Chapter 7: Pain

10 2 0
                                    

KABANATA VII

Third Person's POV

Nakatayo si May sa may pinto ng classroom nila habang hinihintay ang mga kaibigan 'nang may biglang lumingkis sa kaniyang braso. "Hi, May! Magla-Lunch ka na ba? Are you going to the canteen? Tara, sabay na tayo." And it's Dasha.

"Te—"

Bago pa man siya makasagot ay mabilis na siyang nahila palabas ng room ng kaklase.

"Lagi ka 'bang bumibili sa canteen ng pagkain? Paborito ko 'yung niluto nila ngayon e kaya excited na rin akong mag-Lunch. Ikaw, anong pagkain ang lagi mong binibili sa canteen? Or nagbabaon ka ba? Sabay-sabay ba kayo kumain ng mga kaibigan mo? Na saan pala sila? Ah. Nauna na ba silang kumain? Oh. Si Kai. Lagi 'din kayong magkasama. Best friend mo ba siya? Hindi mo naman siya boyfriend, 'di ba? Sabagay mukha namang mabait si Kai sa lahat ng kaklase natin. Oh? Oswin! Huy!"

Pakiramdam ni May ay nabuhol buhol ang kaniyang isipan. Masyadong mabilis magsalita si Dasha at hinihila pa siya 'nito ng mabilis.

'Nang lumingon si Oswin ay natigilan ito. "Meet my new friend! May!"

"Yes... I know... and why are you with her?"

"'Cause friends eat together! Hindi ata siya kasabay 'nung mga friends niya e. That's why I pulled her with me! May upuan ka na ba? Sabay-sabay na tayo kumain."

"Hey, Dasha, I think—"

"Oh. 'Yan 'din binili mo? Hintayin mo kami ah. Sabay na tayo kumain." Habang si May ay tila binabagyo ng mga nakakapanibagong mga pangyayari ay natigilan naman ang mga lalaki 'nang hindi nila makita si May sa may pinto.

"Nauna na ba sila ni Megumi?" Lalabas na sana sila ng pinto 'nang biglang lumitaw si Megumi.

"Sorry. Late. Last minute naming pinalitan 'yung sagot namin e. Kamuntikan na 'yun. Anyway, where's Jasmine May? Na sa loob pa ba siya?"

"Hindi mo ba siya kasama? Wala na siya sa loob e." Cruz.

Napatakip ng bibig si Megumi. "O. M. G. She was kidnapped!? In this broad daylight!? As in sa loob ng school!?" Natawa si Sani sa kaniya.

"Baka nag-cr lang. Umo-Oscar na naman acting mo diyan e." Sani.

"Okay. Mauna na kayo sa canteen. I'll go get her."

Sa kabilang banda ay natuod si May dahil hindi siya kumportable sa "new friend" niya at mas lalong mukhang awkward pa sa kaniya si Oswin kaya mas lalong hindi siya makakain ng maayos.

"Do you always eat that? Si Kai 'din ba 'yan 'yung favorite? Mukhang close kayo kaya naitanong ko lang. Si Oswin pareho kami ng favorite ewan ko ba nanggagaya lang naman siguro siya. Oh! 'Di ba dapat magpeperform kayo 'nung event before? I was busy with my student council 'non kaya I had to step down from the competition tapos nasaktuhan ka-club member ko 'din 'yung friend niya tapos siya 'yung pumalit sa akin kaya hindi sila nakapag-perform together. Akala ko nga makikita ko kayo mag-perform together but nawala bigla si Oswin and the next thing I knew you brought your friends to the stage. Kai. Kai was one of them! The student with the cello! Of course I will not forget him, lalo pa at siya pa lang ang nakikita 'kong tumugtog ng cello sa tanang buhay ko. That big instrument and him was the best combo! Ang cool niya and amazing! Oh! Do you have his number? I wanna be friends with your friends too!"

"Dasha, lumalamig na 'yung pagkain. Kumain muna tayo before you chit-chat with her." Oswin.

"Okie doks. Kain ka muna, May."

Pagkapasok ng canteen ay natanaw agad ni Cruz si May. "Si May 'yun 'di ba? Nauna na sila ni Megumi?"

"I don't think so. Hindi si Megumi 'yon. Is that Dasha?" Ani Joshiel.

Live The Present: My To Your FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon