Chapter 13: Birthday

9 2 0
                                    

KABANATA XIII

Third Person's POV

Kinabukasan ay maagang nagising si May at Sabado ng umaga 'non kaya dumiretso siya sa sala imbes na maligo ng maaga dahil walang pasok ngayon.

Naabutan niya ang mama niya sa kusina na naghahanda na ng pang almusal nila. "Gising ka na, May?"

Saglit na napatitig si May sa ina. Hindi pa rin siya makapaniwala na parang bumalik na sa normal ang lahat.

Kagabi pagkabalik nila mula sa Mall ay nakasalubong nila ang ina ni Kai kaya niyaya niya ang mga ito sa hapunan.

Napag-alaman ni May na sa ate ni Kai unang lumapit ang kaniyang ina para hanapin at kumustahin ang anak. Ang sleepover na nabanggit 'nito ay isa lamang disguise para makabalik si May sa kanilang lugar. Ito rin naman ang sinabi ng ate ni Kai kay Aline 'nang saglit silang mag-usap 'nito.

Bago pa man muling magkita ang mag-ina ay nagpasalamat na ang kaniyang ina sa pamilya Ramirez. Naging maayos ang dinner nila at napunta sila sa topic ng nalalapit na birthday ni May.

Dahil debut 'nito sa May 16, dalawang araw na lang halos ang paghahanda nila, ngunit ang kagustuhan ni May ay maging simpleng birthday party na lang ang mangyayari.

Nagprisinta ang nanay ni Kai na tumulong sa paghahanda, maging ang ate 'nito. Hindi nakatanggi ang nanay ni May dahil alam niya sa sarili niya na kailangan nila ng tulong, lalo pa sa mga araw na ito.

"Ma, good morning po."

"Halika na, kumain na tayo. Pupunta sila Megumi at Aline dito mamaya para tulungan ka sa pagpili ng susuotin mo. Kami naman ng tita mo ay magpaplano na ng mga gagawin at lulutuin namin."

"Ma..."

"Hmm?"

"Ayos na po ba kayo? Okay lang po ba na mag-birthday ako ngayong taon?"

Tumayo ng tuwid ang kaniyang ina at nginitian siya. "Ako at ikaw, anak ko, hindi naman natin maitatangging malungkot pa rin tayo sa lahat ng nangyari, pero ayokong maging dahilan iyon para i-deny ang responsibilidad ko sa iyo. Pinagplanuhan 'din namin ng papa mo ang magiging debut mo sana. Sabik na sabik na rin siya magpagaling para nandoon siya sa debut mo, pero nangyari na ang pinakahindi natin inaasahan... ngunit ang birthday mo ay ang araw na dapat magdiwang tayo. Hindi ko sinasabing magsaya tayo matapos lang ang dalawang linggong pagkawala ng papa mo, pero ito ang gusto niyang mangyari—ang maging masaya ka sa birthday mo, at 'yun ang gagawin natin."

"Magsusuot po ako ng magandang dress, mama, para masaya akong tinitingnan ni papa habang ipinagdiriwang natin ang birthday ko. I-eenjoy ko po ang birthday ko ngayong taon tulad ng ginagawa natin dati. Kaya dapat masarap po ang luto niyo, ma, ha? Iimbitahan ko sina Megumi, ang kuya niya at sina tita't tito, pati rin ang ate ni Cruz, ma, pupunta siya... kaya dapat maghanda tayo, ma... kailangan..." Naluha bigla si May kaya natigil siya sa pagsasalita at tahimik na umiyak, "...kaya dapat mag-enjoy tayo... kasi marami pa pong pupunta... m-marami..."

Lumapit ang kaniyang ina sa kaniya at niyakap siya 'nito't hinagod ang kaniyang likod. "M-marami... pero wala si papa..."

"Anak... ayos ka na ba? Handa ka na 'bang mag-birthday ngayong taon?"

"Ma..." Umiling ito kaya tumango-tango ang kaniyang ina.

"Naiintindihan ko, anak... naiintindihan kita..."

"Sobra po akong nalulungkot kapag naiisip 'kong wala si papa sa birthday ko ngayong taon. Wala si papa... ma... wala si p-papa..."

I can't believe myself. I left my child in this state, suffering and succumbing to her own pain. How could I... as her mother... leave her alone like that?

Live The Present: My To Your FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon