Chapter 15
Surprise
"Anong tungkol sa ating apat?" Ako naman yung nagtanong.
"Maupo muna kayo no?" Sagot naman nung isang kasama niya.
Naupo kami ni Jacob ng magkatabi.
Tahimik pa din sina Mommy. Ano ba talagang problema?"Besh, bakit kayo nandito?" Oo. Si besh yung nandito. Ang pangalan niya talaga ay Betina Fernandez.
Yung kapatid naman niyang mas nakakatanda sa kanya ay si Joseph Gabriel Fernandez.
"Iho, makinig ka sana sa sasabihin namin ng parents mo sa iyo." Hindi ako sinagot ni besh kaya't si Tita ang nagsalita at sinabi ito kay Jacob.
"Alam mo naman kung paano kami magpatakbo sa business diba. Pero we need to make it bigger para mas mapalago natin to, so we decided ,Jacob and Betina to get married." Sabi naman ni Daddy. Napanganga ako sa sinabi niya. Sila, get married? Pero--
"WHAT? No dad." Pagtutol ni Jacob.
"Whether you like it or not Jacob. Its for your own good." Sabi ulit ni Daddy.
Ngayon ko lang napagtanto na kaya siguro umuwi si Besh dito. Para ba dito? Gusto niya ba si Jacob? Kaya ba sabi niya surprise daw? Eto ba yung surprise na sinasabi niya?
Hindi ko alam paano ako magrereact. Si Besh kasi yun. Hindi ko magawang umangal dahil baka makahalata sila. Sabihin niyo ng mahina ako. pero sa ngayon oo talaga.
"But Dad----" sasagot ulit sana si Jacob ng magsalita ulit si Daddy.
"No buts, Jacob. Kilala niyo na naman sila, naging magkaibigan kayo kaya hindi na mahirap yun." Mahinahon pa din sa pagsasalita si Daddy pero alam kong gusto niyang iparating na dapat ay sundin siya ni Jacob.
Tinignan ako ni Jacob bago siya umakyat papuntang kwarto niya.
"Lianne, why don't you talk to Betina? Magkaibigan naman kayo." Nagulat ako sa sinabi ni Mommy. Yung isip ko kasi na kay Jacob pa.
"Ah yes mommy. Besh, ano? Punta tayo kina Mika ngayon?" Sabi ko sa kanya.
"Ha? Ah hindi kasi ako pwede ngayon eh. Bukas nalang." Sagot naman niya. Parang dati siya pa yung nangunguna sa ganyan tapos ngayon.
"Tska gabi na kaya Besh. Bukas ha?" Sunod niya dahil napansin niya sigurong tumahimik ako.
"Oo nga no, sige bukas ha!" Masiglang sabi ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~
"Merry Christmas Lianne and Jacob!" Bati samin nina Mommy. Christmas na kasi ngayon. Nandito samin yung mga pinsan namin.
Si Jacob, ayun. Parang wala lang yung nangyari nung isang araw, parang walang arranged marriage na magaganap.
"Merry Christmas din po." Sabi namin ni Jacob.
Mamaya nga pala ay pupunta din dito sina Mika dahil napag-usapan namin na ngayon na lang magkita dahil hindi rin naman kami natuloy kahapon.
Kasama ni Jacob yung mga pinsan naming bata. Isa dun si Kisses. Weird ng name ba? Parang chocolate lang.
Si Kisses, pinakagusto daw niya saming dalawa si Jacob kasi crush daw niya. Bata bata pa eh. Tawag niya nga kay Jacob ay LoKo. Alam niyo bakit? LoveKo daw kasi.