Kabanata 11

1.5K 150 33
                                    

Intruders





Kagat-kagat ang ibabang labi, pakiramdam ko'y ligtas ako sa lagay niya ngayon. We are walking back home. Mas nagunguna siya sa paglalakad habang nasa likod niya ako, hawak ang aking kamay. He's holding my hand firmly. Kapag napapadaan kami sa mabatong bahagi ay humihigpit ang hawak niya tila takot na matisod o madapa ako. We didn't brought everything back. Ang sabi niya ay hayaan na lang doon ang mga 'yon. It's not as if someone will ever take those away lalo pa't wala namang nadadalas na tao dito.


Pareho kaming puyat at pagod kaya pagkauwi ay bagsak ang pagod kong katawan sa kama. Hindi ko alam kung saan nagtungo si Damon ngunit hinayaan ko na lang.


Now that I know his name already, it sounds manly even more. He should stop wanting the name 'Uriel' or to be called that way because he has his own.



Nagising ako ay mga alasdos na. I found Damon beside me, tulog din at nakatalikod sa akin.


Anong oras siya natulog? Saan siya galing?


I didn't mind it. Dahan-dahan akong umalis sa kama para hindi siya magising saka ako nagtungo sa ibaba. I immediately prepared food for our late lunch. Nagugutom na ako at ramdam ko ang kalam ng sikmura. Naalala kong tinapay lang ang kinain ko kagabi. At syempre, naalala ko rin ang nangyari kahapon.


Merong nagsasabi sa akin na tanga ako sa ginawa kong pagtakas. Pero hindi ko naman alam na may mangyayaring ganon. I just badly want to go home. Pero hindi siguro kahapon ang tamang panahon.


Favorite talaga ako ng tadhana pagdating sa sexual harassment, huh? Kung hindi si Lando, iba naman? But one thing I'm sure about. Damon is always there to have me back. Parang siya tuloy ang nagmamay ari sa akin.


Inihanda ko ang lahat sa mesa at tinakpan ang mga 'yon bago umakyat sa kwarto. Binalot ako ng kaba matapos makapasok doon. Iniisip ko palang na gigisingin ko siya sa hindi normal na paraan ay kinakabahan na ako. Ito rin pala ang unang pagkakataon na gigisingin ko siya.


Ganon parin ang posisyon niya nang datnan ko. Marahan akong naupo sa gilid ng kama habang siya ay nakatalikod sa akin. He's wearing the clothes he is wearing last night.


"Uri-" I bite my lower lip and remembered he is not Uriel. He is Damon. Kailangan kong masanay.


"Damon..." Malumanay na tawag ko sa kanya. Pumatong ang palad ko sa kanyang braso at bahagya siyang niyugyog. "Damon... Wake up."


Hindi pa rin ito nagigising. Naipilig ko ang aking ulo sa pagtataka. Is he in his deep sleep? Sa pagkaka alam ko ay madali siyang magising?


"Damon... It's time to eat..." I speak again saka siya dahan-dahang gumalaw. Kalaunan ay nagbukas din ang mata niya. I flash a smile immediately pagharap niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko kailangan. I comb his hair with my fingers too saka ko itinuro ang pinto palabas. "I made food. Gusto mong iakyat ko dito o sa baba tayo kakain?"


Nakagat ko ang ibabang labi ko nang makita ang gatla sa kanyang noo. He seems mad or something. Parang hindi siya natutuwa sa sinabi ko.


"You made food?" Tanong niya.


"Yup."

"Bakit hindi mo ako ginising? I could've just made it instead."


Nakahinga rin ako ng maluwag sa sinabi niya. I thought he doesn't want someone to wake him up when he's sleeping. Iyon lang pala.


"It's okay. What did I say last night? I'm going to do this as long as you'll behave."


Tumango siya. Parang hindi parin siya masaya dahil hindi man lang siya ngumiti. Sinuot niya muna ang kanyang manipis na roba bago kami sabay na bumaba.


He observed the foods that's on the table. Agad niyang kinuha ang tinidor at tinusok ang karne. He tasted that at saka siya tumingin sa akin. Seeing his hair that messy for the first time, natutuwa na ako. Lagi kasi siyang maayos na kapag nagigising ako.


"I know I can cook... But I'm not sure how well." Biro ko at ipinaghila siya ng upuan. But instead of him sitting on that chair, ako ang hinila niya paupo doon bago siya humila ng kanya sa aking tabi.


"It's good." Komplimento niya.


Habang kumakain ay madalas akong napapatingin sa kanya. Parang ang laki ng pinagbago ng tingin ko sa kanya matapos niyang sabihin ang totoo niyang pangalan. Parang ibang iba na siya sa naunang 'siya' na nakilala ko.


"Bakit kagabi mo lang sinabi ang pangalan mo? Your name is better than Uriel." Tanong ko kahit alam ko na ang sagot. He already said it a lot of times.


"I'm just tired of being Damon."


Nagtaka ako pero hindi na nagtanong pa. Parang napakasensitibo non sa kanya. Pagkatapos naming kumain ay pareho na din kaming umakyat sa kwarto. Siya ay nagtungo sa banyo at narinig ang ingay ng shaver doon samantalang ako ay nagtungo sa kanyang walk in closet.


I don't know kung magugustuhan niya ba ang pipiliin kong pares ng damit sa kanya pero kung hindi, he'll just choose for himself.


"Do you want this?" I asked showing him the white blouse and dark pants for him. Nilingon niya akong naka tayo rito malapit sa may pinto ng kalawakan ng bath room niya habang siya'y patapos na sa pags-shave. Kumunot ang kanyang noo. Lumabas siya ng banyo at tinignan ang damit.


"Gusto mong ito ang isuot ko?"

"Yeah. But... I'm not sure kung gusto mo yan. You can just choose something else."


Umiling siya at kinuha ang damit na 'yon saka niya ito inilapag sa kama para titigan.


"So, let's go and take a bath? I'm going to help you."


Mabilis niya akong nilingon at nakita ko agad ang tuwa sa kanyang mukha. This is a bit weird though. Hindi naman siya lumpo.


Naglaan ako ng upuan sa loob ng shower room habang siya ay naghuhubad. Nang makitang huhubarin niya ang kanyang boxers ay agad ko siyang nilapitan at pinigilan ang kanyang kamay roon sa garter line.


"Ano ka ba! You're not taking that off!" Inis na sabi ko.


"But I'm taking a full shower, Cresia..." He said in an innocent tone. Ipinilig ko ang aking ulo, nagtataka kung wala ba talaga siyang alam o sinusumpong lang siya. He smirked with that. I knew it.


"Basta hindi yan tatanggalin. Maupo ka na doon."


I wash his hair first. Nakaupo lang siya doon at tahimik habang nakapikit.


"Bakit gusto mo, ako pa ang magpapaligo sa'yo?"


I'm thinking of him as a pervert but it doesn't seem like that. Parang papansin lang talaga siya.


"Hindi ko rin alam."


Nagtaka ako at tinignan siya. Sinabon ko ang leeg niya at nakita doon ang kwintas na nakita ko sa website ng doll company. Iyon ang main necklace niya na hindi ko mabili dahil mahal. Pero baka naisama na 'yon sa mga libreng accessories na ibinigay.


"You are the only person who bought Uriel and took care of him like a person." Aniya.


"Hindi ba ganon ang mga naunang bumili? Ikaw?"


"Ginagawa ko rin 'yon sa mga dolls ko."


Natawa ako sa boses nitong tila ipinaglalaban niya ang ginagawa niyang pagpapaligo sa kanyang mga manika.


"Pero yung mga naunang bumili, gusto lang nila yung mukha pero hindi nila ginagawa 'yon."


"Anong connect niyan sa ginagawa kong pagpapaligo ko sa'yo?"


Tumingala siya sa akin at pinatigil ako sa paghagod ng kanyang braso. "You're taking care of Uriel too much. Ganon din sa iba mong manika." Sagot niya. "I wonder kung paano mo ako alagaan kung sakaling ako siya."


Nabitawan ko ang body scrub sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko at binalnawan iyon bago muling lagyan ng bagong liquid body soap.


"That's how you want to be him..." Mahinang saad ko. Pero parang hindi ko parin maintindihan. Kung sasabihin niya lang sakin kung bakit gusto niya ng ganon, maiintindihan ko. May koneksyon na kaya 'yon sa experience niya?


"I want the same treatment. " Aniya.


Naisip niya ang bagay na 'yon? Ipinagpatuloy ko nalang ang pagpapaligo sa kanya habang siya ay sinusundan kung saan napupunta ang paningin ko. Nang masabon ko ang kalahati ng kanyang katawan, pina alis niya rin ako at sinabing siya na daw ang bahala.


I did what he said. Mas okay pa 'yon dahil hindi ako komportable. Nang makalabas ako ay napatitig ako kung saan, inaalala ang sinabi niya.


"I wonder kung paano mo ako alagaan kung sakaling ako siya."


Naalala ko rin ang sinabi ni Anika noon sa akin.


"You love dolls. Ang sweet naman." Aniya nang makita akong halikan ang isa sa mga manika kong si Axle. Pinaliguan ko 'to. Ang pagbibihis sa mga manika ko ang isa sa mga gusto kong ginagawa ko. It's satisfying me. Isa itong doll made in plastic at nakasuot ng army outfif.


"Hindi naman. Sakto lang."


"I wonder paano ka naman mag alaga ng tao. Kung ganyan ka palang sa manika. What more to a real human?"


Narinig ko ang pagbukas ng banyo. Namaalam akong ako naman ang maliligo. Dali-dali pa akong uniwas. He was just half naked! Tanging ang putting tuwalya lang ang humaharang sa pang ibabang parte ng katawan niya.


Nakahinga rin ako ng maluwag matapos makapasok sa loob. Trenta minutos ang ginugol ko sa pagligo.



"You should buy me clothes too." Ang sabi ko habang sinusuklay ang puti kong buhok. Naroon siya sa kama at nagbabasa.


"Hm." He nod.


But how? Siya ang bibili ng damit? Alam niya ba ang size ko?


Naupo ako sa tabi niya at tinignan ang kanyang binabasa. Pumasok sa isip ko ang bookshelf niya at ang kwarto sa likod nito. I remembered his sperm banking and his plan to impregnate me with those. Parang hangga't andon pa 'yon ay nababahala parin ako.


"Cresia..."


Nagulantang ako sa pagtawag niya. Mukhang nalaman niya ang inisip ko at napatingin din ito sa may bookshelf.


"What are you thinking?"

"W-wala..." I lied.


"I hate liars." Aniya at inayos ang buhok kong paharang sa kanyang paningin na tumatabing sa aking mukha.


"Naalala ko lang yung kwarto sa ibaba. At yung ginawa mo."

"My seeds?"


Tahimik akong tumango at tumingin sa kanya. Tumingin din siya sa akin at saka siya tumayo.


"Tinapon ko na 'yon. I have lots anyway."


Imbes na matuwa ay parang naasiwa ako sa sinabi niya. Naalala ko rin ang numerong sinabi nito noong gabing 'yon. He's 9?


"I don't like those." Inis na sabi ko pero parang mas nainis siya.


"You will like it eventually."

"Damon! That's gross!"


"You think it's gross because you're still virgin. Magugustuhan mo rin 'yon." Sambit niya dahilan para mamula ako. Parang lahat ng dugo ko ay umakyat sa mukha ko.


"Parang ikaw, hindi!"

"Of course, I'm not."

"What?"

He smirked at me and pat my head. "I'm not." Paguulit niya.


Paano? I thought he's that person who doesn't want people to approach him. Paano?


"You're not?" Tanong ko na parang hindi makapaniwala. Sumeryoso ang mukha niya at tumango. "Paano nangyari 'yon? Hindi ba't ayaw mo ang dumidikit sa mga tao?"


He nodded and flash a sweet smile. Para na naman siyang bata.


He really knows a lot.


Sa bagay, kung maayos lang ang pagiisip niya at hindi siya ganon kailap na tao, he would have been doing modelling now. Sa manika palang alam ko na. And the fact na sa kanya ginaya ang mukha at katawan, alam na alam ko na.


I remembered how Anika sexualize Uriel before nang buuin ko 'to sa unang araw na madeliver siya sa bahay. He's really big.


Nang sumapit ang gabi ay siya naman ang nagluto for dinner. I want to help him but he doesn't want me to kaya pinanood ko nalang siya.


At habang pinapanood siya, totoo nga mga hinala ko. He just want an attention. Iyon lang. Tumitino siya kapag naibibigay ang gusto niya.


Natatakot ako na baka ang susunod na gusto niya ay hindi ko kayang ibigay.


We heard the telephone rings. Nasa kwarto niya iyon kaya namaalam siyang tataas lang para sagutin 'yon. Tumango ako agad. Gusto kong sabihin na ako nalang ang sasagot but it's his privacy anyway. Ang sabi ko ay ako na ang magtutuloy ng niluluto niya, ayaw niya rin kaya naghintay nalang ako. Gusto niya siya talaga ang masusunod.


But while in the middle of waiting, I heard the huge door opened at hindi inaasahan ang mga pumasok. Napatayo ako agad sa kinauupuan ko.


"Oy, ganda dito, huh?"


Napa-atras ako nang makita ang mga lalaking iyon na gustong humabol sa akin kagabi. Paano nila nahanap ang lugar na 'to?


"Sabi ko na't andito ka lang sa tabi-tabi, e! Bahay mo 'to? Ang ganda!" Sambit nong may tattoo. "Doon ka ba sa may tent nagtago kagabi? Ang galing mo magtago!"


"Alam mo bang hinahanap ka namin buong magdamag sa gubat, huh? Dahil imposibleng mawawala ka agad. Sayang naman..." Humina ang boses ng isang lalaki sa huling sinabi na parang may gustong ipahiwatig. Siya iyong nakita kong ginagalaw ang sarili kagabi.


"A-anong kailangan niyo sa akin?" Nagsisimulang manginig ang kamay ko.


"Hindi pa ba obvious-teka damit ba yan ng boyfriend mo? Asan siya?"


"Huwag nang ipaalam sa boyfriend. Kunin na yan." Utos nong isang maroon ang buhok. Ang alam ko ay isa siya sa mga humabol sa akin.


Sa tingin ko, iyong nagmasturbate ang pinaka boss nila. Agad lumapit iyong dalawang humabol sa akin at parehong hinawakan ako sa dalawang braso. Binalot agad ako ng takot. Sobrang takot na sinugod ang utak ko ng maraming senaryos na pwedeng gawin nila sa akin. Gahasin at patayin pagkatapos.


Gusto kong magsisigaw but they covered my mouth.


Inilabas nila ako habang patuloy na nanlalaban. Nakapasok din pala ang sasakyan nila dito at nasa malapit lang 'yon.


Nakita kong bukas ang bintana sa pinakatuktok kaya sinipa ko ang isa sa parte ng pag aari nang nakahawak sa akin dahilan para mabitawan niya ako. I scream Damon's name pero agad din akong naghina matapos makatanggap ng suntok sa tiyan.


"Ipasok na yan sa kotse." Utos nong may tattoo.


They immediately deposited me inside the backseat. Pinagitnaan ako nung boss at nung isang may hawak sa akin. Iyong isa ay namimilipit parin sa sakit sa ginawa ko at siya ang nagpabagal na sumakay sa kotse.


Napaluha ako sa matinding takot nang buksan nila ang makina. Bumukas narin ang front lights nito.


The car smells bad. Pinaghalong sigarilyo, alak at iba pang amoy ang nalalanghap ko. Halos mamilipit ang tiyan ko dahil sa hangin na parang nagpapahirap sa akin huminga malamang dahil sa kaba.


Muli akong napasigaw nang makarinig ng medyo malakas na pagsabog. Bumangking din ang balanse ng sasakyan dahil sa pagkakaubos ng hangin ng isang gulong.


When we look at the front to see who did that, naroon na si Damon papalapit sa sasakyan. He hide his gun on the waistline of his pants saka siya lumapit.


Para siyang pusa na ang gaan ng katawan sa biglaan nitong pagtalon sa hood ng sasakyan. He kneel his one knee at ipinatong ang tubo sa kanyang balikat.


I can see clearly that he is not on his right mind now. Natatakot ako para sa sarili dahil baka madamay ako o baka maisip niyang sinubukan kong tumakas kasama sila.


Pumilig ang ulo niya at pinakatitigan ng maigi ang driver at ang ibang lalaki sa loob ng sasakyan. Parang mas lalo siyang nawawala sa sarili. But at the same time, he looks really dangerous and fine.


I scream his name pero sinakal ako ng isang katabi ko and that made him mad even more. Hinampas niya ang salamin sa harap gamit ang tubo kaya napasigaw din ako ng malakas.


Pumunta siya doon sa tabi ng pinto ng driver's seat at hinampas din ang bintana nito. The guy with the tattoo got bruises dahil sa pagtalsik ng mga bubog pero parang kulang pa.


Binuksan ni Damon ang pinto at hinila ang lalaking 'yon saka niya ito pinaghahampas.


Ang mga kasama niya ay lumabas narin para tumulong but they just end up lying on the floor dahil halos maputol ang tubo sa katawan nila sa panghahampas na ginawa ni Damon.


Nang hindi na makatayo ang mga lalaki ay pumasok siya rito sa loob ng back seat. Humagulgol ako sa takot dahil sa nangyari at agad napahawak sa kanyang braso.


He took me out of the car. Naglabas din siya ng phone at may tinawagan. Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya and he spoke in other language. After that, he carried me at ipinasok sa loob na mala palasyo niyang bahay.


"I'm sorry..." Umiiyak kong sambit habang buhat-buhat niya.


Hindi siya nagsalita. Humigpit lang ang hawak niya. Nang mailapag niya ako sa kama ay agad din siyang umalis at malakas pang isinara ang pinto.


Nakagat ko ang ibabang labi ko. I'm afraid. I'm afraid he might hurt me too because of his uncontrollable anger.

In The Arms Of A Doll Collector (BENZ SERIES I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon