Kabanata 6

1.4K 125 24
                                    

Kidnapped


Nagising ako sa matinding sakit ng ulo. Parang sasabog nga 'to sa sobrang sakit. Naninibago rin ako sa amoy ng kapaligiran. My vision's still blurred at hindi ko mapagkilanlan ang mga bagay na naaaninag. It feels like I'm in a different room.


Onti-unti ay naging malinaw ang lahat. Noon ko lang rin napagtantong nakatali ang dalawa kong kamay sa ulunan ng malaking kama. Kalahati ng katawan ko ay hindi ko maramdaman.The bed is comfortable but the fact that I’m in a different bed makes me uncomfortable.


Nasaan ako?


Sinubukan kong alalahanin ang nangyari bago ako mawalan ng malay. There's someone who hit Lando on the head. Iyong crowbar ang pinanghampas sa ulo nito dahilan din ng pagkawala nito ng malay. And, when I saw who did that, I'm pretty sure who he is.


Narinig kong bumukas ang pinto sa aking paanan. A man came in wearing a brown blouse na pinaresan niya ng itim na jumper slacks. Nasa isang braso nito ang itim na coat. He really look like him. Walang pinagkaiba pero impossibleng nagkaroon na siya ng buhay?


Umiling ako, hindi naniniwala sa sarili kong naiisip.


"Uriel..." Ang tawag ko kahit hindi naman ako siguradong siya nga iyon. Humarap siya sa akin. Nakita ko ang parehong mata niya sa manika. Ganon din ang buhok at ang tangos ng ilong nito. "Ikaw yung manika."


Hindi ito nagsalita. May itinuro lang ito sa kabilang gilid ko at mas lalong naguluhan nang makita ko doon ang manikang si Uriel. Pareho pa sila ng suot na damit. Kung ganon, sino siya?


Mas lalo akong nangangalay dahil sa pareho kong naka angat at nakataling kamay.


Nakita ko ‘yong lalaki na dumiretso doon sa kabilang dako. Napakalawak ng kwarto kaya marami akong nakikitang bagay. At mostly sa mga bagay na 'yon ay puro manika.


Pinanood ko kung anong gagawin niya doon. Iyon ang walk in closet niya. Nakikita kong malawak iyon dahil nakapalibot ang maraming naka hanger na damit sa bawat parte ng wall. Nasa gitna rin nito ang malaking mesa kung saan niya ipinatong ang tinanggal niyang relo at neck tie. Nakikita ko ang lahat doon dahil nahaharangan lang ito ng salamin.


Iniwas ko na ang aking paningin nang magtanggal ito ng damit para magbihis. Inabala ko ang aking sarili na makawala sa pagkakatali ngunit bigo ako.


Bumalik iyong lalaki na bihis na. Pareho nong silk blouse at pajama na lagi kong ipinapasuot kay Uriel ang suot niya ngayon.


"Sino ka?" Matigas ang tonong tanong ko, hindi pinahahalata ang takot.


"Cresia..."


Bahagyang bumuka ang bibig ko matapos marinig ang kanyang boses. Napakahinhin nito at mababaw.


"This is Uriel." He said. Biglaang pumasok sa isip ko ang papel na nakita ko sa bulsa ng manikang Uriel at nakasulat doon ang linyang sinabi niya.


"Hindi. Manika si Uriel-"


Hindi ko pa tapos ang sinasabi ko nang buhatin niya ang manikang Uriel at iniharap sa akin.


"Dinala ko siya dito. You might miss him."


Mas lalo akong naguluhan. Tahimik akong humagulgol sa takot habang siya ay nakatingin lang sa akin. "Paano gumagalaw yung manika kung ganon?"


Hindi siya nagsalita muli. Naglabas ito ng isang bagay sa bulsa. Isang cellphone at may kinalikot doon. Until I heard the same sound.


The sound of the boy calling me 'Cresia' at ang mga tawa ng isang bata na lagi kong naririnig. It's all recorded.


"No..." Umiiling na sabi ko.


"Ako rin ang nagluto nong fried rice with egg." Aniya na may konting ngisi.


Hah! Buong akala ko nasaniban na ng kung ano iyong manika. Buong akala ko minumulto ako. Siya lang pala ang may pakana ng lahat! Bakit niya ba ginagawa to?


Lumapit ito sa akin at tinanggal ang tali sa aking kamay. He knew I can't move my body kaya malakas ang loob niyang pakawalan ako.


"A-anong kailangan mo sa akin..." Umiiyak na tanong ko.


Iniupo niya ang manikang Uriel doon sa sofa bago niya ako lapitan muli at naupo sa gilid ng kama. "Ikaw mismo."


"Pakawalan mo nalang ako, please..."


Ramdam ko ang luhang bumabasa sa kanyang unan. Mabango ang buong silid sa totoo lang kaya nakakatulong din ito kahit papa ano na pakalmahin ang nagwawala kong puso sa kaba.


"I-inalagaan kita ng maayos, ‘d-di ba? Sinasabay kita kumain at matulog, kaya p-pakawalan mo na lang ako."


Umiling siya. Tumingin siya sa katawan ko at narealized na ganon parin ang aking suot. Iyong punit na sando. Muli siyang tumayo at kumuha ng damit doon sa kanyang walk in closet. Pagbalik nito ay may hawak na siyang puting blouse at bagong boxer. He put it on the bed saka siya nagtungo sa loob ng isang kwarto. It must be the shower room. Paglabas niya ay may hawak na itong panyo at maliit na palanggana.


"P-pakawalan mo nalang ako, p-pl-"


"Shut up, will you?"


Bahagya akong napa atras sa gulat. Parang pagod itong bumuntong hininga at sinimulan punasan ang aking mukha at leeg. Ganon din sa braso at kamay.


"Hindi ka aalis dito."


Hiyang hiya ako nang maisuot niya sa akin ang blouse. He is not staring at my chest. Talagang busy ito sa pagbihis at pagbutones ng blouse. But when he grab the garter of my pants, hinawakan ko ang braso niya para tumigil.


"A-ako na."


Tumaas ang isang kilay niya. "Hindi mo maramdaman ang kalahati ng katawan mo."


"W-wag nalang kung ganon."


Pakiramdam ko ay nagpalit kami ng sitwasyon. Siya ang tao at ako ang manika para bihisan ng ganito.


"What do you want for dinner?" Tanong niya matapos niya ring ayusin ang nagulo kong buhok. Napa atras din ako ng mukha dahil bigla nitong inilapit ang kamay. Nainis siya roon kaya hinawakan niya ng mahigpit ang likod ng ulo ko para hwag gumalaw o umatras pa lalo saka niya pinahid ang luha sa aking pisngi. Sa ganong paraan ay mas lalo akong natatakot.


"Anong gusto mong panghapunan?"


"Pauwiin mo na lang ako-" He didn't even let me finish my words at umalis na lang ito bigla. Kumuyom ang mga kamao sa galit. Hindi ko alam kung anong kailangan niya sa akin pero isa lang ang alam ko, kailangan kong maka alis dito.


He's weird. He's crazy. He's dominating me.


Kahit namamanhid ang mga paa ay pinilit kong iginalaw ang sarili. Wala akong ibang choice kung hindi ang ilaglag ang sarili sa lapag dahilan para masaktan ang itaas na bahagi ng aking katawan.


My both hands and arms are fine. Ginamit ko ang dalawa kong kamay para gumapang at hilahin ang sarili para makalapit sa pinto. Ang door handle ay masyadong mataas kaya pilit ko 'tong inabot. Nang sa wakas ay mabuksan ko ang pinto ay muli kong hinila ang aking sarili palabas.


Doon ko napagtantong napakalawak ng lugar na ito. Parang palasyo.


Hindi ko alam kung saan ang tamang daan. Hinila ko parin ang aking sarili hanggang sa makita ako ng daan pababa. Tahimik akong nagdadasal na sana ay makauwi na lang ako sa amin. Sa mismong pamilya ko.


Binalot muli ako ng kaba nang makita pataas ang lalaki sa hagdan hawak-hawak ang trey na naglalaman ng pagkain. Nang makita ako'y nakita ko ang namuong galit sa kanyang mata. Parang mas lalong lumiliwanag ang pagka kulay gold ng eyeball niya lalo na nang itapon niya lang kung saan ang trey. Napasigaw ako ng malakas dahil akala ko'y sa akin tatama iyon.


Lumapit siya sa akin at nakita kong naglabas siyang muli ng panibagong injection. Umiyak ako ng umiyak sa takot nang hilahin niya ang aking buhok sa likod at sa braso ko tinurok ang bagay na hawak niya.


Para na naman akong nanghina dahil doon at muli na namang nawalan ng malay.



Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Basta paggising ko, buong katawan ko na ang hindi ko maigalaw. Hinang hina rin ako at parang lantang gulay.


Nakapatong sa akin ang isang itim na comforter. Alam kong malambot ang kumot na ito pero hindi ko maramdaman dahil sa bagay na itinurok sa akin ng tao'ng Uriel. Namamanhid lang ang buo kong katawan.


Nang humarap ako sa bandang kaliwa ko, nakita ko siyang nakasandal sa head board ng kama, nagbabasa. Sa suot nitong salamin, mapagkakamalan mong matalino at ordinaryong tao. Talagang mapanlinlang ang kanyang itsura. Kung ganon, sa kanya iginaya ang mukha ng nagiisang manika.


Pakiramdam ko talaga nagpalit kami ng sitwasyon. Ganyang ganyan din ang ginagawa ko bago matulog habang ang manika ay nakahiga, hindi gumagalaw.


Naramdaman niya siguro ang maliit na paggalaw ko kaya hinarap niya ako at itinabi ang libro. Hindi na halos naubos ang luha ko dahil sa takot. Ang hagulgol ko ay nauwi sa hindi paghinga ng maayos dahilan para tumayo siya at magsalin ng tubig sa baso.


He helped me to sit for awhile habang pinaiinom ako sa baso. Nang maibsan ang sakit sa puso, saka niya ako ibinalik ng maayos sa kama.


Pinatay niya na rin ang ilaw at ang lamp ang naiwang nakabukas.


"Goodnight, Cresia." He whispered sabay halik sa aking noo. Isa sa bagay na ginagawa ko sa kanya noon-Mali-sa manika.


Patuloy ako sa pagiyak habang katabi siyang natutulog. Hindi ko alam na dadalhin ako sa ganitong kapalaran matapos bilhin ang manikang kamukha niya. Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali para danasin ang ganito.


Naiisip ko na lang ang pamilya ko. Ang kaibigan ko. At ang mga katrabaho ko. Alam kaya nilang andito ako? Alam kaya nilang binastos ako ni Lando? Hindi ko alam kung anong pipillin ko kung sakaling binigyan nga ako ng pagkakataon na mamili. Ang magpagalaw kay Lando o ang manirahan dito kasama si Uriel? Ngunit kahit ano pa man sa dalawa, alam kong hindi ako matutuwa.


Ilang oras akong gising. Ramdam ko na rin ang gutom. Ilang oras na ba akong hindi kumakain?


Nilingon ko si Uriel sa aking tabi. Nakapikit na ang mga mata nito. Kailan ba ako makaka alis dito?



Sa sumunod na araw ay namamanhid parin ang buong katawan ko. Pakiramdam ko mamamatay na ako. Papakainin man ako ni Uriel, konti lang. Mas maraming tubig ang nac-consume ko dahil parang nakakapang uhaw ang gamot na itinurok niya sa akin.


For almost a week, I suffered hell. I suffered anger, loneliness, and stress. Para akong mababaliw. Nakita ko rin ang mga kinaiinisan ni Uriel. He don't likes it when I'm in contrast. He don't likes it when I'm loud o umiiyak.  And he wants to always decide on his own.


Inalala ko ang mga bagay na napagusapan namin ni Anika noon tungkol sa kanya.


"Uriel got rejected 3 times already. Kung tao siya at ayaw sa kanya ng tao, wouldn't you feel bad?"


"You should be grateful. Kaya h'wag mo nang ibalik 'yan. Kung nagpaparamdam talaga siya as long as hindi ka niya sinasaktan, it will be okay."


Hindi ko alam kung ano talagang pinagkaka abalahan ni Uriel para magkaroon ng ganitong pamumuhay. He's living in his own Disney-world. He always dress like a prince pero ngayong napagtantong hindi niya nga ako sinasaktan basta't ginagawa ko ang gusto niya, maayos ako.


Parang sa manikang bersyon niya. Hangga't ginagawa ko ang bagay na gusto niya, nakikinig siya. Magpaparamdam man siya, hindi naman siya mananakit.


Naalala ko rin ang isang linya nito.


"If you're good to me,  And so I am to you.'


Naigagalaw ko na ang katawan ko ngunit andoon ang panghihina. Makakalakad at takbo man ako, alam kong mahuhuli at mahuhuli niya ako. This place is huge. Paano pa sa labas? Paano kung nasa gubat kami? Kaya mas maiging pakisamahan ko ang baliw niyang pag uugali kaysa ang manlaban pa.


He is a psychopath. He can kill me for disobeying him. Pero kapag gagawin ko ang gusto niya, alam kong kaya ko rin siyang makontrol.


Dahan-dahan akong bumaba sa kama. He's not here. Nauuhaw na naman kasi ako. Kahit ang pagbukas ng pinto ay hinang hina pa rin ako but the moment I open the door, he was there, outside.


He immediately grab that thing na lagi niyang itinutusok sa akin but I move backward as I raised both of my hands up.


"N-nauuhaw lang a-ako." I said, lips trembling in nervous.


"Ako na ang kukuha." Aniya at tinulungan akong makabalik sa kama. He leave to get a water at pagbalik nito'y tinulungan niya rin akong makainom.


Hindi ko alam kung paano magsisimula. Nangangapa ako kung paano ko siya pakikisamahan. But all I know, he wants attention. He's always jealous of a thing. Kahit nga manika ko ay pinagseselosan niya. He always wants to be in a center.


"Gusto kong maligo." Sambit ko. Parang nagdadalawang isip siya. Iniisip niya ba na tatakas ako?


Nakatitig lang siya sa akin.


"Uriel!"


Bahagya siyang nagulat sa pagtawag ko. Napa angat siya ng tingin sa akin na ikina buntong hininga niya.


"Sabi ko gusto kong maligo. Ipagluluto kita ng breakfast pagkatapos."


Ipinilig niya ang kanyang ulo. This is so not me, huh? Ako pa ang nag offer na gagawa ng breakfast kahit hinang hina na ako. Dahil sa ginagawa niyang pagtitig sa akin ay mas nagiging inosente ang mukha niya.


He is smart but quite. Dangerous but friendly. Psycho but loving?


Tama! Iyon nga ang meron siya. Halata naman ang pagiging matalino niya ngunit ang kahinaan niya ay pagkakaroon ng bukal na puso.


"Uriel..." I fake a sweet smile. "Ang baho ko na."


"Okay. I'll get you a new pair of my clothes."

In The Arms Of A Doll Collector (BENZ SERIES I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon