dark corset pa ito na napalilibutan ng mga silver chains. Balot na rin ng accessories ang kanyang mga daliri at leeg. Mas lalong kumunot ang noo ko. Sasabak ba siya sa modeling?
I didn’t went into their area. Nanatili akong nakatayo dito sa gilid ng wall ng dining area at nakinig sa usapan nila.
“I’ve taken care of it.” Manager Arevalo passes an iPad to Damon. Inabot niya iyon agad at may binasa rito. Hindi ko alam kung ano ang andon.
“This is what I’m waiting for.” He said in a low voice.
“But Hailey’s parents — they can always have a way to escape from this.”
Nahinuha ko ang pag aalala sa boses ni Brina. Damon gave back the iPad to her and put his both hands inside of his pockets.
“I’m not buying any of their reasons. Makatakas man sila, alam na ng tao ang ginawa ng anak nila kay Cresia.”
“They really think you’ll be marrying their daughter to pay off the debt.”
What debt? May pinagkakautangan ba si Damon? But I know he’s too wealthy to have a debt. Parang kaya niya namang bilhin ang lahat.
“I will not going to marry Hailey.” Madiin na pagkakasabi nito. Napaupo siya sa upuan at napahawak sa kanyang sentido. “Mas lalong magagalit sa akin ang pamilyang Smith dahil sa nangyari.”
Kumunot ang noo ko. Did I just heard the name of my family? Ano na naman bang kinalaman nila dito? Anong binabalak niya?
“It’s not your fault, Damon. I know you’re trying to take care of their only daughter and to change the way you live. Hindi mo naman kasi kasama si Creisa noong araw na ‘yon.”
Damon breath in and out deeply.
“At isa pa, nasabi mo sa akin na gusto mong magka anak kay Cresia?”
“Yes.”
Natahimik ng ilang segundo si Brina. Tila parang may mali sa sinabi Damon.
“Hindi ba masyadong maaga para doon? I’m afraid, Cresia might experience anxiety or emotional stress because of what you did. I-I’m not blaming you. Iniisip ko lang na kapag nagbuntis na siya at may nararamdaman siyang ganon, makakasama pareho sa bata at sa kanya.”
I saw how he clench his both fist that was above the table. Napahawak siya sa kanyang ulo at parang napakasakit non. Nakitaan ko ng lungkot ang mga mukha ni Brina. Napaka hinhin niyang magsalita at parang piling pili ang mga words na ginamit niya.
“Y-you think I’m being too much?”
“No. You’re not. I know you just want to be with her.” Mas lumambot ang boses ni Manager Arevalo. Para siyang ina na inaalo ang kanyang anak.
“Wala na akong ibang maisip na paraan para hindi niya ako lubayan.” His voice trembled. “I need her so I can cope up with this fucking unhealthy mind of mine. Kapag walang rason kung bakit ko siya ikinukulong dito, she might leave me, Brina.”
Nakita ko kung paanong lalong humigpit ang hawak niya sa kanyang ulo. Later on, I saw how he covers his eyes with his palm. Pigil na pigil ang kung ano mang ingay na gustong pakawalan tila ayaw iparinig sa ibang maid na sumisilip. He’s crying silently.
Parang ibang Damon ang nakikita ko sa mga oras na ito. Bigla ring bumigat ang pakiramdam ko. Parang tinutusok ang puso ko sa hindi malaman na dahilan.
“Calm down, Damon. As long as you’re treating her right, she will be fine. Pero huwag mo na siyang pilitin sa mga bagay na hindi niya gusto katulad sa plano mong anak-“
“You think she’ll get mad when I lied about wanting to have child with her? Anong sasabihin ko sa kanya kung ganon?“
“Y-you lied?” Brina seems so shocked. Kahit ako ay nagulat doon.
So all this time, he’s been lying? Just for what? For me to stay? To be a reason so I can stay?
“I didn’t. I want a child from her kahit noon pa but half of the reason is because I want her to stay with me. Alam kong hindi magiging madali ang proseso non. Pero panatag akong kapag kasama ko siya, gagaling agad ako. I j-just really want her to stay by my side…”
I clenched my fist with he said.
“At first, I was also asking myself. Why I want a child with her. I have this feeling I’m still not sure what is it pero may idea ako kung anong tawag dito. I scared her the moment she saw me banking some of my seeds when I lost control of myself just because doing that thing will be one of my way to keep her. To impregnate her. Sabik na sabik ako sa alaga niya…”
Hindi ko na kaya ang naririnig ko. Lumayo ako ng tahimik at tumakbo kung saan. Seeing him crying with those trembling voice aches my heart. Para akong naaawa. Para kong nakita ang batang bersyon niya.
Nakarating ako sa library ng bahay na ito. Naupo ako sa kahabaan ng sofa na nasa tabi ng bintana at tulalang napatitig kung saan.
I thought I’m done with all of his shits, for all the bad things he did to me. I thought I would never ever feel sorry towards him but no. Dapat pagod na ako na intindihin siya dahil biktima niya ako. Ako ang nasasaktan. Ako ang nangungulila sa mga magulang ko. Ako ang may limitadong kilos kapag kasama siya. But after all of those things, I still find myself being worried and feeling sorry towards Damon’s weak side.
He lied about having a baby so he can ask me stay by his side. He kidnapped me for that reason and he does not want me to run away. To leave him alone for the second time.
Isang patak agad ng luha ang kumawala sa isa kong pisngi pero hindi ko rin ‘yon pinatagal. Pinahid ko ‘yon gamit ang aking palad.
He’s under mental guidance nga talaga kung ganon? He thinks he will get better when I’m with him. He thinks I can help him where in fact, all I can do is to think how to escape away from him. Sinong hindi? Sinong gustong makulong sa piling niya? Sa lugar na hindi ko kailanman ginusto. Sinong matutuwa kung may tao na kumokontrol sa iyo? No one. He kidnapped me and scared my family. He pay people to shut their mouths so he can just be with me.
Nakakatanga! Parang ngayon lang nag sink-in sa akin ang lahat. He has his own process. A pattern for all of these bullshits he did. Para sa iisang bagay. At iyon ay para sa akin.
Umiling ako at napahawak sa aking puso. He caused damage to me. To my parents. He manipulated us all, believed him that he can do anything to never spill any proofs against him. Iyon pala, kahinaan niya ang pagkawala ko, ganon ba?
Bakit hindi niya sinabi ng mas maaga? I started sobbing silently. Because of his unhealthy mind. He thinks he doesn’t want me to stay even if he asked me in a polite way? And maybe because of how he handle things, with violence.
Onti-unti kong inipon ang lakas ng loob sa akin. Pinunasan ko ang basang pisngi ko at lumabas na rin ng libarary para magtungo sa dining area. Baka magtaka sila kung wala ako sa kwarto.
When I get there, there’s no Brina anymore. Tanging si Damon nalang ang naroon. Nakabagsak ang ulo niya sa lamesa. Nakatago ang mukha sa pagkakaharang ng kanyang mga braso para maging unan ito.
Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan siya. The maids still find their way to serve foods at ipinatong ang mga iyon sa kahabaan ng mesa. Dahan-dahan para hindi magulat ang natutulog na Damon.
“Thank you.”
Nang umalis ang mga serbidora ay saka pa lamang ako umupo sa tabi ni Damon. Ginalaw ko ang mga pagkain, iniiwasan na makagawa ng ingay pero hindi iyon gumana. Damon lift his head. Agad itong tumingin sa akin.
Nagbalik na naman ang golden eyes nito roon sa kanyang mga mata.
“Good morning.” I greet in a very soft and slow way. Ang ekspresyon sa mukha niya ay ipinapakita sa aking lito siya. Lalo na nang simulan kong lagyan ng pagkain ang plato niya. “I know you like this. Sa tuwing kakain kasi tayo, ito ang lagi mong kinakain.”
Umiwas ako ng tingin nang manatili ang mapuungay niyang mata sa akin. Alam kong magtataka siya lalo pa at biglaan ang ma ikinikilos ko ngayon sa kanya.
Para nga lang akong bumalik sa dati kong buhay kung saan palagi kong inaalagaan si Uriel. But this time, it’s Damon.
“Kapg wala kang gagawin, we can watch a movie after or later this night. May mga alam akong movie recommendations.”
Ginalaw niya rin ang pagkain niya. I watch him eat. Napakalinis ng bawat kilos niya. Hindi minamadali. Hindi man ang dumadampi ang pagkain sa kanyang labi. Kahit ang pagnguya ng pagkain ay hindi ganon kaingay.
“Are you sick?” Biglaan nitong tanong habang nakatingin sa kanyang pagkain.
Naalala ko na naman si Hailey. Sa tuwing naalala ko ang sarkastiko nitong mga ngiti ay hindi ko mapigilan ang mainis. At, mas umaapaw ang nararamdaman kong ‘yon sa tuwing naaalala ko kung gaano kasakit ang ginawa niyang pagtulak sa akin.
Hindi naman na ganon kasakit pero ramdam ko ang ilang gasgas sa mga parte ng katawan kong tinamaan.
“Hindi na. Maayos na ang pakiramdam ko.”
“That’s not what I mean.”
“Huh?” Hinarap ko siya. Marahan din siyang humarap sa akin.
“The one that you’re doing today. It’s not you.”
Gumuhit ang isang ngiti sa aking labi. He looks confused. He looks like an innocent child. Para siyang bata na nagtataka sa kaaway kung bakit ito biglang bumait agad.
“Kailangan ko na bang kabahan dahil ganito na ang trato mo sa akin.” Wika nito at humarap din sa akin saka nagpatuloy sa pagkain.
I don’t even know if this feeling of mine is consistent. Ang alam ko, nagiging mahina ako kapag nakikita ko ang kahinaan ng isang tao. Lumalabas ang pagiging bukal ng puso ko kahit pa ilang beses na akong nasaktan nito. Basta may maganda silang dahilan sa lahat ng masasama nilang ginawa sa akin, parang nagiging tama ang lahat sa pakiramdam ko. At iyon nga siguro ang dahilan kung bakit na naman ako bumabalik sa ganitong asta ko pagdating sa kanya.
Galit ako kay Damon at sa lahat ng mga ginawa nito sa akin. Sa pagkontrol niya sa buhay ko. Sa paglayo niya sa akin sa pamilya ko, at sa pagkontrol ng mga paniniwala ng tao magawa niya lang ang lahat ng ito. Ngunit nang malaman ko ang nag iisang dahilan nito ay parang nawala ang galit na ‘yon. I wonder when will it came back. Kung babalik pa nga ba dahil sa pagkakataon na ito, mas malalim ang dahilan na meron siya.
“Bakit ka naman kakabahan?”
“This is not the way you usually act-“
“Because you always scares me. May karapatan din naman siguro ako magalit at matakot sa’yo, di ‘ba?”
Nakita ko ang paglunok niya. “I know. But now… “ Hindi niya matuloy ang sasabihin. Natawa ako at nagpatuloy sa pagkain.
“Let’s forget the way I acted before. Let’s just… “ I sigh and turn my gaze to him. “You know… forget that you kidnapped me and made me do things for your own satisfaction. We can just forget all of that and have a new start. Think that I… am very willing to be with you. To get all of these shits gone.” I lick my lower lip and smiled. Ramdam ko ang kakaibang emosyon sa aking puso. “Let’s say, I am here, willing to be your wife.”
Nakita ko ang pagkakabigla sa kanyang mukha. I saw his eyes blinks twice. Nakita ko ang sakit doon at naramdaman ko ang guilt sa kanya.
Sa sobrang pagpipigil ko rin ay napasinghot ako at nagkunwaring umiinom ng juice para hindi na bumagsak ang aking mga luha.
“Cresia. Is this a kind of… technique for you to let me freed you-“
“Of course not. I’m serious.”
I saw him smirked out of frustration. Napahawak siya sa kanyang ulo at parang nagiisip kung bakit ako nagiging ganito. Kunwari pang tumawa ako.
“When will be the wedding?” I even asked. He, again, look schocked staring at my face. Ngumuso pa ako kunwari. “I really want a grand wedding though. I want to wear the most pretty dress and walk in a very elegant aisle.”
“A-anything.” Sagot nito. “I’ll get the most expensive wedding dress.” Dagdag pa niya at litong lito na kinuha ang phone sa bulsa. He then call someone at lumayo pa para matawagan ng maayos ang kung sino mang gustong tawagan.
Tinitigan ko siyang bahagyang nakatalikod sa akin. Kumamot din ito sa kanyang isang kilay at nakatingin sa kanyang paa habang sinasabi ang mga detalye sa kasal na magaganap na siyang binanggit ko.
“Her last name must be changed into mine before this week ends.”
BINABASA MO ANG
In The Arms Of A Doll Collector (BENZ SERIES I)
Mystery / ThrillerOld Title: Uriel, The Doll [COMPLETED] Cresia finds herself entranced by the doll's intricate designs and lifelike features, but as she grows closer to it, strange occurrences unfold around her. She experiences vivid dreams filled with haunting visi...