Chapter Twelve
"Ange, gising na," sabi sa akin ni mama habang tinatapik ako.
"Ma, hindi po ako papasok."
Inaantok pa ako e. Nag-inat ako at inayos ko ulit ang sarili ko sa pagtulog. Sabi ko kagabi hindi ako papasok dahil masama pakiramdam ko at pumayag naman siya. Si mama talaga makakalimutin na.
Naramdaman kong gumaan yung inupuan ni mama kanina. Siguro naaalala niya na kasi kung hindi, patuloy pa rin niya akong bubulahawin hanggang ngayon at hindi titigilan.
"Ay tipaklong!"
Napasigaw ako ng wala sa oras dahil may bumuhat sa akin at nang mapagtanto kung sino iyon, agad akong naglikot para ibaba niya lang ako. Anong ginagawa niya rito sa kuwarto ko?!
"Kahapon walang abs tapos ngayon tipaklong? Masyado ka nang nakakasakit."
"Utang na loob, pakibaba ako."
Sinunod naman niya iyon. Napansin ko rin na hindi lang si Justin ang nasa loob ng kuwarto ko, pati sila Adrian, Rizza at Helena, na naghahagikgikan, ay nandito rin. Ano 'to? Slumber party?
"Umalis na nga kayo. Ang aga-aga nambubulabog kayo," sabi ko at nagtalukbong ako.
"Wala man lang bang good morning?"
"Anong good sa morning?" naiinis kong tanong sa kanila.
"Ikaw," sabi ni Justin.
Bigla kong narinig yung mga tili nila Adrian. Akala mo nanunood ng soap opera 'tong mga 'to. Hindi ba nila napapansin na sobrang aga pa at marami silang nabubulabog? At isa na ako roon?
"Alam niyo guys, kung papasok kayo, pumasok na kayo. Ang aga-aga, ang iingay niyo," sabi ko sa kanila habang nakatalukbong.
"Tigil-tigilan mo nga kami sa style mong 'yan Ange. Third day of classes aabsent ka?" sabi ni Rizza.
Panigurado, kahit hindi ko siya nakikita, base sa tono ng pananalita niya, umiirap-irap 'to. Wala na ngang mata, ang lakas pa ng loob na mang-irap.
"Kapag hindi ka bumangon diyan, kakaladkarin ka namin," pananakot ni Adrian.
Bakit ba ganito itong mga ito? Dinaig pa nila si mama? Si mama nga pinayagan na akong hindi pumasok tapos sila? Handa akong kaladkarin mapapasok lang sa school?
"Ayaw ko nga. As if naman matatakot niyo ako."
"Sige ka, bubuhatin ka ulit ni Justin. Hindi ka man lang ba mahihiya sa kanya? Ang bigat-bigat mo pa naman."
Pagkasabi nilang iyon, kahit labag sa loob ko, bumangon ako at tiningnan sila ng masama. Nakakainis. Bakit ba kasi kailangan nilang ipanakot 'tong lalaking 'to? At ito namang lalaking 'to nagpapauto?
"Talagang willing kayong papasukin ako sa school?" tanong ko sa kanila at nagsipagtanguhan sila.
Sinabunutan ko yung sarili ko dahil sa sobrang inis. Pasalamat sila mga kaibigan ko sila. Tumayo ako at padabog na pumunta sa banyo para maligo at mag-ayos.
Sabay-sabay kaming pumasok at mas lalo akong nairita dahil sa mga tingin ng mga tao sa amin. Kung alam ko lang na puro chismoso't chismosa ang nag-aaral dito, baka hindi ako rito nag-aral. Panay ang bulungan. Pasalamat sila hindi ko alam kung anong pinagbubulungan nila kasi kung alam ko, baka tinamaan na sila.
"Taray Ange, sikat ka na," pang-aasar ni Rizza at inirapan ko na lang siya.
"Kailan ba ako magkakaroon ng tahimik at payapang buhay sa eskuwelahang ito? Taun-taon na lan," mahina kong sabi sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
#11
Teen FictionWhat if you experienced the thing called "Slow Motion" with someone you barely know, will you consider it as a sign of love? Or a sign of an upcoming series of unfortunate events? Let's find out on how Budang and #11 will handle this so-called thin...