Chapter 21
Betrayal (Jacob's Side)
Jacob's POV
"FUCK. DAMN." Badtrip naman to si Lianne, di ba niya ko maintindihan?
Umuwi nalang tuloy akong mag-isa. Isa pa kasi tong mga kaibigan niya. Sana man lang naintindihan din nila ko at hinayaan nilang isama ko na pauwi si Lianne.
*rings phone*
Sino na naman kaya tong tumatawag? Aish. Wrong timing.
Si Betina.
"Hello?" Sagot ko.
"Jacob! Saan ka? Punta ako sa inyo." Tignan mo nga naman. Sabagay, wala naman akong kasama dun kaya mabobore lang ako.
"Sige. I'll pick you up later." Sabi ko. Nakakahiya naman kung siya pa papupuntahin ko dito. Ewan ko ba.
"No need. Actually I'm on my way na nga eh. Hehe." Loko din to si Betina. Tumawag pa! On the way na pala.
"Ikaw talaga. Sige ingat." Sabi ko sa kanya.
Fuck this feeling. Di ko alam kung ano na ba ang dapat kong gawin. I'm desperate. Hindi ko alam paano ako, kami ni Lianne.
Pagkapasok ko pa lang ng bahay ay napansin kong tahimik. Siguro wala sina Mommy. Business matters, as always. Okay lang samin yun, we understand.
"Goodevening po, Sir! Wala po sina Ma'am. 2 months daw po sa Singapore." Bati sakin ni Yaya Linda.
Wait. What? 2 months.
"2 months? Ang tagal naman ata nun." Ewan ko ba! Parang di naman ako nasanay.
"Opo. Sabi po ni Ma'am kanina bago sila umalis." Sagot ni Yaya Linda.
"Sige po. Salamat." Agad akong umakyat ng kwarto para mag shower.
Pagkatapos kong maligo ay agad akong bumaba para kumain.
"Sir, handa na po yung pagkain na pinaluto niyo."
"Sige salamat." Sobrang gutom ko ata ngayon ah. Bwisit kasi, puro si Lianne nalang naiisip ko.
Kumain nalang ako para kahit papano may ginagawa ako. Pag wala akong ginagawa, naiisip ko yun eh.
Hay Lianne! Bakit ba ganto epekto mo sakin? I'm madly in love with you. Damn this feeling.
"Sir, nandyan na po si Ma'am Betina." Biglang sabi sakin ni Manang.
"Baby kooooo." Sigaw niya papalapit sakin. Hay Betina, i'm sorry.
"Hi..Baby." Di ko alam kung dapat ko bang sabihin yun.
"Miss me?" She's clingy, but i'm fine with that. She's nice.
"Yep." A little.
"Tipid mo magsalita. Why?" Halata na ba?
"I'm just.. uhmm tired." Pagod na ko kakaisip kay Lianne.
"Awwww. I want to watch a movie with you pa naman. May dala akong cd eh. Let's watch nalang pls?" Stop being cute, Betina. Hahaha she's cute but still not my type. She's like a little sister to me.
"Okay, wait. I'll wash this first." Hinugasan ko muna yung pinagkainan bago kami pumunta sa living area. Not in my room.
"Anong movie yan?" Tanong ko.
"17 again." Right! Another Zac Efron Movie. She's like Lianne, si Lianne kasi High School Musical pa din ang pinapanood pag wala siyang magawa.
"Woah. Zac Efron, again. Okay okay." Pagkasabi ko nun ay bigla akong hinalikan ni Betina.
Nakita ko sa gilid na dumating na si Lianne. Oh no. Not this time.
Agad kong hiniwalay ang sarili ko kay Betina.
"Lianne---" Bigla siyang tumakbo at umakyat ng kanyang kwarto.
"Baby, maybe she's tired. Let's watch nalang." Sabi ni Betina.
"No. I need to see her first." Pero baka makahalata si Betina.
"Why?" Yung pagkakasabi niya, parang may halong pagdududa.
"Because...i can see that she's in pain. I don't know why." Nasaktan ko ata si Lianne. Malamang.