Chapter Two
"Budang. Gising!" Rinig kong sabi ni Madjot habang inaalog ako sa kama namin.
Idinilat ko yung isa kong mata at tumingin sa orasan. Alas-singko pa lang naman ng hapon at mamaya pa naman yung laro namin. Pumikit ulit ako at nagsalita,
"Five minutes pa," Angal ko pero patuloy pa rin siya sa pagyugyog sa akin.
"Gumising ka nga diyan. May manliligaw ka kaya sa baba."
Pagkasabi niyang iyon ay bigla akong napabalikwas at napaupo agad. Para akong naalimpungatan sa sinabi niya pero hindi ko alam kung manliligaw ba yung narinig ko o maglulugaw.
"Ano ulit sabi mo?" Tanong ko habang nag-iinat.
Grabe. Ang sakit ng ulo ko at katawan ko dahil kanina. Nabigla yata dahil sa ngayon na lang ulit ako nakapagpagod ng ganito. Hindi na ako sanay.
"Ang. Sabi. Ko. May. Manliligaw. Ka. Sa. Baba."
Tiningnan ko siya ng mabuti para malaman kung nagbibiro lang ba siya o hindi at base sa nakikita ko ngayon, alam kong hindi siya nagbibiro.
Tumayo na ako agad at tumakbo pababa dahil sa kinakabahan ako. Nakakahiya kina Kuya Leo, hindi pa naman iyon umaalis ng bahay.
"Budang sandali lang!" Sigaw sa akin ni Madjot na halatang hinahabol din ako pero hindi ako tumigil.
Pagkababa ko ay may nakita akong ulo na nakasandal sa sofa at nanunood ng T.V. Tumakbo ako papunta sa harapan niya at nagulat ako.
"A... anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang hinihingal.
Bakit nandito si #11?! Tumingin ako sa paligid and as of now hindi ko pa naman nakikita anino ni Kuya Leo. Nagkita na kaya sila? Nagsumbong na kaya siya kina Tito at Tita?
"Good Afternoon." Sabi niya habang nakangiti.
Paano magiging good ang afternoon ko? Hapon na hapon pinapakaba niya ako at pinagod niya ako? Mamaya pa naman ang game? At may usapan kami na magkikita na lang kami sa court?
"Budang," Tawag sa akin ni Madjot na halatang kararating lang at halatang pagod na pagod. Lumapit siya sa akin at naghabol ng hininga.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko pero bigla niya akong binatukan. "Aray?! What's up with you?" Medyo naiirita na ako sa kanya kasi napapa-english na ako ng wala sa oras.
"Tingnan mo kaya yung sarili mo sa salamin," Sabi niya at itinulak niya ako papunta sa harap ng salamin. Biglang nanlaki yung mga mata ko. "I can't believe na haharapin mo yung bisita mo ng ganyan ang hitsura mo. Ni hindi ka man lang nagsuklay o nagmumog?" Dagdag pa niya.
Tumakbo na ako papunta sa banyo namin sa itaas para maligo at mag-ayos ng sarili. Grabe, kung si Madjot hindi makapaniwala sa akin na nagawa kong harapin si #11 na ganoon ang ayos ko, paano pa kaya ako?
Sinadya kong tagalan ang pagligo ko para mainip si #11 at umalis na. Nahihiya kasi ako sa nangyari kanina at wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. Pagka-ligo ko ay isinuot ko yung Team Ateneo shirt ko since fan ako ng ALE, jogging pants at rubber shoes para hindi na ako magpapalit mamaya. Nakakatamad kaya. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay bumaba na ako at nagulat ako dahil nandoon pa rin siya at nanunood. Talagang hinintay niya ako?
Lumapit ako sa kanila at tiningnan ko si Madjot na busy sa cellphone niya. Malamang sa hindi, ka-text na naman niya yung best friend niya. Makangiti kasi e, wagas. Akala mo wala ng bukas.
"Nandito ka pa rin talaga, ano?" Tanong ko kay #11.
"Hindi naman ako pinapaalis ni Maddie e." Teka nga, nagkamali ba ako ng rinig o tinawag niya sa totoong pangalan si Madjot? Pero paano niya nalaman? "At saka, ang tagal mo kaya. Sabay na sana tayong pumunta ng court."
BINABASA MO ANG
#11
Teen FictionWhat if you experienced the thing called "Slow Motion" with someone you barely know, will you consider it as a sign of love? Or a sign of an upcoming series of unfortunate events? Let's find out on how Budang and #11 will handle this so-called thin...