KABANATA VI
Third Person's POV
"Let's us now welcome Ms. Linueva and Mr. Ramirez from A-221!"
Tinanguan ni Kai si May. Huminga ng malalim ang huli bago umakyat mag-isa sa stage. Mag-isa niyang tutugtugin ang kantang napili niya para i-dedicate sa kaniyang ama.
Mabilis naman na dinukot ni Megumi ang cellphone sa bulsa. "Video, video, video! Teka ayaw magbukas! Video, videooo!"
Dahil ang mga na sa loob lang ng theater ay ang mga faculty members at ilan sa mga board of directors, maraming bakanteng upuan sa likod 'kung na saan sina Megumi.
'Nang makaupo sa kaniyang upuan ay pumikit si May at huminga ng malalim.
You Are My Sunshine.
Nuong kinupkop siya ng kaniyang ama ay hindi palakibo si May at hindi 'din nila ito makausap ng matagal. Lagi itong tahimik at tila pinapanuod lang sila palagi. Akala nila ay ganito lang talaga ang bata ngunit isang gabi 'nang kumuha ng maiinom na tubig ang kaniyang ama ay naabutan 'nitong nakaupo ang bata sa kama 'nito habang nakatitig sa labas ng bintana. Walang buhay ang mga mata 'nito habang nakatitig sa buwan na sumisilip sa kaniyang silid. Nahiya ang ama niya na lapitan at tanungin siya kaya hinayaan niya lang ito ngunit naulit ito at muling naulit pa.
Bumuntong hininga ang kaniyang ama at napagdesisyunan na nitong lapitan at kausapin ang bata. "May, bakit gising ka pa? May bumabagabag ba sa iyo?" Nilingon siya ng bata. Nginitian niya ito. "Nagising ba kita?" Umiling ito sa kaniya.
Tinabihan niya ito sa kama at tinitigan niya rin ang tinititigan ng bata. "Napakaganda ng buwan, hindi ba?"
Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Huminga ng malalim ang kaniyang ama. "Napakaganda ng buwan ngunit hindi ko na mahintay pa ang pagsalubong sa akin ng araw bukas. Alam mo ba na mas marami pa tayong puwedeng gawin sa umaga? Hmm, pwede tayong gumising ng maaga o ng mas maaga pa. 'Yung iba ay bago pumasok sa trabaho nila ay nage-exercise pa. 'Yung iba ay nilalakad muna nila ang kanilang mga alaga tapos mayroon 'ding iba na nanunuod ng balita o ng cartoon sa umaga. Hmm, ang ginagawa naman ni papa sa umaga ay natutulog hangga't hindi pa tumutunog ang alarm kaso nauuna akong nagigising ng mama mo kaysa sa alarm ko kaya nagbabasa 'din ako ng dyaryo 'kung hindi naman ay nanonood ng TV. Naghahanda kami sa pagpasok ng mama mo tuwing umaga, sabay na umaalis ng bahay at sa gabi habang pauwi kami ay sinusundan kami ng buwan." Napalingon ang bata sa kaniya.
"Sinusundan ng buwan?" Nakangiti ang kaniyang ama 'nang tumango ito sa kaniya.
"'Nuong na sa edad mo pa ako, tuwing nakikita ko ang buwan ay natatakot ako, akala ko kasi ay sinusundan niya ako at ako lang ang sinusundan niya. Minsan nama'y iniisip ko na may superpowers ang papa dahil laging nandiyan ang buwan kahit na saan ako! Napakagaling ng buwan at napakasayang tingnan."
"Bakit po kayo masaya sa buwan?" Hinawakan ng kaniyang ama ang kaniyang kamay at inilagay niya ito sa kaniyang dibdib. Ginawa niya 'din ang ginawa niya sa bata.
"Kapag nandiyan na ang buwan matapos ang mahabang araw mo ay parang sinasabi niya na, tama na muna, lubos na ang nagawa mo para sa kasiyahan ng puso mo at..." inilipat ng ama ang kamay ng bata sa ulo 'nito at hinaplos haplos 'nito ang buhok. Ginawa niya 'din ang ginawa niya sa bata.
"...at labis akong natutuwa sa iyo. Salamat sa iyong mga ginawa ngayon, tunay mo akong pinasaya. Sa ilaw ng buwan ay nais 'kong malaman mo na hindi nasayang ang mga ginawa mo ngayong araw dahil kahit dumilim na ay nandito ang ilaw mo para gabayan at ipaalala sa iyong nagawa mo ang dapat mong gawin sa araw na ito. Nais 'kong magkaroon ka ng isang malalim at masayang pahinga ngayong gabi habang kasama mo ako sa dilim na ito, at sasalubungin natin ang bukas ng magkasama. Iaabot ko ang kamay mo sa araw at kapag muling nagdilim ay nandito naman ako para samahan ka." Nagbaba ng tingin ang kaniyang ama sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Live The Present: My To Your Friend
General FictionLIFE ARC SERIES #1 COMPLETED. "On the verge of giving up. May was adopted by a household that treated her as their own. She felt like she belongs to the family. When her biological father died and left her to the hands of her abusive mother, she tho...