Chapter 1: Cookies

48 5 0
                                    

KABANATA I

Third Person's POV

"Salamat, Linueva. Hay. May inutusan kasi akong iba kaso wala pa siya dito, e ikaw ang una 'kong nakita mula sa section niyo. Pasensya na talaga. Maselan na kasi ang pagbubuntis ko kaya hindi ko personal na masundo ang bagong kaklase niyo."

"Ayos lang po, ma'am. Ako na po ang bahala. Baka makasama pa po sa inyo ang pag-aalala. Hihintayin ko na lang po siya sa may gate. Mauna na po ako."

"Sige. Kitain ko na lang kayo mamaya sa time natin." Ngumiti siya sa kaniyang guro.

"Opo."

Habang naglalakad pababa ng hagdan si May ay bigla niyang napansin na hindi pa pala nababanggit sa kaniya ng professor ang pangalan ng kanilang kaklase. Bumuntong hininga siya. Mamumukhaan ko naman siguro?

Nagdirediretso siya sa harap ng gate at doon naghintay ng bago nilang kaklase. Napabuntong hininga na lang siya ng pagbulungan na naman siya ng mga kaklase niya. Hindi na bago sa kaniya iyon. Tuwing nandiyan kasi siya ay siya ang unang napapansin ng mga ito. 'Nang mapasilip sa kaniyang orasan ay napalingon si May sa daan patungo sa kanilang classroom. Ilang minuto na lang kasi ay mag-uumpisa na ang klase ngunit wala pa ang bago nilang kaklase. "Hindi kaya't nauna na siya?" Bulong niya sa sarili. Ilang minuto pa siyang naghintay 'nang mapagdesisyunan niya 'nang bumalik sa classroom. Nakakaisang hakbang pa lang siya ng may kumalabit sa kaniya. Nilingon niya ito.

Hindi niya kilala ang binata at hindi niya pa ito nakikita nuon. Ito na siguro ang bago nilang kaklase. Bago pa man makapagsalita ang binata ay inunahan niya na ito. "Ikaw ba ang bagong estudyante sa section A-221?" Tumango ang binata. "Sundan mo ako, dadalhin kita sa classroom."

Habang tahimik nilang tinatahak ang daan patungo sa kanilang silid ay napapabuntong hininga na lang si May dahil 'kung kanina ay iilan lang ang nagbubulung-bulungan, ngayon ay halos ng madadaanan nila ay pinupukaw sila ng tingin. Inilibot naman ng binata ang kaniyang paningin sa mga taong nadadaanan nila at bumalik ang tingin 'nito sa dalagang na sa harapan niya.

'Nang huminto sila sa harap ng isang silid ay tiningala ng binata ang sign. A-221.

"Nandito na tayo. Mauna ka ng pumasok." Nagtitigan silang dalawa ng ilang segundo bago naglabas ng isang malalim na buntong hininga si May. "Mauuna na ako." 'Nang buksan ni May ang pintuan ay sinalubong siya ng lumilipad niyang bag. Tumama ito sa kaniyang pisnge. Nagulat ang binata sa nasaksihan 'nito. Pinanood niya lang ang dalaga na pulutin ang bag 'nito at nagpatuloy na parang walang nangyari.

"Nagle-level up ka 'yata ha. Sinusundo mo na ngayon ang mga lalaki mo?" Muling tiningnan ng binata ang dalaga na pirming naka-upo. Hindi 'nito pinapansin ang kaniyang paligid. "Sa bagay. Takot niya lang maubusan ng mga lalaki. 'Di ba?" Napuno ng tawanan ang klase. Napabuntong hininga ang binata at humanap na lang ng mauupuan.

Tahimik na matapos ang eksenang naganap ng may malakas na nagbukas ng pinto. Lahat sila ay nag-angat ng tingin. Sinalubong sila ng isang blonde na babae. "Jasmine May! Good morning!" Tumakbo ito sa babaeng nagsundo sa kaniya kanina.

"Good morning, Megumi. Malapit 'nang mag-umpisa ang klase, bakit nandito ka pa?" Kumapit lang si Megumi kay May. Sumimangot ang mukha 'nito.

"Bakit kasi hindi tayo magkaklase? Magpapalipat na lang a— OH MY GOD! What happened to your bag?! Bakit nadumihan ang regalo ko sa 'yo?!" Mabilis na lumingon si Megumi sa direksyon ng mga nangbu-bully kay May. "Katrina!"

"Megumi. Lilinisin ko na lang 'to mamaya pag-uwi ko. Bumalik ka na sa classroom niyo." 'Nang hindi pa rin siya nililingon ng kaibigan. "Lukot na lukot na ang mukha mo, Megumi. Matatakot mo niyan sila. Okay lang ako. Ayos lang ako, Megumi." Muling niyakap ni Megumi ang kaibigan. Mabilis na lumingon si Megumi kay Katrina.

Live The Present: My To Your FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon