Kabanata 32

902 101 32
                                    

Who came



It’s been 2 weeks since the last time I saw Damon Silver. Same with his twin brother Damien Silver. I have tried searching online whatever news I may find helpful so I can have an idea where they are right now. Pero kahit sa kahit anong araw na pabalik balik ko sa social media ay wala akong mabasa na kahit ano.


The Benz website is doing fine. It’s still open. Kahit ang physical building. Hindi ko lang sigurado kung pumapasok ba si Damon doon. Patuloy ang pagtaas ng mga pasadong comments sa kanilang customer satisfaction’s page. I can help but smile and feel proud.


Sa tuwing tinatawagan ko si Damien na hindi ko rin naman ma reach ay nag iiwan na lang ako ng voice message. At wala na akong ibang ginagawa sa mag hapon kundi ang maghintay sa respond nito. Sa isang araw ay nakakatatlo akong tawag sa kanya ngunit wala talaga. Sa kanya na lang ako umaasa. Baka kasi may alam ito kung saan si Damon. O, kung ayos lang ba ito. But how would I know? They’re not even in good terms.


My Dad tried helping me to look for Damien. Nagtungo ito kanina sa may Police station kung saan ito nagt-trabaho kahit na medyo may kalayuan na ‘yon mula rito sa bago naming tinirhan na bahay. The officers in there told father that Damien Silver cannot be found too. Bigla na lang daw itong nawala. But they couldn’t just be mad at him for doing that. Isa si Damien sa nangunguna sa team na ito. Ang sabi ay may iniwan na salita si Damien bago mawala. He will leave for an extreme investigation and they all assume na kaya ito wala ngayon ay dahil doon. Wala ring magawa ang mga top officers, Damien was all the reason their team always gets the critical investigation na siyang pinapangunahan nito. Kaya naman mas tiwala sa kanila ang tao ganon din ang mga Boss.


“Sinabi niyang aalagaan ka niya ng maayos. At nangako ito na ibabalik ka sa amin kapag may nagbago sa kanyang pananaw at nararamdaman.” Dad said na siyang tinawanan ko. Nagkaroon na rin ako sa wakas ng lakas ng loob na tanungin sila sa mga bagay-bagay na nangyari noong wala ako. Kung paanong hindi na masyadong nag aalala si Daddy at Mama ngayon kung sakaling balikan man ako ni Damon.


“Alam kong hindi kayo naniniwala doon.” Kontra ko.


“Of course. Hindi ako tanga. Kinuha ka niya noon sa amin at dalawang beses pa. Sinong magulang ang hindi magagalit doon?”


“Then why did you still let him?” Hindi sa ayaw ko ang nangyari. I’m just curious.


“Damien Silver came to us after Damon made the promise.”


Kumunot ang noo ko. Narinig kong si Mama na natatawa at kalaunan’y tinapik ako sa aking tuhod. Father shook his head for her reaction. Mukhang kabisado nang ganon ang reaksyon ni mama kapag nabanggit ang pangalan ni Damien.


“Ano naman po ang sinabi niya?”


“That he will look after you. Hindi hahayaan na may mangyaring masama sa’yo.” Saka ito bumuntong hininga. “And, we trust him that time. We always trust him.”

Nadapo ang tingin ko sa iba. Ganoon din ang naramdaman ko noong makita ko si Damien. Our first meeting was when he came in the old house of Damon. Doon sa malamansyon nitong bahay. He is wearing a police outfit. Kahit na magkamukha sila ni Damon, I came to trust him easily. Dahil na rin siguro sa suotan nito at sa paraan ng kanyang pananalita at pag approach.


“I like him.” Mom complimented. “I like him for you, Cresia.”


“Ma…” Suway ko. Tumawa lang ito.


“Bakit? Wala namang masama doon. He’s a good man. Naisip ko na kung kaya niyang pangalagaan ang ibang tao, paano pa kaya ang magiging girlfriend niya.” And, she laugh again.


Napa iling ako. “Are you telling me po ba na gusto niyo siya na maging boyfriend ko?” Prangkang tanong ko. Natigil si Mama sa pagtawa at napa ubo. Naisip ko na bakit niya sinasabi ang lahat ng ‘to? Obvious naman na ipinapamukha niya sa akin ang mga kakayahan ng isang Damien Silver para magustuhan ko. Which I already do.


I like Damien Silver. I like him as a friend. Wala nang iba.


“H-hindi naman sa ganoon.”


Dad clears his throat. Tumingin ako dito na muling nagpatuloy sa sinasabi.


“Alam namin kung saan ka nakatira. Damon told us everything. Also your location. Kaya naman kampante kami. At, kahit hindi naman nakakapasok doon si Damien, tiwala pa rin kami na may paraan ito para hindi ka mapahamak.”


Paraan? At ano naman kaya ang paraan nito? Kung ganon ba, matagal na rin akong binabantayan ni Damien? But in a good way.


“Kamusta po ang kaso kay Lando?” Naalala ko na namang ang lalaking iyon. And to think what happened that night makes me feel that I’m still lucky. Kung hindi ba dumating si Damon noong gabing ‘yon, may mangyayari? Paniguradong walang tutulong sa akin dahil walang makakarinig. At tuluyan nang madudumihan ng lalaking ‘yon ang iniingatang parte ng katawan ko.


Nakita ko ang galit na mukha ni Dad. “Don’t even mentioned that man’s name. Galit din ako sa ginawa nito at sa kanya mismo. Kung hindi lang siya binayaran ni Damon ay hahayaan ko na mabulok siya sa kulungan.”


They really know all of the information about it. About what Damon did to Lando to keep whatever information he knew about us. About Damon kidnapping me. Para lang maitago ang katotohanan. Pero kahit binayaran niya ito ay hindi pa rin ako tiwala.


And to think about what they said, they trusted Damien all this time when I was with Damon. Kaya naman may pinanghahawakan sila. Na wala ngang mangyayari sa akin. Pero ang sabi naman nila’y naki usap si Damon noon at sinabi ang mga dahilan kung bakit niya ako kailangan sa piling niya. As a parent it might take time to fully understand the whole situation and Damon’s feelings. At, sa nakikita ko ngayon sa kanila, mukhang hindi na rin sila ganon kagalit sa kanya. O, ako lang ang nag iisip non?


When Damon brought me in this place, Dad was just in front of us. Walang naging reaksyon si Daddy at Mama nang makita ito. Hindi tulad noon na kapag naririnig pa lang ang pangalan nito ay galit na galit na. I hope they will fully accept Damon too.


“But I want to ask one thing.”


Naramdaman ko na talaga ang pagiging seryoso ni Dad. Tumitig ito nang maigi sa aking mata. Na parang doon siya babase kung totoo ba ang mga isinasagot ko. Kaya naman nakipagtitigan na rin ako dito. Ano man ang tatanungin niya ay sasagutin ko ng buo at totoo.


“Magpapakasal ba talaga kayo ni Damon? We saw your interview.”


I remembered that interview. It was one of the days I dislike. Pero kung iba ba ang babaeng pinakilala nito, ganon pa rin ba ang mararamdaman ko? I don’t think so.


“Magpapakasal po sana kami noong gabing hinatid niya ako dito.”


Dad’s jaw move. Parang hindi nito natanggap ang sagot ko. Doon na rin ako umiwas ng tingin. Ramdam ko na kahit hindi na ganon kagalit sila sa kanya, hindi nila makakalimutan ang ginawa nito.


“I don’t really understand.” Daddy says. “But I hope, you won’t end up marrying him.”


Parang isang pako na ipinukpok sa akin ang katotohanan na ‘yon. Iniwan kami ni Daddy at kami na lang ni Mama ang magkasama. She stare at me with her understanding look. Pero alam kong iisa lang ang iniisip nila Dad. And, I understand them.




“Your mom likes Damien for you?” Salubong na tanong ni Anika sa akin nang pasyalan din ako nito the day after. I nod at her. “I bet you father also wants Damien for you.” She then had a bite on a chip.


“I don’t like Damien in a romantic way.”

“I don’t like both Silvers for you either.” Aniya.


“But I like Damon.”


Napangiwi ito. “Alam mo, kahit hindi ko gusto ang dalawang ‘yon, mas katanggap tanggap pa sa akin at tunog makatotohanan kung si Damien pa rin ang magugustuhan mo. But Damon? Are you sure?”


Tumango ako rito. Napa iling ito at nagpatuloy sa kanyang kinakain. “Is it because of his past?”


“Isa rin ‘yon.”


If it’s not about his past, wala na akong ibang dahilan para intindihin kung bakit siya naging ganoon noong kinidnapped niya ako. If it’s about drugs, I would never understand him or like him. But because of the reason that something terrible happened in his past that made him like this, iyon lang ang dahilan kaya ko naiintindihan ang lahat at pilit na tinatatak sa kokote ko noon kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. He needed care. Attention.


Anika just gave up defending her future reasons. “Okay. I will support you with that. Nang malaman konrin kasi ang tungkol sa kanya ay nakaramdam din ako ng awa. But how much do you like him?”


“I don’t know. I still need to figure out how much I like him.”


Natawa ito st tinapik ang tuhod ko. Her face expression became excited. “Malalaman mo rin yan. Hindi kasi napipigilan ang mga ganyang pakiramdam. You will soon figure out. Mostly kapag nagkita kayo ulit. Ilang araw na kayong hindi nakikita, e. I’m sure you do miss him a lot.”


Napa isip ako sa mga sinabi ni Anika. Do I missed him? Ang kagustuhan ba na makita siya ngayon ay sign na miss ko siya? I don’t know. I have not seen him for two weeks already. Ang mga rason na ginagawa ko na tawagan si Damien ay para din malaman kung saan si Damon. Kung ganoon mga ang tawag don, then, maybe, Aniks is right. I do miss him.


Sa gabing iyon ay lumabas na muna ako ng bahay. There were no guards that was on standby. Hindi katulad noong araw na hinatid ako ni Damon dito.


Napatitig ako sa may gilid ng kalsada sa kabila. I’m here outside the gate banda sa nakalbong lupa. Naalala ko doon naka park ang itim na sasakyan niya noong hinatid niya ako. Hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Hindi pa rin siya bumabalik.


O, may posibilidad pa ba na babalik ito?


Napayakap ako sa aking sarili nang maramdaman ang lamig. Ang kalangitan ay walang buhay nang pagmasdan ko ito. There’s no stars. Kahit ang buwan ay wala.


Ilang minuto akong nakatayo roon habang tinititigan ang kalsada, umaasang may titigil na sasakyan sa harapan ko at makikitang si Damon ‘yon. Pero nang matagal akong nakatayo na walang dumadating ay naisipan ko na ring pumasok dahil ramdam ko na ang lamig.


But a dark car came. Ang liwanag ng front lights nito ay tumatama sa inaapakan ko. Napaharap ako sa sasakyan na ‘yon. Ang liwanag nito ang nakapagbigay liwanag. Pumarada ang sasakyan doon sa kabilang gilid. Napakunot ang noo ko. Bumilis din ang tibok ng puso ko.


Is that you, Damon?


Namatay ang front lights nito kasabay ng makina nito. Ang pintuan ng driver seat ay bumukas na nakaharap doon sa kabila. Ang front seat ang nakaharap banda sa akin. And when a man came out wearing a black cap na napapatungan din ng hood ng suot nitong hoodie na pinaresan niya ng dark jeans, I panicked.


Agad itong lumapit sa akin. Ang kagustuhan kong tumakbo papalapit sa kanya at yakapin siya ay hindi natuloy. Dahil sa paglapit nito ay isang bagay ang napagtanto ko.


Damien took off his cap at ang puting buhok nito ang tumambad sa kanyang ulo.


“I heard your voice messages. Let’s talk inside.” Aniya at agad akong hinila papasok sa loob ng bahay.


Where is he?


Nagpahila na lamang ako dito papasok ng bahay. Nadatnan namin sila mama at daddy sa may living room. They look surprised seeing Damien with me. Hanggang sa makita ko ang excitement sa mukha ni Mama.


“Officer Damien, you’re here.”


Payak na ngumiti si Damien sa kanila. “Good evening po. I came here to update Cresia about all the things that happened 2 weeks ago. At sa biglaang pag uwi sa kanya ng kambal ko.”


“Oh, it’s okay. Welcome ka dito palagi.” Anito at niyaya siyang maupo sa kahabaan ng couch. Tumabi ako ng upo dito habang nasa harao namin si Daddy. “At, sinabi ko na rin naman sa kanya kung bakit siya iniuwi dito ni Damon. We had a promise. Kaya hindi na ako magtataka.”


Para kay Daddy ay hindi na siya magtataka kung bakit ako iniuwi ni Damon dito. They hand a promise na ibabalik niya rin ako. Pero matapos nang nangyari noong gabing ‘yon, hindi pa rin ako mapakali. I want to know who exactly the spy is. Where is Mr. Velasquez. Okay na ba si Brina. And, where is Damon?


Tinignan ako ni Damien. Ang panlulumo ko na hindi siya si Damon ay nagpatuloy. Pero naisip kong nagpunta diya rito para sa mga gusto kong malaman. And that will be fine. At least malalaman ko ang lahat.


“Teka lang, tatapusin ko lang ang mga lulutuin ko para makapag hapunan na tayong lahat.” Ani Mama na nagtungo na muli sa kusina. Tumango lamang ako dito.


“Pinuntahan ka namin sa may police station because Cresia wanted to know where Damon is.”


Damien lick his lower lip and gave Dad a half smile. “Uhm, may mga iniimbestigahan lang po.”


“Well, that’s what they told me. Anyways, are you going to stay here tonight? Dito ka na rin matulog.”


Kumunot ang noo ko. Sumilip si mama sa may kusina at parang gustong gusto nito ang narinig.


“Tutal, sa inyo rin naman itong bahay na ito.”


“Ah, nakakahiya naman po.” Napakamot si Damien sa kanyang batok nang sabihin. Bahagya pa itong nagpakawala na kaunting tawa.


“Don’t worry about it.”


Tumingin sa akin si Daddy at sinabing ihatid ko raw ito sa isang bakanteng kwarto. Palihim na umikot ang mata ko. I know what they’re thinking!


Wala akong ibang nagawa kundi ang sundin ang habilin nito. Umakyat kami ni Damien nang tahimik at tinahak ang pasilyo kung saan ang kwarto para sa kanya.  Habang naglalakad kami ay napaka tahimik nito. Gusto ko sana agad magtanong ng mga bagay-bagay but he look stressed and tired. Okay lang din kaya siya?


I open the door of the room when we reach it at ako ang unang pumasok. Sumunod ito. Sinuri ko ang buong kwarto. Tanging ang kama na lang nito ang walang sapin. Kompleto naman ito sa mga unan.


“Kukuha lang ako ng bagong sheets-“Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil sa pagharap ko ay nakita kong ni lock niya ang pinto.


Sa mabilisan nitong pagharap sa akin ay ang pag angkin niya ng katawan ko. Ang mahigpit nitong yakap ay mas lalong humihigpit sa bawat segundong lumilipas.


“I needed my medicine…  that’s why I came.” He whisper.

In The Arms Of A Doll Collector (BENZ SERIES I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon