Chapter Fourteen
Angeline Anne Bautista
Lumipas ang ilang linggo simula noong umamin si Justin. Nagpatuloy kami sa pagiging magkakaibigan namin kahit nagiging awkward ako minsan. Pero nawawala rin naman iyon dahil sa kanya. Ewan ko ba kung paano niya napagsasabay yung nararamdaman niya at yung pagiging magkaibigan namin.
Hindi na rin ako ginugulo nila Jamie. Nakakapagtaka nga. Kasi nakasanayan na nilang pestehin ako buong taon, dati. Pero ngayon, tinatapunan na lang nila ako ng masasamang tingin.
"Tara Ange, punta muna tayong Petron nila Adrian bago umuwi," yaya ni Justin at tumango naman ako.
Doon kasi yung tambayan namin, sa Petron NLEX. Malapit lang naman ang SM pero dahil maraming tao at mas malapit ang Petron, doon kami madalas pumunta.
Pagkatapos ng klase ay dumiretso na kami roon. Pagkarating sa may pader na naghihiwalay sa kinatatayuan namin at sa petron, nagulat ako nang mauna si Justin at iniabot niya yung kamay niya sa akin. Tiningnan ko lang ito.
"Magtitigan na lang ba tayo rito Ange?" tanong nila Adrian kaya agad ko namang iniabot yung kamay ni Justin.
Ako lang talaga nagpapakumplikado sa sitwasyon namin. Pagkatapos kong tumawid at makababa ng hagdanan, inalalayan naman ni Justin sila Rizza at Helena.
"Bakit ang awkward niyo ni Justin?" Bigla akong napatalon dahil sa gulat kay Adrian. Nakababa na pala ito?
"Papatayin mo ba ako sa gulat?" tanong ko sa kanya.
"Hindi. Pero sa kilig dahil kay Justin? Puwede pa."
Inirapan ko na lang si Adrian. Alam kasi nila yung nangyari kaya tinatapunan nila ako ng mga pang-iinis ngayon.
"Tigilan mo nga ako. Palibhasa nasa London lovelife mo e," asar ko sa kanya kaya ayun, tumiklop.
Pagkatapos nilang tumawid ay dumiretso kami sa Starbucks para kumain. Ganoon ka-burgis yung mga kaklase ko ngayon at hindi ako prepared kaya cinnamon roll lang inorder ko.
"Ano iinumin mo Ange?" tanong ni Justin.
"Wala. Cinnamon roll lang sa akin," sabi ko bago ko iniabot yung pera ko pero hindi niya iyon kinuha at umiling lang siya.
"Okay," sabi niya at umalis na.
Tiningnan ko siya kasi ang weird niya. Alam ko kasing pipilitin niya ako kapag ayaw ko at sasabihin na I don't accept no for an answer.
"Matunaw Ange," sabi nila pero inirapan ko na lang sila.
"Tigilan niyo nga ako. Ginagawa ko na nga yung best ko para hindi kami maging awkward," sabi ko sa kanila.
"Bakit ba kasi ayaw mo pang payagang manligaw si Justin? Ligaw lang naman e. Wala namang mawawala."
Wala ngang mawawala pero baka kasi bigyan ko siya ng maling pag-asa kapag pinayagan ko na siyang manligaw. Ayaw ko naman siyang masaktan.
"Baka kasi bigyan ko siya ng maling pag-asa at baka masaktan siya."
"Bakit naman siya masasaktan Ange?" tanong nila.
Hindi ko pa nga pala naikukuwento yung nangyari sa akin noon sa Valenzuela at si #11. Baka rin maabutan kami ni Justin kapag ikinuwento ko na iyon ngayon.
"Saka ko na ikukuwento," sabi ko dahil nakita ko nang papalapit sa amin si Justin.
Ibinigay na niya yung mga order namin pero nagtaka ako dahil may ibinigay siyang frappe sa akin samantalang wala naman ako in-order.
BINABASA MO ANG
#11
Teen FictionWhat if you experienced the thing called "Slow Motion" with someone you barely know, will you consider it as a sign of love? Or a sign of an upcoming series of unfortunate events? Let's find out on how Budang and #11 will handle this so-called thin...