Mad
At the end of the day, I end up in my own room here at Damon's house. Nakatulala at hindi makapag isip ng maayos. I can't tell whether I still care for myself or not. Ang laman ng isip ko ay gawin niya na ang dapat niyang gawin sa akin para matapos na 'to. Paiba-iba ang isip ko dala ng emosyon na hindi ko na rin maintindihan.
I took my phone and check what's the top issue. Hindi nga ako nagkamali. Kumalat na sa social media ang nangyaring pagpapakita ni Damon Silver sa akin kanina with a caption that he's now taken and have a fiancée. Why does it have to be me? Kung meron palang mas nauna sa akin which is yung nangangalang Hailey then what am I? Bakit hindi nalang siya ang ipinakilalang fiancée para hindi na ako nahihirapan ng ganito!
Someone knock on my door. Umikot pa nga sa ere ang mata ko at tinanggal ang sandal kong suot saka inatras ang sarili sa pinakaulunan ng kama. The door open even without my word. Isa iyong maid na medyo nakayuko pa ang ulo sa akin at parang kasalanan na titigan ako.
"Bumaba na daw po kayo, ma'am. Pinapatawag na po kayo ni sir Uriel." Anito.
I didn't speak a word at mukhang hindi siya aalis doon hangga't hindi ako gumagalaw. Malakas akong bumuntong hininga at umalis sa kama.
"I'll just change my clothes. Mauna ka na doon at susunod nalang ako."
But as expected. She shook her head in contrast. Nakayuko parin ng bahagya ang kanyang ulo. "Sir Uriel told me not to come down without you, ma'am."
Mas nainis ako sa ganong sinabi niya. Anong tingin sa akin ni Damon, bata? He think I will escape and run away from him?
Kumuha nalang ako ng damit at pumasok sa loob ng banyo. I change myself into new clothes. Nagpunas rin ako ng mukha at naghilamos para tanggalin ang make up. Grabe pa ang ginagawa kong pag aayos kanina para lang sa interview na 'yon. Siguro ay tinatawanan na ako ni Hailey habang pinapanood ako because she knew she was the first and I'm just... Most likely an option! I feel like I already loose the feeling of fear on him. Mas lamang ang inis ko ngayon dahil sa nalaman ko tungkol sa isa niya pang babae. Why would he even let me stay here!?
I went down with this girl-maid after I changed clothes. Roon sa dining area ay naghihintay na siya but I was shocked when I saw him wearing the same clothes like Uriel. Kahit ang mala kulay gold nitong mata ay nagbalik rin. With a dark turtle neck top and a dark six pocket jogger ay bumagay ito sa naparesan niyang boots. Pamilyar ang suot niya ngayon. Kahit ang bagsak na bagsak nitong buhok banda sa harapan ay nagbalik narin. He doesn't look scary at all. Hindi na rin siya mukhang may sakit sa pagiisip. Instead, he looks cute and younger.
"Sit." Aniya.
Naupo sa katapat niyang upuan. Sinimulan akong pagsilbihan ng mga naka aligid sa amin at ang tanging tunog lang ng mga plato ang naririnig ko. Damon didn't start eating. Bagkus ay nakatingin lang ito sa isinasandok ng mga maid niya sa plato ko.
Matapos akong pagsilbihan ay sinenyasan niya itong umalis. I didn't see his manager. Siguro ay nasa kompanya niya para magtrabaho.
"That Hailey is just nothing but someone I knew." Wika niya. Diretso ang tono at parang ipinamumukha nito sa akin na dapat kong paniwalaan iyon. Ang ina na mismo ang tumawag. If that woman is just nothing, anong basehan nito para magsisisigaw ng ganon at mag-alala sa anak? I'm sure Hailey is something else to Damon.
"Fine." Sagot ko at pinakatitigan lang ang pagkain. Hindi ko siya maintindihan lalo. Kung gusto niya ng bata, do it with Hailey then. Do it with someone else. Mag ampon siya. Kung gusto niya ng baby bakit at ano pang pinatatagal niya. Dahil lang ba sa rason noong na sinabi ni Brina? That I am the only one who think who can help Damon? Psh!
BINABASA MO ANG
In The Arms Of A Doll Collector (BENZ SERIES I)
Mystery / ThrillerOld Title: Uriel, The Doll [COMPLETED] Cresia finds herself entranced by the doll's intricate designs and lifelike features, but as she grows closer to it, strange occurrences unfold around her. She experiences vivid dreams filled with haunting visi...