Chapter Five

70 2 0
                                    

Chapter Five

"Ate Drew, Madjot, kailangan bang ganito ang suot kong damit?" Tanong ko sa kanila.

Pinagsuot kasi nila ako ng dress e hindi pa naman ako nagsu-suot ng ganito. Paano ba naman kasi ang ikli-ikli at ang daming balat na nakikita.

"Oo, kasi sabi mo first date mo ito 'di ba? Ayaw mo bang maging maganda?" Hindi pa rin ako mapalagay.

"E kasi..."

"Budang huwag na masyadong conservative. Hindi na uso ngayon ang pagiging Maria Clara. At saka lagpas tuhod naman yung haba ng dress mo at may sleeves naman. Anong nginangawa-ngawa mo diyan?"

Okay. Dalawa laban sa isa? Talo na talaga ako. Pero hindi kasi talaga ako komportable e kaso sayang naman yung effort nina Ate Drew at Madjot sa paghahanap ng damit at pag-aayos sa akin.

Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na rin sila sa pag-aayos sa akin at sakto din dahil nakareceive ako ng text na nasa may playground na daw si #11 na tapat lang ng bahay namin.

Pagkasabi ko nun kina Ate Drew at Madjot ay kinilig at na-excite sila. Aba grabe, akala mo sila yung binibisita ni #11. Agad nilang sinilip si #11 sa may terrace kasi tanaw doon yung playground. Grabe, dinaig pa nila ako. Pagkabalik nila ay halatang nadagdagan yung excitement nila na naging dahilan ng paghila nila sa akin pababa at pagtulak sa palabas ng pinto.

"Kalma lang kayo please. Pati ako kinakabahan sa inyo."

Kumalma naman sila pagkasabi ko niyon. Pati ako ay kumalma na rin. Okay Ange, inhale, exhale. Binuksan ko na yung pinto lumabas na ako ng bahat at ng gate.

Nilapitan ko si #11 na nakatulala lang. Hindi ko alam kung sa akin o sa likod ko kaya lingon ako ng lingon. Hanggang sa makalapit ako ay hindi pa rin siya nagsasalita o kumikibo.

"Nakakita ka ba ng multo at ganyan ang reaksyon mo?" Umiling siya. "E ano?"

"Nakita ko yung future natin."

Okay. Parang gusto kong tumakbo pabalik sa bahay at magkulong forever dahil sa nawiwirdohan na ako kay #11 at sa nararamdaman niya at nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong ia-akto ko.

Naaalala ko rin yung Must be love at yung part doon kung saan nakita ni Ivan na ikinakasal silang dalawa ni Patchot sa simbahan. Natahimik yung buong kapaligiran.

"I mean ano, may nakita kasi akong ano dumaan sa likod mo. Multo yata. " Pautal-utal at hindi niya siguradong sabi makaraan ang ilang segundo. Siguro nakasinghot ito ng pentel pen ngayon? "Ano? Tara?" Tumango ako.

Nagsimula na kaming maglakad sa papunta sa cafe at makaraan ang medyo mahaba-habang lakaran ay nakarating na kami sa café. As usual pumwesto kami sa pinagpwestuhan namin dati.

"Anong gusto mo? Yung dati pa rin ba?" Tumango ako at umorder na siya at makaraan ang ilang segundo ay bumalik na siya dala-dala yung mga order namin.

Habang kumakain ay nagkukwentuhan kami. Tungkol sa volleyball, sa isa't isa at kung anu-ano pang bagay na pwedeng pag-usapan o pagdiskusyonan.

"Paborito mo ang ALE, ano?" Tanong niya sa akin at tumango naman ako. "Alam mo bang schoolmate ko sila?"

Pagkarinig ko niyon ay biglang nagningning yung mga mata ko. Ibig sabihin atenista siya? Tapos nakikita niya pa palagi yung mga idol ko at napapanood niya?

"Seryoso?! Gusto kong pumunta ng ADMU. Gusto kong makita si Ella De Jesus." Sabi ko sa kanya.

"Wala pa akong pasok ngayon pero kung gusto mo sa UAAP. Sabay tayong manood." Sabi niya.

#11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon