Chapter 2: Spike

20 5 0
                                    

KABANATA II

Third Person's POV

Sunday morning at abala na si Kai sa panunuod ng movies sa sala nila. "Huwag ka masyadong magbabad diyaan, Kai. Baka hindi ka na kumain kapag nakaalis na kami ng daddy mo."

"Yes, mom. Yes, mom. Kakain 'din po ako ng lunch after 'neto. Anong oras ba kayo makakauwi?"

"Siguro by 6 nandito na kami? Hindi naman kami magtatagal doon."

"Nasaan na si daddy? Hindi pa ba siya tapos mag-ayos?"

"Masyado 'kang busy diyan sa pinapanood mo ayan hindi mo na napapansin ang paligid mo. Nauna na siya sa labas. Tulungan mo nga akong ikabit 'tong kwintas ko, dali na at baka naiinip na ang daddy mo." Pinause muna ni Kai ang pinapanood niya bago tumayo at lumapit sa kaniyang ina. Tinulungan niya ito sa pagsusuot ng kwintas 'nito.

"Bakit ba ang bagal niyo mag-ayos mga babae, mom? Ano ba 'yan may something special ba? Baka naman may iba pa kayong inaayusan, mom, ha. Scary." Hinampas ng kaniyang ina si Kai sa braso 'nito.

"Dapat always pretty kami 'no. Always fresh. Always mabango. Saka basic manners na ang pagiging presentable 'no. Eto pa 'yung bracelet ko, etong dalawa dito tapos etong isa dito sa kanan. Ikaw kasi 'di ka masyadong jumajaporms, ganiyan talaga pag galing sa good genes. Mukha na lang ang nagdadala. Adjust mo pa ng isa pa para di masyadong maluwag. 'Naku ang daddy mo magrereklamo na naman 'yun paglabas ko. Mabango na ba ako?"

"Mom, masyado na po kayong naligo sa pabango."

"Para pag dumaan ako amoy agad 'yung perfume. 'Di ba perfect advertisement 'yon? Kapag naamoy agad nila siyempre ma-curious sila anong pabango ko tapos bibili 'din sila kasi nagustuhan nila."

"Mom, artista ka ba?" Hinampas uli siya ng kaniyang ina sa braso at kinurot sa tagiliran 'nito. "Aray, mom!"

"'Di ako artista, artistahin lang."

"Yes, mom. Okay po. Hindi ka pa po ba lalabas? Baka mauna na sa inyo si dad."

"Ano 'bang magandang suotin ko? Sandals? Flats? Sneakers? White o black?"

"Mom." Napailing na lang si Kai. "Kay daddy mo na lang po itanong. Dalhin mo na lang po iyang dalawang sapatos mo sa labas. Kunin ko na lang po mamaya kapag nagtapon na ako ng basura. Para makita manlang ni dad na patapos na po kayo." Napailing na lang ang kaniyang ina.

"Gusto mo lang manuod na e. Oh siya, sige na. Si daddy na lang papiliin ko. Pag ikaw puro nuod lang ginawa mo lagot ka talaga sa daddy mo."

"Yes, mom. Ingat kayo. Pasalubong ha."

"Ice cream o cake?"

"Pizza."

"Tingnan ko. Una na ako. Ah! Yayain mo si Jasmine. Nakita ko siya kaninang umaga e. Kauuwi lang 'yata. Oh siya, labas na 'ko. Male-late na kami ng daddy mo." Napailing na lang si Kai. Madaldal talaga ang kaniyang ina at kapag may natatapos na sasabihin ito ay may bago na naman itong naiisip.

'Nang makalabas na ang kaniyang ina ay bumalik na siya sa sofa at muling plinay ang kaniyang pinapanood.

'Nang malapit 'nang matapos ang kaniyang pinapanood ay may narinig siyang doorbell. "May nakalimutan ba si mom?"

'Nang buksan niya ang pinto ay wala namang taong bumungad sa kaniya. 'Nang hanapin niya ang taong nag-doorbell ay nakita niya sina Richo at Sani na na sa harapan ng bahay nina May. Mukhang ang narinig niyang doorbell ay galing kila May.

Nakatingin si Richo sa kaniyang sapatos 'nang mapansin niyang nagbukas ang pinto ng kapitbahay nina May kaya napalingon siya rito. "Kai?" Lumingon 'din si Sani 'kung saan nakatingin si Richo.

Live The Present: My To Your FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon