Chapter Eighteen

8 0 0
                                    

Chapter Eighteen

"Gelyn! Gelyn! Gumising ka!" Naririnig kong sigaw ng isang pamilyar na boses habang inaalog ako. Ilang taong na rin simula ng huli kong marinig ang boses na iyon na tinatawag ang palayaw kong iyon. Isang tao lang din ang alam kong tumatawag sa akin niyon.

Idinilat ko ang mga mata ko at nagulat ako nang makita mo si Jamie na humahagulgol. Ano bang nangyari at umiiyak siya ng gan'yan.

"Ja...Jamie?" tanong ko at nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.

"Gelyn, I'm sorry. Hindi ko naman gusto na iwan kita. I'm sorry. Ayaw lang kitang mapahamak," pagpapatuloy niya habang umiiyak.

Ang tagal na rin pala simula nang yakapin niya ako ng gan'to na parang bata na inagawan ng candy. Niyakap ko rin siya at naiyak na rin. Ilang sandali pa ang lumipas bago kami mahimasmasan. Pareho lang kaming nakaupo sa ibabang bahagi ng bahay at nakatingin sa kawalan. Hindi pa rin kami makaalis dahil masakit pa rin ang paa ko at hindi pa rin ako makatayo.

"Kung naiinip ka, kahit mauna ka na. Kaya ko namang bumalil mag-isa. Hihintayin ko lang umayos ng kaunti ang paa ko," sabi ko pero hindi niya ako pinansin.

Masyadong madilim kaya't hindi ko masyadong maaninag ekspresyon niya. Ang tanging bagay lang na nagbibigay sa amin ng liwanag ay ang kaunting sinag ng araw na pumapasok sa loob ng bahay. Masyado ring nakakabingi ang katahimikan na bumabalot sa aming paligid.

"Bakit ka pumunta dito?" tanong niya makaraan ang ilang segundo.

"Hinanap ka."

Nilaro ko ang aking mga kamay dahil bukod doon, wala na akong iba pang mapagkakaabalahan. Masyado rin akong ninenerbyos. Baka tuluyan na rin akong mabaliw dito. Hinintay kong itanong niya kung bakit pero umasa lang ako sa wala kaya sinabi ko na ang pakay ko.

"Gusto kong humingi ng tawad dahil sa mga sinabi ko kanina. Hindi ko sinasadya."

"Alam ko," sabi niya at nahahalata ko sa boses niya ang lungkot.

"Hindi na ba talaga tayo puwedeng bumalik sa dati?" kabado kong tanong.

Sa totoo lang, handa akong kalimutan lahat ng nangyari at ginawa niya sa akin. Mas pinapahalagahan ko pa rin ang pagkakaibigan namin at mahabang pinagsamahan.

"Mapapahamak ka lang sa gusto mong mangyari. Ayaw ko nang dagdagan ang nararanasan mo ngayon."

"Ano bang problema?" mahinahon kong tanong. Naaalala ko kasi ang mga sinabi niya kanina.

"Mas mabuting hindi mo na lang alam."

"Jamie..."

"Gelyn, kalimutan mo na ang katulad ko. Hindi ako karapat-dapat na maging kaibigan mo."

"Jamie, wala ka bang tiwala sa akin? Handa akong tulungan ka kung ano man ang pinagdadaanan mo?! Handa ako sa anumang puwedeng mangyari. Gusto ko lang maintindihan kung bakit mo ginawa yung pang-iiwan mo sa akin noon. Gusto kong malaman ang rason dahil kilala kita. Alam kong may mabuti kang rason kaya nanahimik ako. Pero ngayon?! Hindi ko na kaya. Nagmamakaawa ako sa iyo bago ako tuluyang mabaliw kakaisip."

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Halo-halo na ang emosyon na nararamdaman ko. Maging pagtataas ng boses ko ay hindi ko maiwasan. Masyadong matagal na panahon ang lumipas bago ako naglakas loob na itanong sa kan'ya rason niya at sabihin ang saloobin ko.

"Gelyn, magtiwala ka sa akin."

"Fine, kung hindi mo sasabihin. Mapipilitan akong kausapin ang mga kaibigan mo o komprontahin. Kung hindi sila makikinig, handa akong puntahan Mirachelle."

#11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon