Chapter 24

1.5K 27 4
                                    

Chapter 24



WHAT THE FUCK?



"Ahh, yung kinuwento mo samin na naiwan ka namin sa mall tapos nakabangga mo? Tama ba?" Sabi ni Diana.



"Oo siya nga yon." Sagot ko habang nakatingin pa din kay Brad, ewan ko ba. Ang liit ba ng mundo at dito pa kami ulit nagtagpo nitong lalaking to, at talagang pinsan pa siya ni Diana?



"Sige, bahala na kayo mag-usap tutal magkakilala na pala kayo. Manonood lang kami ni Mika ng movie ah?" Sabi ni Diana habang hinihila niya si Mika papunta sa kwarto niya.



"Anong papanoorin natin?" Tanong ni Mika.



"He's Just Not That Into You ang title non, oh diba tamang tama sa'yo?" Pang-asar pa ni Diana kay Mika.



"Wow, nagsalita na naman ang babaeng to, diba tamang tama din sa'yo yan?" Sagot niya kay Diana, di na ko magtataka kung mag-aaway yan sa kwarto mamaya.



"Lianne" Agad namang nagbalik ang isip ko na may kasama pa pala ako dito, natatawa kasi ako dun sa dalawa eh.



"Uy Brad, ano gumusto mo kumain? Magbebake ako." Sabi ko sa kanya. Nakakahiya naman kasi kung puro pag-uusap lang kami, baka magutom siya diba.



Napagtanto kong makisig nga ang lalaking nasa harap ko, katamtaman lang ang kulay ng balat, sa madaling salita, gwapo nga siya.



"Uh, Lianne? Panget ba ko?" Tanong niya.



"Ha, hindi gwapo ka." Naisip ko agad ang nasabi ko kaya naman ay tinakpan ko ang bibig ko dahil sa hiya.



"Talaga? Maganda ka naman." Sumagot pa siya kaya nadagdagan tuloy ang hiya na nararamdaman ko.



"Ah sige, magbebake na ko ha. Hintayin mo nalang ako, saglit lang naman 'to." Sabi ko at agad umalis sa harap niya.



Naghanap agad ako ng ingredients dito sa bahay nina Diana, wala na naman sina Tita eh, umalis kasama si tito tska welcome kami dito ni Mika kaya kahit anong gawin namin ay pwede.




Pero, teka. Bakit pakiramdam ko ay natataranta ako kapag kinakausap niya ko? Uhm, siguro nahihiya lang ako. Baka yun nga, kung ano ano na nga nasasabi ko at hindi ko naiisip ng tama ang mga sasabihin ko. Nakakahiya tuloy yung nasabi ko kanina.

Change of Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon