History
"Just like any other business, Benz company also started from scratch." Ani Manager Brina. Paikot-ikot itong naglalakad sa kabuuan ng office habang sina-summarize sa akin ang history ng kompanya. "Mahilig sa... pagtatahi si Mrs. Natalia - ang lola ng magkambal na Silver, sa pagtatahi ng mga damit noon. Ang alam din namin ay naglihi ito sa manika kaya naman sumubok rin siya sa paggawa ng mga simpleng manika noon."
May dinala rito na ilang papers si Mr. Galvez kanina kasama ang ilang lumang boxes na hindi ko alam kung anong laman. Isa roon sa mga boxes ay kinuha ni manager Brina saka niya inilapag sa harap ko 'yon. She also open it in front of me at nakita ang isang simpleng manika. Sa lahat ata ng manikang nakita ko ay ito ang pinaka simple.
"Maagang nagbuntis si Mrs. Natalia. Habang dinadala niya ang anak na si Adeline na siyang ina ng kambal na Silver, sumubok rin itong gumawa ng simpleng manika na gawa lang sa pinagsama-samang tela. At ito ang una niyang ginawa."
She opened the box. Isang manika ang bumungad sa akin. Napaka lambot matapos kong hawakan at tama siya, gawa lang siya sa tela.
"Ginunting ang mga sobrang tela lang din ang laman niyan." Dagdag nito.
The hair is made in yarn. Madalas sa mga nakikita kong manika ay gawa sa bead ang eyes and nose nito ngunit itong hawak ko ay tinahi lahat. Hindi rin siya ganon kalakihan at hindi rin ka perfect pero walang hindi matutuwa na inosenteng bata kapag napunta ito sa kanila. Akala ko ay natatanggal ang dress nito, hindi rin pala.
"Ang asawa ni Mrs. Natalia na si Alfredo ay simpleng manggagawa lang ng mga gamit na gawa sa kahoy noon tulad ng mga upuan, mesa at naghahanap din ito ng iba pang pwedeng pagkakakitan tulad ng pag-aayos ng mga sirang gamit. Hindi sila mayaman o hindi rin matatawag na may kaya sa buhay. They just simply live in a small house. Nang dahil sa manikang natatahi ni Mrs. Natalia, naisipan nilang gawin itong business. But of course, everything has ups and downs, hindi ka agad-agad naging successful. Wala silang masyadong pambili ng gamit kaya naman tumigil sila ng ilang buwan."
Nalungkot ako. Mukhang gustong gusto pa naman ni Mrs. Natalia ang paggawa ng manika pero dahil sa buhay na meron sila ay kailangan nilang tumigil.
"Mas lalo silang naghirap at nagkulang sa pera noong manganak na rin si Mrs. Natalia kay Mrs. Adeline." Manager Brina smiled and sit in one of the visitor's chairs na nasa aking harap. "At alam mo naman, habang lumalaki ang mga bata, naghahanap ng laruan."
Napatingin ako sa manikang hawak. "Iyan ang unang gawa ni Mrs. Natalia na hindi niya binenta kaya naman iyan din ang unang regalo na ibinigay niya sa anak nang mag isang taon ito. And she likes it so much."
"Parang ako lang. Pero pitong taon na ako nang makatanggap ng regalong manika."
She nodded. "I know. Sinira nga lang ni Damon."
Ngumuso na lamang ako. Nakaramdam na naman ako ng panlulumo nang maalala 'yon. Sinira niya lahat ng manika ko lalo na si Miranda at wala na rin kasiguraduhan kung matatapos niya ba 'to. Nanghihinayang din ako.
"Anyways, hindi naging hadlang ang hirap ng buhay kay Natalia noon. Wala siyang pambili ng laruan ng anak nila dahil mas inuuna nila ang pangangailangan kaya naman naghanap siya ng paraan para makagawa pa ng mas marami."
Ang galing naman. Mas okay na rin ang ganon para wala silang gastos. Feeling ko tuloy sobrang bait ni Mrs. Natalia.
"Until one time, may isang shop owner ang lumapit sa kanila, dala ang manika na isa sa mga naunang nagawa ni Natalia noong buntis pa lamang siya. This man offered them to make more dolls na siyang bibilhin nito para ibalandra sa shop na mismong pagmamay-ari nito. Tumigil na raw kasi ang unang pinagkukuhanan niya ng manika kaya kailangan niya ng bago."
![](https://img.wattpad.com/cover/293975814-288-k726138.jpg)
BINABASA MO ANG
In The Arms Of A Doll Collector (BENZ SERIES I)
Mystery / ThrillerOld Title: Uriel, The Doll [COMPLETED] Cresia finds herself entranced by the doll's intricate designs and lifelike features, but as she grows closer to it, strange occurrences unfold around her. She experiences vivid dreams filled with haunting visi...