EPILOGUE
Third Person's POV
Habang nakatitig sa na sa harapan nila ay sumilip ang isang maliit na ngiti sa mga labi ni May.
"Tatay... Papa..." Yumuko si May. Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "Miss ko na po kayo... sobra sobra..."
Apat na buwan na ang nakalilipas 'nang pumanaw ang kaniyang ama at minabuti nilang pagtabihin ang kaniyang mga ama.
"Pa... natanggap po ako sa Juilliard, panuorin mo ako palagi, ah? Tatay... pupunta na ako sa New York... makakapag-travel na ako tulad ng pangarap natin... makakalabas na ako ng Pilipinas, tay..."
It was a happy day, it should be. But here she is, crying the moment she read their names.
"Akala ko hindi ko na magagawang tumayo sa harapan ninyong dalawa. Ang gusto ko lang 'non ay sundan na lang kayo pero heto ako... bumubulong sa hangin at kinakausap kayo tungkol sa mga pangyayari sa buhay ko."
Hinagod ni Kai ang likod ng dalaga. "Ang daya niyo naman kasi... wala pa akong nagagawa para sa inyo pero iniwanan niyo na agad ako. Hindi ka tuloy makakasama sa pagsakay ko sa eroplano tatay... hindi mo na tuloy ako mapapanuod mag-piano papa..."
"Pero..." Pinigilan niya ang sarili na maiyak.
"Salamat pa rin po." Dumausdos pababa ang mga luha ngunit wala siyang ingay na nilikha. "Dahil sa inyo, nandito pa rin ako. Pinrotektahan niyo ang kasiyahan ko kaya heto ako ngayon at sinusubukang damhin ang anumang gusto ninyong maranasan ko. Dahil sa inyo naranasan 'kong magkaroon ng mga magulang na tatanggapin ako at mamahalin ako ng buong buo. Dahil sa buhay ninyo... naranasan 'kong magkaroon ng ama."
Ngumiti ang dalaga bago nagpatuloy. "Deserve niyo pa ang mahabang buhay pero heto ako, ang tanging natitira... pero alam niyo po ba? 'Kung ganitong sakit ang pagdadaanan ninyo... gugustuhin ko na lang po na ako ang maghirap dito... dahil ayaw 'kong nasasaktan kayo."
Huminga siya ng malalim. "Tay! Pa! Hindi niyo rin po ako naabutang magka-boyfriend... pero kilala niyo naman po siya." Hinawakan ni May ang kamay ng binata at hinila ito sa kaniyang tabi.
"Tay... nandito na po ulit si Kai... na sa tabi ko na po ulit siya. Kasama ko na po ulit siya." Naramdaman ni May ang panunubig ng kaniyang mga mata.
"Ang sabi niyo po sa akin dati ay lumaki ako na maging mabuting bata at tratuhing kaibigan si Kai buong buhay ko. Tay, ang kaibigang napili niyo po para sa akin... kasama ko na po ulit siya ngayon. Alam ko ang daming nangyari pero tatay tutuparin ko po ang pangako ko sa inyo... hahanapin ko po ang mga taong mamahalin ako tulad ng pagmamahal ninyo sa akin. Kasi nararapat lang iyon, 'di ba po?
Pa... 'di ko nabanggit sainyo pero 'nung una akong tumugtog ng piano sa stage, kinakabahan talaga ako 'non saka natakot ako biglang harapin ang piano kasi nawala 'yung kasama ko 'non... pero dahil sa mga kaibigan ko hinarap ko ang piano at 'nung mga oras na 'yon ay sinabi ko sa sarili ko na ipagpapatuloy ko ang pagtugtog ng piano... salamat kina Kai at Cruz dahil nandoon sila para sa akin. Oo pa, approve 'din kay Richo si Kai. Kamo ayaw niya na ngang humanap pa ako ng iba.
Tatay... Papa... si Kai nga po pala. Boyfriend ko."
Ngumiti si Kai sa dalaga. "Hello po. Tito... ang tagal ko po kayong hindi nakita. Alam ko po hindi na tayo magkikita pang muli pero ngayong nandito na ako sa harapan ninyo... ang tagal na rin po pala. Ang huling alaala ko pa po sa inyo ay 'yung mula sa picnic natin. Ang maliwanag niyo pong mukha... ang mga matatamis ninyong ngiti... tito... nagmana po sa inyo si Jasmine." Siniko ni May si Kai.
"Bakit? Totoo naman e?" Muling humarap si Kai sa mga lapida.
"Pangako ko po sa inyong dalawa na aalagaan ko po si Jasmine tulad ng pag-aalaga ninyo sa kaniya. Mamahalin ko po siya tulad ng pagmamahal ninyo sa kaniya... o higit pa po. Ako na po ang bahala sa kaniya, tito, sir. This time hindi ko na po hahayaang mawala siya sa paningin ko dahil ngayon gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para panatilihin siyang ligtas. Ganito rin po ba ang naramdaman ninyo para sa kaniya? Masyado siyang mahalaga para bitiwan. Hinding hindi ko po iyon gagawin sa kaniya, pangako po iyan."
"Narinig niyo po ba 'yon, tay, pa? Kaya sana tulad ko ay gumagaan na rin po ang inyong nararamdaman. Hindi niyo na po kailangang mag-alala dahil maraming tao ang handa akong samahan hanggang dulo. Kayo po ang nagpakilala sa akin niyon.
Tatay, alam niyo po ba naaalala kayo ng tita ni Kai? Binigyan niya ako ng pagkain 'nung isang araw kasi naaalala niya raw dati na pinagbabaon ako ni Kai. Naaalala niya rin daw 'yung araw na sinundo natin si Kai para mag picnic."
Natawa si Kai 'nang maalala niya iyon. 'Nang muli kasing makita ng tita ni Kai si May; ang unang naalala 'nito ay 'yung baon nila at 'yung araw na sinundo si Kai nina May at ng ama 'nito na ayon sa kaniya ay isang palangiting lalaki.
"Pa, dumalaw na po ba dito sila ate Aline at Richo? Lilipad na po sila sa Australia. Doon na rin mag-aaral si Richo at babalik na ulit sila ate Aline sa Australia. Mag-stay pa saglit ang mommy niya kasi may aasikasuhin pa daw muna siya bago siya susunod sa kanila. Si Cruz naman ay pupunta sa America kasama ang ate niya. Ang iba po ay maiiwan dito. Kapag may pagkakataon po ay uuwi po ako rito para dalaw dalawin kayo."
"Siyempre, dadalawin ko rin po siya sa New York every holidays." Singit ni Kai.
"Tatay... Papa... handa na po ako. Salamat po sa tulong ninyo, sisiguraduhin ko pong ibabalik ko ang lahat ng nagawa ninyo para sa akin. Aalis po muna ako... aabutin ko po ang pangarap ko at buong pagmamalaki po akong haharap sa mundo. Baka anak niyo po ito!"
Ginulo ni Kai ang buhok ng dalaga.
"Tatay, papa, maiwan ko na po muna kayo. I'll visit again. I love you, both. Very much. Maraming maraming salamat po sa lahat."
Tito, she got us now...and we got her back.
— Z — H —
All Rights Reserved 2022.
ZEHEA
BINABASA MO ANG
Live The Present: My To Your Friend
Fiksi UmumLIFE ARC SERIES #1 COMPLETED. "On the verge of giving up. May was adopted by a household that treated her as their own. She felt like she belongs to the family. When her biological father died and left her to the hands of her abusive mother, she tho...