Chapter 5: Picnic

9 2 0
                                    

KABANATA V

Third Person's POV

Habang abala sina Sani, Joshiel at Richo sa kusina nina Kai ay tinabihan ni Cruz si Kai sa sofa na naglalaro sa playstation 'nito.

"Hindi pa rin ba nakakabalik sila Megumi?"

"Yeah. Nandoon pa rin sila kila Jasmine." Napailing si Cruz. Pagkarating kasi nila ay hinila agad ni Megumi si May pabalik sa bahay 'nito.

"Binigyan kasi ni ate ng napaglumaang dresses si Megumi. Ewan ko paano naging same ang taste nila sa damit ni ate pero ga'non na nga ang nangyari at dahil bibong bibo siya kay May, ayon binibihisan niya."

"They look very close. Megumi's obviously fond of Jasmine."

Inabot ni Cruz ang controller na na sa kabilang sofa at pinindot 'nito ang power button. Mabilis na napalingon si Kai sa kaniya at sinipa siya 'nito. "Hey! What are you doing?"

"Let's play together!"

"I was winning, hey!"

"That's okay. We'll just win the next round." Napaismid si Kai.

When they started playing again nagtanong bigla si Cruz. "How did you and May become friends? You are childhood friends, 'di ba. Are you close since then?"

Huminto sa paggalaw ang mga daliri ni Kai. Memories started flooding his head.

NAKAYUKO si Kai habang papasok ng eskwelahan. Ngayong araw na kasi ang alis ng ate niya para mag-aral sa ibang bansa. Kahit ilang beses niyang pilitin na huwag 'nang sumama ang ate niya sa nobyo 'nito ay hindi siya pinapakinggan ng kapatid.

Labis na malapit si Kai sa kaniyang kapatid kaya ayaw niya itong malayo sa kaniya ngunit niyaya ng nobyo 'nito ang kaniyang kapatid para mag-aral sila sa ibang bansa. Parehong nakapasa sa mga target universities nila ang dalawa kaya mabilis lang ang mga pangyayari.

Naiintindihan ni Kai na para sa pangarap ng kaniyang ate ang desisyong ginawa 'nito ngunit ayaw niyang umalis ang kaniyang kapatid kasama ang nobyo 'nito dahil simula pa lang ay hindi niya na ito gusto. Pakiramdam niya ay niloloko lang 'nito ang ate niya. Bata pa lamang siya ngunit hindi niya maiwasang hindi matakot sa nobyo 'nito. Minsan na 'ding bumagsak ang ate niya dahil sa pag-aaway nilang dalawa. Nakita ito mismo ni Kai at alam niya na walang ginawang mali ang kaniyang kapatid ngunit bakit ganito itong nasaktan at naapektuhan.

Natanggap mang muli ng kaniyang kapatid ang nobyo 'nito at hinayaan man ng mga magulang nila ang dalawa ay para sa kaniya'y hindi magiging okay ang nangyari at kahit kailan ay hindi niya ito magugustuhan.

'Nang lumiko si Kai sa corridor ay may nabangga siya. Dahil pinipilit niyang pigilan ang sarili sa pag-iyak ay halos walang lakas ang katawan niya kaya napaupo siya sa sahig.

"Ano ba kasing ginagawa mo! Natapon tuloy 'yung juice ko!" Binato ng batang nakabangga niya ng box ng chuckie si Kai kaya tumalsik ang tsokolate sa kaniyang uniform.

Nag-unahan sa pagpatak ang kaniyang mga luha.

"Anong nangyayari dito? Kai? Bakit ka umiiyak, Kai? Anong nangyari sa inyong dalawa? Tumayo ka muna diyan, Kai."

"Siya po 'yung bumangga sa akin kaya nalaglag 'yung sandwich na binili ni mommy para sa akin! Kasalanan niya po!"

"Sorry po..." Umiiyak na sambit ni Kai. "Kasalanan ko po kasi hindi ako tumitingin sa daan. Sorry po, teacher..." Hinagod ng kaniyang guro ang likod niya.

"Pumunta ka na muna sa classroom mo. Ako na ang maglilinis dito, at ikaw naman, papalitan ko na lang ang sandwich mo kaya huwag na kayong mag-away. Naiintindihan niyo ba?"

Live The Present: My To Your FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon