Chapter Ten
[ Angeline Anne Bautista's Point of View ]
"O Ange? Uminom ka ba? Hindi ka man lang nag-aaya. Kita mo tuloy, may hang-over ka pa rin hanggang ngayon," bungad sa akin ni Rizza pagkapasok ko sa classroom pero hindi ko siya pinansin.
Hindi talaga ako makapaniwala na nangyari lahat ng sinabi sa akin ni Mama. Sabi niya kasi pumunta raw sa bahay kagabi yung may-ari ng damit na nakita niya dati. Ayon din sa kanya sila raw ang naghatid sa akin sa bahay kagabi.
Ewan ko nga kung nakainom mama ko e. Si #11? Pupunta sa bahay? Pero hindi rin malayong hindi mangyari iyon dahil sa pagkakatanda ko tinanong ni #11 sa kapatid ko yung school namin at address.
"Okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Adrian at tumango na lang ako.
"Good morning Ange," bati sa akin ni Justin. Ano na ang good sa morning ngayon? "Okay ka lang ba?"
Hindi ko siya pinansin bagkus ay dumukmo ako sa desk ng upuan ko. Hindi ko alam gagawin ko sa sarili ko. Pakiramdam ko mababaliw na ako sa kakaisip.
"Okay lang 'yan Justin. Nagpapakipot lang si Ange. Sa totoo nga, crush ka rin nito e," sabi ni Rizza.
Bigla akong napaupo ng maayos dahil sa sinabi ni singkit. Tiningnan ko si Rizza pero nakangiti lang ito sa 'kin ng nakakaloko. Huminga na lang ako ng malalim.
"Walang kahit na anong bahid ng katotohanan ang sinasabi ni Singkit," sabi ko pero nagulat ako sa sumunod na nangyari.
"Alam niyo ba crush ni Ange si Justin? Kaya matakot na kayo, ngay..."
Tinakpan ko kaagad ng palad ko ang megaphone na bunganga ni Rizza kung kaya't hindi na niya natapos pa ang mga sasabihin niya. Nakatingin sa 'kin lahat ng babae sa klase namin at base sa mga tingin nila, pakiramdam ko may mga laser rays na lumalabas sa mga mata nila.
"Hindi totoo 'yun. Inyong-inyo na siya," sabi ko. Itong singkit na 'to lagi akong binibigyan ng sakit ng ulo.
"Okay lang 'yun Ange. Huwag ka nang mahiya," sabi ni Justin.
Parang gusto ko nang magwala. Nakakainis. Suko na ako sa kanilang dalawa. Umupo na ako ulit ng maayos sa upuan ko at dumukmo. Bahala na sila riyan.
Katulad ng inaasahan, wala akong ibang ginawa sa klase kung 'di ang titigan ang teacher ko na nagsasalita, pero wala talaga akong maintindihan, at ang isipin si #11.
Sa totoo lang, nakakabaliw. Gusto ko na siyang kalimutan o itigil ang pag-iisip ko sa kanya pero hindi ko magawa. Siya kaya? Iniisip niya rin ako? O baka nakalimutan na niya ako?
"Aray!" sambit ko.
Bigla kasi akong itinulak ng malakas Rizza kaya muntikan na akong mahulog mabuti na lamang ay hindi ako tuluyang nahulog sa sahig. Tumama lang sa isang bagay na medyo matigas at nang mapagtanto ko kung ano iyon at kung sino ang may-ari niyon, napaatras ako kaagad.
"Sorry," sabi ko kaagad.
Babatukan ko sana si Rizza pero nawala na siya sa tabi ko. Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko yung mga kaklase ko na nagsisipagtayuan. Doon ko lang napagtanto na naglilipatan na sila.
Nagmadali akong maghakot ng gamit ay tumayo na rin. Lumapit ako kina Rizza na naghahagikgikan at pagkalapit, binatukan ko siya ng mahina.
"Iyan kasi. Sa susunod iiwasan mo ang pag-inom ng alak kapag may pasok ha." Inirapan ko na lang siya.
"Anong feeling mo nung naramdaman mo yung abs ni Justin?" nangiinis na tanong ni Helena.
Dahil sa tanong na iyon ay napayuko ako dahil naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Ayaw kong makita nila akong namumula dahil panigurado, aasarin lang nila ako. Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito. Leche kasi 'tong mga kaibigan kong 'to e.
BINABASA MO ANG
#11
Teen FictionWhat if you experienced the thing called "Slow Motion" with someone you barely know, will you consider it as a sign of love? Or a sign of an upcoming series of unfortunate events? Let's find out on how Budang and #11 will handle this so-called thin...