Chapter Sixteen

33 2 0
                                    

Chapter Sixteen

Napatitig ako sa kanya at base sa ekspresyon ng mukha niya, nagulat siya nang bahagya sa akin pero nawala rin iyon. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Totoo ba ito?

"Naaalala kita, ikaw yung babaeng sumuntok sa akin," sabi niya at bigla akong naguluhan. Ano bang sinasabi niya? "At yung nagtapon ng sigarilyo ko at nanigaw sa akin."

Tumingin ako kay Justin pero blanko lang yung ekspresyon niya. Nagkakaintindihan sila? O sadyang ako lang ang naguguluhan?

"Ano pong sinasabi niyong sinuntok kita?" nahihiya kong tanong.

"Yung sa Arbor, yung MP Lights?" Naalala ko na. "Tadhana nga naman. Tara, kain na tayo. Nagugutom na ako," sabi niya at umupo na kami.

Habang kumakain, nakatingin lang ako sa kuya ni Justin. Ibig sabihin, hindi si Justin yung naka-engkwentro ko sa Arbor at yung sinigawan ko sa garden ng school, kung 'di ang kuya niya?

"By the way, I'm Jeremy and you are?" tanong niya.

"Angeline," sabi ko naman.

"Lagi kang naikukuwento sa akin ni Justin. Halos isang buwan na rin pala nang ihatid ka namin sa bahay niyo."

Bigla akong natigilan sa pagkain. Ibig sabihin hindi talaga si #11 yung nagtanong kay Potie nung address ko at eskuwelahang pinapasukan ko? Pero sino sa kanilang dalawa yung inakalang kong si #11?

"Ikaw Justin, binata ka na," pang-aasar ni Tita Mercy, mom ni Justin. "Nasa anong stage na ba?" tanong niya sa amin.

Tiningnan ko si Justin na namumula kaya napangiti na lang ako. Ngayong wala naman na pala akong problema, puwede ko na siyang payagang manligaw.

"Magka-"

"Nililigawan na niya po ako,"sabi ko agad bago pa matapos ni Justin yung sasabihin niya.

Napansin kong natigilan sila Justin at yung mga kaibigan ko sa pagkain. Tiningnan nila ako na para bang may ginawa akong kakaiba para mapunta ang atensyon nila sa akin. Nagkunwari akong parang wala lang iyon at bumalik na sa pagkain.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain pero si Justin napapansin kong pasulyap-sulyap sa akin. Gusto ko mang hindi pansinin, pero napapatingin din ako sa kanya kapag ginagawa niya iyon. Kapag titingin naman ako, iiwas siya.

Pagkatapos kumain, nagpahinga kami at sakto namang may lumapit na mga staff sa amin. May dala-dalang malaking placard at cake sa isang maliit na platito. Kinantahan nila si Justin ng Happy Birthday.

Habang masaya akong nanonood, kinalabit ako nila Rizza at sinabihan na sabayan namin sila kaya ginawa naman namin. Halatang nagulat si Justin nang tumayo kami at kumanta. Habang kumakanta, napansin kong nakatingin sa akin si Justin kaya na-conscious ako pero itinuloy ko pa rin. Paano mawawala yung awkwardness kung magpapa-apekto o mako-conscious na lang ako habang buhay?

Pagkatapos naming kumanta tumayo si Justin para ihipan yung candle sa maliit na cake at nagpasalamat siya sa mga staff at sa amin. Pagkaalis ng mga staffs, bigla akong itinulak ng mga kaibigan ko papunta kay Justin. Muntik pa akong matumba dahil sa suot kong heels pero mabuti na lang nasalo niya ako.

"Pasensya na Justin, hindi namin nabalot yung regalo namin sa iyo. Hindi kasya e," sabi ni Rizza at naghagikgikan naman sila.

Tiningnan ko sila nang masama. Hindi na nahiya itong mga ito, okay lang sana kung nasa pribado kaming lugar. Babatukan ko na sana yung mga kaibigan ko pero natigilan ako nang marinig ko ring humagikgik si Tita Mercy.

Tumingin ako kay Tita at napansin kong nakatingin na rin yung ibang tao sa YakiMix at nakangiti sa amin. Ngayon, mas gusto ko na lang magpalamon sa lupa.

#11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon