Hi! Pasensya nga pala kung mabagal ako mag-update ha. Sinusubukan ko po talagang bilisan kaso minsan nawawala po sa utak ko yung plot, naghahalo sa ibang story.
Pero thank you po sa mga nagbabasa.
———————————
Chapter 27
Selos
"Ang sarap naman. Talagang pinaghandaan mo pagdating ni Lianne.. tska kami pala." Sabi ni Mika habang nakatayo sa harapan namin si Brad na para bang hinihintay niya kaming magsalita tungkol sa pagkaing hinanda niya.
"Oo nga, masarap brad. Pwede ka na mag-asawa hehe." Panloloko naman ni Mika.
"Sino kaya ang maswerteng babae na yun kung sakali?" Dagdag pa ni Angelo.
"Kilala ba namin yan?" Tanong ni Diana.
"Kayo talaga, wala no!" Natatawang sagot ni Brad.
"Tss." Narinig ko naman si Jacob.
"Pero masarap nga Brad, turuan mo naman ako dito ha." Sabi ko sa kanya.
"Ha? Ah ano sige ba." Sabi niya.
"Anong--" Magsasalita palang siya eh pinigilan ko na.
"Salamat ha. Kelan ka ba pwede?" Tanong ko sa kanya.
"twing Sunday. Pero next week pwede ako ng Wednesday, ano pwede ka ba?" Tanong niya.
"Agad agad? May pinaturo na ba? Wala pa diba?" Si Jacob pa ang sumagot kay Brad, walanghiya talaga 'to.
"Ikaw ba kausap ha?" Sabi ko kay Jacob.
"Ah ano, di kasi ako pwede ng wednesday eh, sunday nalang." Sabay ngiti ko kay Brad.
"Alright, pwede ako ng sunday! So, yeah, okay. We'll see each other again on sunday." Sagot niya sabay ngiti niya.
"Sama ako ha" Singit ni Jacob.
"Uy kami din sasama." Sabi ni Diana.
"Oh sige walang problema." Si Brad na ang sumagot sa mga sinabi nila.
------
"Uy Lianne, bukas na yun ha!!" Pagpapaalala ni Mika sa araw na parating.
Mag iisang linggo na pala ang nakalipas simula nung kumain kasi sa restaurant ni Brad, ang sarap talaga ng mga pagkain dun.
Kinabukasan na nga ang araw kung kailan ako magpapaturo.
"Excited ka na ba?" Tanong naman ni Diana.
Nandito nga pala kami sa bahay namin, nasa kwarto ko to be exact. Kami lang ni Kuya Mark ang nandito sa bahay dahil umalis ang parents namin.
"Medyo, iba kasi yung lasa nung pinakain niya satin, sarap eh." Sabay tawa ko.
"Hindi kaya nagagayuma ka na?" Pabirong sabi ni Diana.
"Gayuma ka dyan, hindi no." Depensa ko.
"Ayiee, aminin na kasi. Hindi namin sasabihin kay Jacob." Sabi naman ni Mika.
Ang kulit talaga nitong dalawang 'to, pag sinabi mong hindi, hindi naman maniniwala.
"Hindi nga. Ano ba kayo, masarap lang yung pagkain, imposible namang magkagusto ako sa kanya diba, ano naman magugustuhan ko, tska may Jacob na ako kaya magtigil kayo dyan." Sagot ko.