Chapter 3: Trio

15 4 0
                                    

KABANATA III

Third Person's POV

"You packed your own lunch?" Pagkalapag ni Kai ng trey sa lamesa ay napansin agad 'nito ang baunan na hawak ng dalaga.

"Nagluto si mama kagabi. Hindi namin naubos. Sayang naman 'kung itatapon ko kaya ibinaon ko na lang. Ipapamasahe ko na lang mamaya 'yung pera ko."

"Anong ulam mo?" Binuksan ni May ang tupperware.

"Tempura, calamares at onion rings. Gusto mo ba?" Inalok ni May ang kaibigan.

"Puwede ba?" Nilagyan ni May ng ilang ulam ang plato ni Kai. "Salamat."

"Magsabi ka 'kung gusto mo pa."

"Ah. Buti naalala ko. Ini-invite ka ni mommy sa dinner namin mamaya. Bibisita kasi si ate. I think she's staying over. Maghahanda daw si mom ng ilang putahe, baka daw gusto mong pumunta." Uminom muna ng tubig si May bago lingunin si Kai.

"Sige, pupunta ako." Bago pa man makasagot si Kai ay may biglang umupo sa tabi ni May. Nilingon ito ng dalaga.

"Pasensya na 'kung nakakaistorbo ako. 'Di ba ikaw si Linueva?" Tiningnan ni Kai ang dalaga bago bumalik ang kaniyang tingin sa binata. "I'm from A-224. Meron kasing papalapit na event ang school. Special event. It is the 60th birthday of our principal kaya the administration decided to throw a party. I've been invited to play on the event. I need an accompany. I am looking for someone that can play the piano. I asked Cruz kasi alam ko kumakanta siya, baka alam niya paano tumugtog kaso hindi daw siya marunong mag piano, violin daw marunong siya but he prefers to sing. I asked Megumi 'kung may kilala ba siyang marunong tumugtog ng piano and she referred me to you. Can you play the piano for me?" Nagkatinginan sina May at Kai. Ngumiti ang binata sa kaniya.

"Pwede ko bang malaman 'kung anong piece?"

"The principal will bring his wife with him since halos 2 weeks after his birthday ay ang anniversary nila, kaya he personally asked us to play Can't Help Falling In Love and a piece of our choice."

"I get it. Kailan pala 'yung event?"

"Next week, Friday. It's Friday today, I only have one week."

"Biglaan ba? Masyado 'yatang mabilis?" Ani Kai. Napabuntong hininga ang binata.

"Last week pa akong nasabihan. May tutugtog na dapat. Kaklase ko 'din kaso may sinalihang competition ang club niya and last minute na siyang naisali. 'Yung pinalitan kasi niyang member ay kailangan sa student council kaya siya ang ipinalit. Kahapon ay inalam pa namin 'kung makakatugtog pa ba siya pero naisakto mismo sa araw ng event ang competition nila kaya ngayon ay naghahanap na ako ng puwede 'kong makasama sa performance."

"Kailan tayo magsisimula mag-practice?"

"Dito kami sa school nagpa-practice kaya... sa lunes?"

"I have a piano at home pero hindi pa ako puwede bukas e. Sa linggo ba free ka? Aayusin ko muna ang bahay mamaya."

"Sure! Salamat. Hulog ka ng langit! Salamat talaga!" Nginitian ng dalaga ang binata. "Ah! Ako pala si Oswin. Here's my number. Just send me your address. Mga after lunch?"

"Sure. See you on Sunday." 'Nang makaalis na si Oswin ay tiningnan ni Kai ang dalaga at napangiti ito.

"Finally, I'll be able to hear you play the piano. Magpe-perform ka pa in front of many people."

"I'll just play the piano for him at saka birthday event 'yun para sa principal, it's not like I am entering a competition or was invited for my talent alone."

"Kahit na. You're cool, Jasmine. I'm looking forward to it. If you need anything, just tell me."

'Nang mag uwian na ay sinundo ng kaniyang ina si May.

Live The Present: My To Your FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon