Chapter Seven
"Budang sure ka na ba talaga na uuwi ka na bukas?" Tumango ako. "Bakit?"
"Alam mo naman na kung bakit, hindi ba?"
Hindi pa ba halata na masyado na akong naapektuhan dahil kay #11? Pakiramdam ko nga nag-iba na ako e. Hindi na ako yung dating Ange na laging attentive at hindi laging lutang katulad ngayon kakaisip kay #11.
Para akong naka-shabu ngayon. Kung alam ko lang na ganito ang epekto ng love, nakaka-high, e 'di sana ginawa ko lahat ng makakaya ko huwag ko lang maramdaman ito.p
"Seriously Budang?!" Naiirita niyang sabi.
"Pshss." Sita ko sa kanya. Napakalakas kasi ng boses niya e nasa kabilang kwarto lang sila mama.
Lumipat kasi kami ng kwarto ni Madjot. Doon muna kami tumambay sa kwarto ni Ate Drew. At saka para hindi na rin ako kulitin ni mama tungkol doon sa nakita niya kanina.
"Okay. Pero Budang?" Sabi niya ng mas mahina.
"Sorry Madjot. Marami pa kasi akong aasikasuhin."
Malapit na rin kasi ang pasukan namin at kailangan ko na ring mag-ready. Senior na rin ako. Lahat ng pressure nasa amin.
"Budang next week pa ang pasukan natin." Naiirita niyang sabi.
Pareho kasi kami ng araw ng pasukan ni Madjot. Pareho rin kaming senior kaya alam niya talaga kung kailan yung araw ng pasukan namin. Pero totoo naman kasi yung sinasabi ko.
Mabilis lang kaya ang isang linggo kasi marami ka pang pwedeng gawin doon. Mag-enroll, bumili ng mga gamit mo sa eskwelahan, maghagilap ng requirements para ipasa at marami pa.
"Kung gusto mo ikaw na lang ang pumunta sa amin?" Tanong ko sa kanya pero alam kong hindi siya papayag kasi ayaw niyang iwan yung best friend niya.
"Huwag mong ibahin ang usapan."
Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi ng pinsan ko. Ang hirap talagang kausap nito. Ayaw magpatalo. Gustong lagi siya ang nananalo.
"Nandito pala kayo. Ayaw niyong pumunta sa Family room?" Tanong ni Ate Drew na kakapasok lang.
"Sino po bang nandoon?" Tanong ko. Nahihiya kasi ako kapag nandoon yung parents nila.
"Kami lang ni Kuya Leo. Ano? Tara?" Tumango naman ako at tumayo na.
"Ano Madjot?" Tumingin siya sa akin bago tumayo.
Pagkalabas namin ng kwarto nila Ate Drew ay naisipan ko munang silipin sila mama sa kwarto ni Kuya Leo kaya pinauna ko na sina Ate Drew at Madjot sa family room.
Pagkatapos kong silipin sina Mama at Potie, na mahimbing na natutulog, ay pumunta na ako sa family room. Pagkarating ko roon ay nadatnan kong pinapanood nila yung Must Be Loved. Sabagay ano pa nga ba ang aasahan ko?
Umupo ako sa tabi ni Madjot at doon na nagsimulang manood. Ito yung part na nag-aagawan na sina Patchot at Angel kay Ivan.
"Ange, Kamusta na pala kayo ni #11?" Tanong ni ate Drew.
"Okay lang-"
"Hindi sila okay." Sabat ni Kuya Leo.
Great. Mukha ipapaalam pa ni Kuya Leo yung mga nangyari kanina. Tiningnan ko ng masama si Kuya Leo na may kasama pang death threat pero hindi niya man lang pinansin iyon.
"Bakit naman?"
"Kasi mas gusto ko pong mag-ara-"
"Kasi natatakot siyang masaktan. Samakatuwid ayaw niyang lumabas sa comfort zone niya." Sabi ni Madjot. Tiningnan ko siya ng masama. Kung nakakamatay lang yung mga tingin ko, baka kanina pa ito naka-burol.
"Sayang naman si #11. Sige ka, baka maunahan ka ng iba riyan. He's cute, you know."
Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot. May point si Ate Drew. Hindi nga maipagkakaila na may hitsura si #11 at mabait pa at magaling pang mag-volleyball tapos may sense of humor pa kaya habulin siya ng babae.
Pero aanhin ko naman ang guwapong katulad ni #11 kung hindi rin naman magiging kami, 'di ba? At isa pa, hindi pa nga siya nakaka-move-on kay Gretchen tapos ako naman eeksena? Hindi ko rin naman alam kung may nararamdamn ba siya sa akin o wala e.
"Aanhin mo ang gwapo, kung hindi naman magihing kayo."
"Sige Budang, ipagpatuloy mo yang ganyang pag-iisip mo. Hindi na ako magtataka na after 5 years ay makikita kita sa simbahan."
"Ikinakasal?" Biro ko sa kanya kahit alam ko kung ano yung ipinupunto ni Madjot.
Masyado kasing mabigat yung atmosphere. Akala mo problema ng buong Pilipinas yung pinag-uusapan pero actually walang kwentang love life ko lang naman.
"Asa ka naman." Natatawa na naiiritang sabi ni Madjot. Tumawa na lang ako.
"Kung pagmamadre ba itinadhana sa akin e. Why not, coconut 'di ba?"
"Bahala ka na nga sa buhay mo. Basta huwag ka lang iiyak-iyak sa akin. Babatukan pa kita."
Bigla kaming natahimik pagkatapos ng pag-uusap na iyon. Grabe, akala ko hindi na matatapos yung diskusyon na iyon. Isa laban sa tatlo 'di ba?
"Ange, I like him."
Tiningnan ko si ate Drew. Tiningnan ko kung nagbibiro ba siya pero base sa nakikita ko, hindi siya nagbibiro. Hindi ko alam kung ano ang i-aakto ko o maging ang sasabihin.
Lahat kami ay napatingin din sa kanya at halatang gulat na gulat. Inulit niya ulit yung sinabi niya. Sa pagkakataong ito, nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Ito na nga ba yung makakapagpatunay na gusto ko nga talaga si #11 dahil nagseselos ako?
"Drew ang daming lalaki riyan. Bakit niyo ba nagugustuhan yun?" Naiiritang sabi ni Kuya Leo.
"E bakit ba? He caught my eyes and attention and since hindi pa naman priority ni Ange yun. Hindi ba Ange?"
Tinitigan ko lang si Ate Drew. Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil
"O...oo ate Drew."
Pagkasabi ko niyon ay umiwas ako agad ng tingin at tumingin sa T.V para hindi na nila mahalata yung totoong nararamdaman ko.
"Ang swerte naman ni Angel." Komento ni Madjot.
Alam kong hindi niya tinutukoy yung nasa T.V kung 'di si Ate Drew. Siguro nga tama si Madjot, sobrang swerte ni ate Angel ngayon kasi kung iba lang iyan, panigurado hindi niya gagawin yung gagawin ko at hindi niya titingnan yung pagiging mag-pinsan nila.
Nakakatawa namang isipin, sa penikula si Angel ang nagparaya sa kay Patchot pero sa totoong buhay ako ang nagparaya para kay ate Drew. Ang ironic lang. Tumayo na ako at nag-inat at umarteng inaantok na kahit hindi pa.
"Sige, matutulog na po ako. Nakaka-antok na e. Good Night," Sabi ko at umalis na ng family room at nagtungo na sa kwarto namin.
Habang nakahiga ay iniisip ko pa rin yung nga nangyari ngayong araw. Siguro tama lang lahat ng naging desisyon ko. Hindi siguro si #11 yung nakatadhana sa akin kahit may pagtingin ako sa kanya.
Parang dyip lang naman yan e, puwede kang pumili ng uupuan mo pero hindi ka puwedeng pumili ng magiging katabi mo. Samakatuwid, sa pag-ibig pwede kang pumili ng mamahalin mo pero hindi ka pwedeng mamili ng magmamahal sa iyo.
Sana pagkabalik ko ng Bulacan hindi ko na siya maaalala at sana makalimutan ko na siya kasi alam kong mas lalo lang akong masasaktan ng walang dahilan kapag ipinagpatuloy ko pa itong kahibangan kong ito.
/-----------/
BINABASA MO ANG
#11
Teen FictionWhat if you experienced the thing called "Slow Motion" with someone you barely know, will you consider it as a sign of love? Or a sign of an upcoming series of unfortunate events? Let's find out on how Budang and #11 will handle this so-called thin...