Chapter 16
Jealousy
"Hoy Lianne ha! Ang dami ng nangyari, kulang na kami sa information. Ikwento mo nga lahat." Sabi sakin ni Mika. Pasukan na ulit namin dahil katatapos lang ng new year. Hindi ko na kasi sila nakasama after ng Christmas, eh di ko naman nakwento sa dami ng ginawa.
"Bakit-- Paanong si Besh at si Jacob? Paano ka? Ano meron sa inyo ni Axel?" Tanong naman sakin ni Diana.
"Dami namang tanong niyan, di ko masasagot yan ng sabay sabay." Sabi ko naman.
"Oh edi isa isa mong sagutin." Masungit na sabi ni Diana. Itong mga to talaga.
"Arranged marriage sina Besh. Ako, paano? Ewan ko. Si Axel, kababata ko lang yun." Sagot ko naman sa kanila.
"Ewan mo? Kung ako sa'yo, kay Axel ka nalang, yummy din yun." Pabiro naman ni Mika.
"MIKA! Anong yummy?" Napalakas ata tanong ko.
"Ms. Sanarez, is there any problem?" Tanong ni Ma'am sakin. Di ko napansin na pumasok na pala si Ma'am sa room namin.
"Nothing, Ma'am." Sagot ko.
"Mamaya nalang tayo mag-usap usap." Pabulong kong sabi sa mga kaibigan ko. Tumango naman sila.
"May event nga pala this month. Sports club ang nag-ayos nun. So, malamang nito ay puro laro ang gagawin niyo sa month na to." Paliwanag ni Ma'am samin. January nga pala ngayon. Ganto kasi samin pag January, laging may laro.
Si Jacob, Captain yan sa Basketball Team. Ako naman, sa Volleyball Team. Galing namin no?
"So. I won't discuss anything hanggang 3rd week ng January. bale ang classes niyo ay resume na ng last week ng January. So alam niyo na naman diba kung paano mangyayari? If hindi pa, may nakapost na sa board sa baba. Tignan niyo nalang." Dugtong ni Ma'am bago siya umalis ng room namin.
"Uy girl, sama mo kami sa first game ha?" Sabi sakin nina Mika. Ako nga kasi ang nag-aassign kung sino ang isasama, at kasama sa team ko tong dalawa kong kaibigan.
"Oo naman, ano? Saan tayo practice?" Tanong ko sa kanila. Bago kasi magsimula, magpapractice muna kami para makasigurado kami na kaya namin makipaglaban.
"Sa inyo nalang. Malaki naman bahay niyo eh." Sabi naman ni Diana. Um-oo nalang ako.
"Wala na namang klase, tara baba tayo. Tignan natin kung sino makakalaban natin." Sabi naman ni Mika. Tumayo na kami at bumaba para tignan yung bulletin board.
Sa laro kasi namin, iba't ibang schools ang makakalaban namin. For 5 years, school ata namin lagi ang nananalo. Kaya ngayon, kailangan naming manalo.
"Omg girl, Abravia University ang sa first game natin. Kaya yan. Second naman ang Arendelle University, parang ngayon lang ata natin sila makakalaban? Then sa third game ay..." Hindi na natuloy ni Mika yung sasabihin niya dahil pinutol ni Diana ang dapat sana na babanggitin niya.
"Wag mo ng banggitin! Nakakainit ng ulo." Sabi ni Diana.
Okay, meron akong hindi nasabi sa inyo. Meron kasi akong nakilala diyan sa school na yun, basta yun. Niligawan niya ko. Nagustuhan ko na siya tapos malaman laman ko nalang na dare sa kanya yun ng bruha niyang girlfriend. Gago diba? Yung babaeng yun, di niyo pa kilala. Makikilala niyo yung bitch na yan soon. Pati na din yung hayop na nanligaw sakin.
"Tss. Kaya yan, girls. Tara, punta samin. Practice tayo. Tawagin na natin yung mga kasama natin." Sabi ko sa kanilang dalawa at hinanap na namin yung mga members.
Pumunta na nga kami samin. Pagpasok ko ng bahay ay nandun pala si Mommy. Si Daddy, wala. Nasama lang naman kasi si Mommy sa mga business trip ni Daddy.