Chapter Thirteen

36 1 0
                                    

Chapter Thirteen

Justin Ignacio

Tiningnan ko si Ange habang tumatakbo palayo sa akin. Ano bang iniisip ko? Hinampas ko yung semento ng gymnasium habang nakakuyom ang kamao ko. Panigurado iiwasan na niya ako.

Tumayo ako at sinubukan ko siyang hanapin. Halos malibot ko na yung buong school pero hindi ko pa rin siya makita kaya napagpasyahan ko na rin na tingnan ang banyo ng mga babae. Nakakahiya man pero ganoon ako kapursigido na mahanap siya.

Kahit anong hanap ang gawin ko, bigo ako kaya pinagpasyahan ko na lang pumasok. Paano ko nga naman kasi makikita ang taong ayaw magpahanap? Papasok na sana ako pero nakita ko yung mga kaaway ni Ange na tumatawa. Bigla akong kinutuban kaya kinausap ko sila.

"Nakita niyo ba si Ange?" tanong ko sa kanila pero nilapitan ako nung Jamie.

"Huwag mo na siyang hanapin. Hindi hamak naman na mas maganda ako sa kanya," sabi niya habang hinahawakan yung dibdib ko.

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan yung kamay niya. Hindi ko alam na ganito pala ako ka-guwapo para gawin niya kung ano man yung ginawa niya kay Ange. Hindi ko alam kung bakit ko siya sinisisi kahit wala pang pruweba.

"Mas maganda ka nga sa kanya," sabi ko na mas ikinangiti niya. "Pero wala akong pakialam. Nasaan siya?" tanong ko habang hinihigpitan ko yung hawak sa kamay niya.

"Ano ba Justin? Nasasaktan ako," sabi niya.

"Alam ko. Kung ayaw mong tuluyang magkandadurog-durog yung buto mo, sabihin mo kung nasaan na si Ange."

Wala naman akong balak gawin iyon pero dahil sa galit na nararamdaman ko, baka magawa iyong bagay na hindi ko inaasahang magagawa ko.

"Nasa may banyo sa rooftop," nauutal niyang sabi na halatang nasasaktan.

Agad ko na siyang binitawan at tumakbo papunta sa rooftop. Pero hindi pa man ako nakakalayo, humarap ako sa kanila gamit ang pinakaseryoso at nakakatakot kong mukha.

"Malaman ko lang na ginulo niyo pa si Ange, huwag na kayong magpapakita sa akin."

"Bakit ba ang importante ng babaeng iyon sa iyo?" tanong ni Jamie habang hinihilot yung kamay niya na muntik ko nang madurog.

"Mahal ko siya. Sapat na bang rason iyon?" diretso kong itinuran dahil iyon talaga ang nararamdaman ko.

"Pero hindi ba siya ang totoong mahal mo?" naguguluhang tanong ni Jamie.

Bigla akong napangiti sa tanong niya. Iyon ba ang dahilan kung bakit nila pinapahirapan si Ange? Ang bilis naman yatang makarating ng balita sa kanya?

"Sabihin niyo sa kanya, nagbabago ang itinitibok ng puso ng tao lalo na kung sobra na itong nasaktan at napagod." Ngumiti ako sa kanila at pumunta na sa rooftop.

Pagkarating doon ay nakita kong naka-lock ito kaya sinipa ko yung pinto at sinira. Pababayaran ko na lang siguro ito kay Kuya Jeremy tutal marami naman siyang pera ngayon.

Pagkapasok sa rooftop, dumiretso agad ako sa toilet at nakita kong nakasarado iyon. Dito ba nila ikinulong si Ange? Binuksan ko agad iyon at hindi na ako kumatok dahil kinakabahan ako sa lagay ni Ange.

Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako sa nakita ko. Napahinto si Ange sa ginagawa niya at napatingin din sa akin. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko napagtanto na kailangan kong isarado yung pinto. Iyon nga ang ginawa ko.

Sumandal ako sa harap ng pinto habang pilit na iniaalis sa isip ko yung nakita ko. Bakit ba hindi ako kumatok? Sinubukan kong iuntog yung ulo ko sa may pinto para lang makalimutan ko yung hitsura ni Ange na nag-aalis ng blouse at nakasuot lang ng bra.

Pero kahit ano yatang gawin ko, hindi ko makakalimutan iyon. Magpasagasa na lang kaya ako para magkaroon ako ng amnesia? Naramdaman kong pag-init ng mga pisngi ko.

Ilang sandali pa ang lumipas nakarinig ako ng katok galing sa loob. Humarap naman ako agad at itinanong kay Ange kung puwede ko na ba buksan yung pinto.

"Justin? Puwede mo bang kunin yung spare shirt ko sa locker ko?" nauutal-utal niyang tanong na marahil nahihiya pa rin sa nangyari kanina.

"Sige," nauutal ko ring sagot.

"Yung susi nasa baba. Thank you."

Kinuha na niya ang susi sa may ibaba at agad na tinakbo yung locker room sa second floor. Pagkatapos, bumalik din ako agan. Pagkabigay ko ng t-shirt ay ilang sandali lang ang lumipas ay lumabas na si Ange. Kaya pala siya nagpapali kanina ay binuhusan siya ng tubig nila Jamie.

"Oka-"

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil sinampal ako ni Ange. Nanlaki ang mata ko at tiningnan ko siya. Hinimas ko rin yung bahagi ng pisnge ko kung saan dumapo yung kamay niya.

"Para saan iyon?"

"Kalimutan mo na yung nakita mo kanina. Wala ka ring pagsasabihan ng tungkol doon. Maliwanag?" tanong niya at tumango na lang ako.

Naglakad na si Ange papunta sa pintuan ng rooftop pero hinawakan ko yung braso niya para pigilan siya.

"Angeline, sandali," sabi ko at huminto naman siya bago humarap sa akin. "Yung tungkol kanina gymnasium..."

Nanlaki yung mata niya at lumipad na naman yung kamay niya papunta sa akin pero napigilan ko iyon agad. Mabuti na lang handa ako.

"Pasensya na kung nabigla kita," sabi ko bago huminga ng malalim. Kailangan ko nang sabihin ito sa kanya.

"Kalimuta-"

"Gusto kita." Tiningnan ko si Ange na natulala sa akin. Kinuha ko yung pagkakataon na iyon para ibaba yung hawak ko sa kamay niya at ipinasok yung mga daliri ko sa mga daliri niya. "Simula pa lang noong nakita kita sa Arbor na nagbibisikleta. Kaya ko napiling mag-aral dito dahil sa iyo."

"Nagbibiro ka lang, 'di ba?" tanong niya pero tiningnan ko siya sa mata niya bago magsalita ng seryoso.

"Seryoso ako Ange. Gusto kita. Hindi ako nagbibiro. Ayos na ba iyon?"

Base sa mukha niya ang pagkakaba at pamumula. Nang mapansin niyang nakatingin ako ay yumuko siya bigla.

"Anong gusto mong mangyari?" tanong niya na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

"Ikaw? Kung papayagan mo akong manligaw, matutuwa ako pero kung hindi, naiintindihan ko." Mas hinigpitan ko yung hawak ko sa kamay niya.

Ilang segundo rin kaming hindi nag-imikan hanggang sa pilit na inialis ni Ange yung mga kamay niya sa kamay ko. Tiningnan niya ako sa mata at nakikita ko roon ang lungkot.

"Puwede bang magkaibigan na lang tayo? Ayaw kitang saktan Justin pero..."

"Naiintindihan ko," sabi ko habang pilit na ngumingiti."Pero kapag handa ka na, ipaalam mo lang sa akin. Maghihintay ako sa iyo."

Napansin kong nangingilid na yung mga luha niya at lumapit siya sa akin. Ang sunod niyang ginawa ay hindi ko inasahan. Niyakap niya ako.

"Sorry talaga. Ayaw kong saktan ang damdamin mo."

Niyakap ko rin siya pabalik at hinaplos yung buhok niya. Naiintindihan ko siya. Gusto niya lang siguraduhin yung nararamdaman niya at ayaw niya akong saktan.

"Okay lang. Maghihintay ako kahit gaano katagal."

Sanay naman na akong maghintay. Alam ko namang hindi niya ako sasaktan at ang paghihintay na ito, ay siguradong may patutunguhan.


/------/

#11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon