Chapter Fifteen
"Ange matagal pa ba kayo?" tanong ni mama habang kumakatok sa may pinto.
Kasalukuyan kasi akong inaayusan nila Rizza at Helena. Ngayon na kasi yung birthday celebration ni Justin at hindi ko malaman ang dahilan kung bakit ako nagpapaayos para sa kanya. Huling ginawa ko ito, noong lumabas kami ni #11 at nakilala ko si Justin.
"Sandali lang po ma."
"Chill lang Ange. Sayang make-up mo at kulot ng buhok kung mai-i-stress ka lang," sabi ni Helena.
Sa totoo lang, stress na stress ako dahil makikita ko si #11 mamaya. Hindi ko kasi alam kung matutuwa ako o malulungkot sa malalaman ko. Kung may gusto pa ba ako sa kanya o nahulog na talaga ako ng tuluyan kay Justin. Mamaya ko rin malalaman kung papayagan ko nang manligaw si Justin o hindi.
"Ange, bakit ka ba na-i-stress?" tanong ni Rizza.
"Naaalala niyo pa ba yung dapat na ikukuwento ko sa inyo noong Huwebes?" tanong ko at tumango naman silang dalawa.
Huminga ako ng malalim bago ko ikuwento ang lahat sa kanila. Simula sa pagkakakilala ko kay #11 hanggang sa pagkakatuklas ko na magkapatid sila at yung nararamdaman ko sa dalawa.
"Grabe Ange, ang gulo naman ng love life mo," sabi ni Rizza habang nilalagyan ako ng mascara.
"Oo nga. Minsan ka na nga lang magkaroon tapos ganito pa," dugtong ni Helena.
"Kaya nga hindi ko alam yung gagawin ko kapag nagkataon," sabi ko habang nilalaro yung mga kamay ko. Ganito kasi ako kapag hindi ko alam yung gagawin ko at kinakabahan ako. Biglang pumunta sa harap ko sila Rizza at Helena at tiningnan ako nang seryoso.
"Magkalinawan nga tayo Ange, mahal mo na ba si Justin?" Tiningnan ko lang sila kasi sa puntong ito, hindi ko na alam ang totoong kahulugan at batayan para masabi mong pagmamahal na nga iyong nararamdaman mo.
"Iibahin namin yung tanong namin, Ange. Lagi mo ba siyang naaalala? Tumitibok ba nang mabilis ang puso mo tuwing nariyan siya o may ginagawa siya? Napapanaginipan mo ba siya?" tanong sa akin ni Helena at tumango ako.
"At nakakaramdam din ako ng slow motion," Biglang tumili sila Helena at Rizza kaso nawala rin iyon dahil sa sunod kong sinabi, "Na nararamdaman ko rin kay #11 dati."
"Ang kumplikado talaga ng buhay mo Ange. Sino ba ang mas matimbang sa dalawa?" tanong ni Rizza habang hawak ang noo.
"Ngayon si Justin kasi wala si #11 pero paano kapag dalawa na silang kasama ko? Hindi ko alam kung sino. Ayaw kong maging unfair sa isa sa kanila."
Ganoon naman kasi talaga, kung sino yung kasama mo ngayon, iyon ang mas matimbang. Habang yung wala, siya yung hindi mo na masyado nabibigyan pansin o importansya.
"Paano kung wala yang #11 na 'yan mamaya? Paano na? Halos isang buwan nang nagmumukhang tanga si Justin kakaasa," sabi ni Helena.
Bigla akong na-guilty sa sinabi ni Helena. Alam kong nahihirapan na rin si Justin at kung dati, gusto at kaya ko siyang patigilin pero ngayon? Hindi ko na alam. Nahulog na nga siguro ako sa kanya.
Sino ba kasing hindi mahuhulog sa kanya? Mabait, gentleman, magaling magpatawa, loyal, maalaga, marunong magbigay importansya, sweet, at higit sa lahat, kayang-kayang iparamdam sa iyo na ikaw na ang pinakamasuwerteng babae sa mundo sa pamamagitan ng pagmamahal niya sa iyo.
"Ito Ange, matanong ko lang, may gusto ba sa iyo yung #11 na iyon?" Bigla akong napatingin kay Rizza bago umiling nang marahan.
"Seriously Ange? Mahal ko o mahal ako ang peg mo?" tanong ni Helena. "Pero seryoso Ange, ikino-consider mo pa rin si #11 kahit hindi ka sigurado na may pagtingin ito sa iyo? Tapos si Justin na sigurado kang may pagtingin sa iyo, ewan."
BINABASA MO ANG
#11
Teen FictionWhat if you experienced the thing called "Slow Motion" with someone you barely know, will you consider it as a sign of love? Or a sign of an upcoming series of unfortunate events? Let's find out on how Budang and #11 will handle this so-called thin...