Chapter One
[ Angeline Anne Bautista's Point of View ]
"Budang talaga bang uuwi ka na sa sabado?" Tanong pinsan kong napakulit.
"Madjot, Budang is not my name okay. I'm Angeline Anne Bautista incase na nakalimutan mo yun."
Ang pangit kaya ng pangalang Budang, saan ba niya nakuha yun? Napaka-creative niya talaga pagdating sa pag-iisip ng mga mocking names. Samantalang ako yung nickname ko sa kanya e nakuha ko lang sa Must be love, yung nickname ni Kathryn doon na Patchot, ginawa ko lang Madjot kasi Maddie talaga true name niya.
Tapos ang masama pa e nagustuhan niya yung nickname ko sa kanya kasi favorite movie pala niya yun kasi relate na relate siya. Na-Friendzoned kasi yang pinsan kong yan parang sa movie kaso ang kaibahan lang ay nagkatuluyan sila Ivan at Patchot pero sila nung bestfriend niya ay on-going pa rin ang kwento nilang Friendzoned.
"Yeah sure Budang."
Ang adik talaga tong babaeng to. Kahit yung Best Friend niyang gusto niya at yung mga kabarkada niya Budang na ang tawag sa akin.
"Miss!"
May sumigaw sa amin at lumingon kami at nakita ko yung bola ng volleyball na tatama kay Madjot kaya hinarang ko agad yung braso ko para tirahin yung bola papunta sa itaas.
Tiningnan ko yung sumigaw sa amin at aaminin, ko ang gwapo niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero parang bumagal yung oras yung tipong parang sa Must Be Love. Yung nakatitig lang ako sa kanya tapos ang bagal ng pagsasalita niya. Hindi kaya nangyayari sa akin yung nangyayari kay Patchot?
"Miss!"
"Awww." Biglang tumama yung bola sa ulo ko at nahilo ako bigla at napaupo. Ang sakit. Ganito pala yung feeling ng tamaan ng bola sa ulo. Parang umiikot yung buong paligid mo.
"Budang okay ka lang ba?"
Unti-unting lumabo yung paningin ko at nawala yung boses nila na patuloy pa rin sa pagtawag sa akin.
=-=-=-=
"Ugh. Nasaan ako?" Tanong ko habang bumabangon at hawak-hawak ang ulo ko.
Ang sakit ng ulo ko at mas lalong sumakit iyon nang alugin ako ni Madjot. Gusto yata nito na tuluyan nang magsipagtanggalan yung mga turnilyo sa ulo ko.
"Madjot okay lang ako at please, mas lalong nagtatanggalan yung mga turnilyo sa ulo ko." Sabi ko at tinigilan naman na niya ako, sa wakas. Minsan kasi ang O.A. rin nito e.
"Miss sorry talaga. Hindi ko sinasadya."
Ngayon ko lang napansin na kasama pala namin ni Madjot yung taong dahilan kung bakit ako nandito, dito kung nasaan man ako.
"Okay lang po." Sabi ko at ibinaling ko yung atensyon ko kay Madjot. "Nasaan ako?"
"Nandito ka sa may covered court. Dito ka na lang namin dinala since sobrang layo ng clinic dito."
"A okay. Tara na. Baka hinahanap na tayo nila tito."
Tumayo na ako. Gusto ko nang umuwi dahil sa sobrang sakit ng likod ko at ng ulo ko. Gusto ko nang magpahinga at matulog. Dumidilim na rin. Baka hinahanap na kami sa bahay.
"Sige." Sabi niya at inalalayan niya ako. Hindi pa kami nakakapaglakad ay biglang nagsalita yung lalaki.
"Miss naglalaro ka ba ng Volleyball?" Tumango ako sa kanya at bigla siyang ngumiti na naging dahilan ng paglabas ng dimple niya.
Grabe. Ange, kalma lang sarili. Kaya ka nasasaktan lagi e. Ang bilis mong mahulog kung kani-kanino. Hindi mo pa nga alam yung pangalan at yung ugali at pagkatao niya e crush mo na agad.
BINABASA MO ANG
#11
Teen FictionWhat if you experienced the thing called "Slow Motion" with someone you barely know, will you consider it as a sign of love? Or a sign of an upcoming series of unfortunate events? Let's find out on how Budang and #11 will handle this so-called thin...