Chapter 13

2.8K 26 0
                                    

Chapter 13

Someone



Pagkagising ko pa lang agad ay hinanap ko na ang phone ko. I want to text HER.


We need to act normal as if nothing happened lalo na't nandito na sina Mommy at Daddy.


Isang linggo na puro yun lang nasa isip namin, kung hindi ko kasama ang tropa ko ay nasa bahay lang ako kasama sina Lianne at mga kaibigan niya. Ngayon ay wala na yung mga kaibigan niya, Christmas na kasi sa makalawa.



Wait. Christmas na nga pala nun, ano kayang magandang ibigay sa kanyang regalo? I'll go to mall later.




To: Her <3


Goodmorning! :) Wake up, baby. :*



Araw araw ay ganto lang kami. Kapag may ibang tao sa paligid namin ay sa text lang kami nagiging sweet. We should be careful or we're doomed.




Ilang minuto lang ay nagreply na rin siya.


From: Her <3


Goodmorning too! I'll fix myself first. :)



Nagreply din naman agad ako sa kanya.


To: Her <3

No need, you're still pretty kahit magulo pa ang buhok mo o may panis na laway ka pa. :**




Shet. Pati ako kinikilig sa sinasabi ko. Nababading na ata ako eh. Pero syempre hindi, hangga't may Lianne, lalaki ako.



From: Her <3

Hayup ka! Sweet mo ha? Ge maya nalang.



Kita mo to, sasabihan pa ko ng hayop sa gwapo kong 'to. Pasalamat ka mahal kita eh.



8am pa lang ng umaga ngayon. Nasa baba na sigurado sina Mommy, kakauwi lang kasi nila kanina eh. Hindi nga namin sila nasundo, dapat kasi bukas pa, eh sabi nila sinurprise nila kami, Ayun nasurprise talaga. At ngayon, hindi kami handa sa pwedeng mangyari.



Habang pababa ako ay biglang tumunog ang hawak kong phone.



From: Her <3

Jacob, kinakabahan ako. So please act normal.



Ganyan yan simula palang eh. Wala siyang ibang sinabi sakin kundi kinakabahan siya, well pati ako din naman.



To: Her <3

Yes, baby. I will.



Hindi ko alam kung mababawasan ba ang kaba niya sa sagot kong ito, pero i hope so.



"Goodmorning Jacob. Nasaan ang kapatid mo? Kakain na." Nagulat ako sa bati ni Mommy, masyado na ata akong nakafocus kay Lianne ngayon kaya't di ko napansin na nakababa na pala ako.



"Sinong katext mo ha? Ang aga aga. Kumain muna kayo." Dagdag pa ni Mommy.


"Ah si Francis, Ma. Nagyayaya na naman maglaro ng basketball. Sige, Ma tawagan ko si Lianne." Pagsisinungaling ako. Well, magaling ako sa ganyan pero iba yung ngayon eh.



Sumigaw lang ako, as if naman maririnig ako ni Lianne sa laki ng bahay na 'to. Pero alam na naman niya yun at bababa na din yun.


Papunta na ko sa dining room ng makita ko siyang pababa na, ang bagal ha. Kabado yan. Kahit ako eh, kailangan lang namin mag-ingat.



Change of Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon