Chapter 14: Trip

4 2 0
                                    

KABANATA XIV

Third Person's POV

Nagising si Kai 'nang maramdaman niyang may dumagan sa kaniya. Inaantok pa siya habang nagmumulat ng mga mata. Nakita niya si Sani na nakayakap sa kaniya habang inaantok na bumubulong.

"Five minutes... ten minutes, Richo."

Tumaas ang tingin ni Kai kay Richo na hinahatak si Sani palayo sa kaniya at paalis ng kama.

"We have to go home. We still need to prepare."

Iwinaksi ni Kai ang kamay ng kaibigan at nagkusot ng mga mata habang bumabangon sa pagkakahiga. Mabilis naman na niyakap ni Sani ang unan ni Kai.

"Are you all leaving? At this hour?"

Pinulot ni Richo ang coat ni Sani sa sahig at tinupi niya ito't nilagay sa bag ng kaibigan.

"We need to prepare our luggages too."

"For our Batanes trip?"

Tumango si Richo.

"You remember, right? Our flight's later at noon, okay? We'll be back at 9AM. Sani, let's go!"

"Alright! Alright!" Halos matumba na si Sani habang tumatayo kaya napapailing na lang sina Kai at Richo.

"I'll see you later." Tumango si Richo bago lumabas ng kuwarto ng binata.

Dahil nagising na rin ang diwa niya, pinagpasyahan niyang bumaba na lang para tingnan ang mga kaibigan.

'Nang tuluyan 'nang makaalis ang apat ay tinawag naman siya ng kaniyang ina para magpatulong sa paghahanda ng almusal nila.

"It's unusual to see you awake at this hour." Biro sa kaniya ng ina.

"I used to wake up at 5AM before when I was in elementary, mom."

"That's decades ago, Kai. Ngayon tulog mantika ka na!" His mom chuckled.

"Did you like what we've prepared for Jasmine and the rest of you?"

Habang nililinis ang bigas ay biglang napahinto si Kai at ngumiti ng tipid. "I never expected a trip from you and the rest of our parents."

"Actually it was Richo's mom's idea. Sabi niya ay siguradong magugustuhan iyon ni Jasmine. Tutal debut naman niya, we can do that much for her. Mabilis naman na sinakyan ng mommy ni Aline at Noe ang idea na iyon kaya wala na rin kaming ibang nagawa kundi ang pumayag na rin. We decided to send you all to a trip to Batanes since ayon ang ni-recommend ng mother ni Megumi and kagagaling lang doon ng father ni Joshiel kaya we settled for Batanes. Of course, sagot namin ang ticket ng sarili naming mga anak but we've decided to fund your itinerary and allowances by pooling of course a fund. We'll let Richo or Aline manage the money. Galante naman ang papa mo at bilang regalo niya na rin, binigyan niya na ng allowance si Jasmine, and of course pati rin ikaw, 'kung maalala niya lang."

"Why did you not come with us, mom?"

Kumunot ang nuo ng kaniyang ina. "Of course not! Mas mag-eenjoy kayo pag friends only lang." Bumulong ang ina 'nito sa kaniya. "And may tea party kaming mga mommies so we better not come to Batanes."

"You sure are enjoying yourself, mom."

"Hindi lang siyempre kayo ang mag-eenjoy sa after-party celebration ng debut ni Jasmine 'no! We've all been together all night yesterday so of course we've made friends 'din 'no."

Natawa naman si Kai. Totoo naman ang sinabi ng kaniyang ina. Hindi lang silang magkakaibigan ang nag-enjoy sa party ni May, maging ang mga magulang nila ay nag-enjoy rin. Nakakilala sila ng iba pa at nag-click naman sila. Ang mga mommy nila ay sabik na sabik na muling magkita-kita. They were very happy on the friendship they've formed last night. A friendship for keeps.

Live The Present: My To Your FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon