Chapter Eleven

107 1 0
                                    

Chapter Eleven

Pagkagising ko ay napagpasyahan ko nang kunin ang mga gamit ko. Alas-sais na kasi ng gabi at panigurado ako, wala na akong mga kaklase roon. Kahit sila Adrian, Rizza at Helena ay paniguradong umuwi na dahil hindi naman nila alam kung nasaan ako kaya wala silang mapagtatambayan.

Pagkarating ko sa classroom namin ay nakita kong maayos pa rin yung mga gamit ko na nakapatong sa upuan ko at nakakapagtaka. Pero nang lumapit ako, roon ko nakita yung mga gula-gulanit kong mga libro at notebook.

Bumuntong hininga ako. Siguro inayos na lang ito nila Adrian. Mabuti na lang talaga may mga kaibigan pa akong katulad nila. Panigurado kapag nakita ito ni mama, papagalitan na naman niya ako dahil sa pagiging careless at burara ko, na hindi naman talaga totoo.

Ewan ko ba kung bakit ako ganito. Hindi ko sinasabi kay mama kung anong nangyayari sa akin tapos ang masakit pa, turing sa akin ng mga kaklase ko bully.

"Bakit ka nag-cutting?"

Bigla akong napasigaw at naibato ko pa yung gamit na hawak ko kung saan. Sino ba ito? Hindi ko maaninag yung mukha niya dahil sa madilim na at hindi siya natatamaan ng kaunting ilaw sa labas ng classroom.

Nakaramdam din ako ng takot dahil naalala ko yung mga pinagkukuwento sa akin nila Rizza na may mga gumagala raw ditong mga ligaw na espiritu kapag madilim na. Sana naman hindi siya multo.

"Si...sino ka?" tanong ko habang mahigpit kong hawak yung libro ko sa Math, na sobrang kapal, kahit alam kong hindi tinatamaan ng kahit na anong bagay ang mga multo, mas maganda na rin yung sigurado.

"Bakit mo tinatanong? Natatakot ka sa akin? Huwag kang mag-ala- Aray!" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil binato ko na sa kanya yung librong hawak ko at tumumba siya. Confirm, hindi siya multo. "Hindi ka pa nakuntento sa paninikmura mo sa akin kanina?"

Dahil sa sinabi niyang iyon, napagtanto ko na kung sino iyon. Linapitan ko siya para tulungang makatayo. Kahit na inis na inis ako sa kanya, marunong pa rin naman akong makonsensya. Isa pa, alam ko rin namang mali ako at nagpadala ako sa emosyon ko.

"Bakit ka pa ba nandito?" tanong ko sa kanya habang hinahanap ko yung mga gamit ko na naibato ko.

"Hinihintay ka."

"Okay." Iyan na lang ang tangi kong nasabi.

"Galit ka pa rin ba? Biro lang naman kasi yung kanina. At isa pa, masakit din kaya sa damdamin masabihan na wala akong abs lalo na kapag gusto mo yung tao."

Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Tama ba yung pagkakarinig ko? At kung tama man, ba't ba ang lakas ng trip niya sa akin? Siguro kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na huwag pansinin yung pangti-trip niya. Pasok sa kanang tainga, labas sa kaliwa.

"Minsan kasi iba yung epekto ng mga ginagawa o sinasabi mo sa iyo at sa ibang tao. Kung nakita mong biro iyon, puwes sa akin hindi. Sana maging aware ka sa mga nararamdaman ng ibang tao."

Nakaramdam na ako ng pagbigat ng katawan pero hindi pa rin ako puwedeng umuwi dahil hindi ko pa makita yung isa kong libro. Nasaan na kaya iyon? Saan ko ba naibato iyon?

"Sorry." Tumayo ako ng maayos at bumuntong hininga.

"Fine. Pasensya na rin. Hindi ko lang kasi talaga mapigilan ang pananakit kapag naiinis. Sorry."

"So friends na tayo?"

Pagkarining ko sa katagang friends parang natakot ako. Pakiramdam ko hindi puwedeng magsama sa isang pangungusap ang pangalan naming dalawa at ang salitang kaibigan. Kapag nagsama kasi iyon, baka hindi lang ganito ang abutin ko.

#11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon