Chapter 20
Both Loveless
"Bwisit naman Jacob! Paikot ikot kami dito para hanapin si Lianne, kinuha mo na naman pala." Narinig kong sigaw nina Mika. Mabuti at nahanap nila ako. Di ko na kaya yung mga tanong sakin ni Jacob.
"Gago mo talaga! Alis, kami na bahala kay Lianne." Sabi naman ni Diana pagkababa niya agad ng sasakyan.
"Fuck! Fuck!" Sinipa sipa pa ni Jacob ang gulong ng sasakyan niya bago siya sumakay at umalis.
Hindi ko na talaga napigilan ang luha ko dahil sa mga sinabi niya.
"Umiiyak ka na naman! Tignan mo nga yang dulot sa'yo niyan kay Jacob!" Pinatahan ako nina Mika.
Inalalayan muna nila ko sa sasakyan. Sinabi ko din sa kanila na ayoko munang umuwi kaya dinala nila ko sa Star City.
"Siguro naman mag eenjoy ka dito?" Sabi ni Diana at tuwang tuwa din siya dahil mahilig talaga siya sa mga nakakahilong rides.
"Wag lang sa mga nakakahilong rides, Diana. Utang na loob." Sabi din ni Mika. Ayaw din niya kasi sa ganun, nakakasuka.
"KJ niyo talaga. So, mag isa ako?" Yung tanong niya, yung hindi ka makakatanggi.
"Walang hiya, Diana. Sasama na nga kami. Buset ka!" Pagmamaktol ni Mika. Di naman kasi namin matitiis to.
"Kilig naman ako, I love you talaga girls." Ayun. Tuwang tuwa na siya.
"Gago talaga niyan! MUMU eh." Sinesermonan pa din ako ni Mika. Paano ako makakalimot nito?
"Hoy babae, ano yung MUMU?" Tanong ni Diana habang naglalakad kami papunta sa unang ride.
"Maling Umasa sa Malabong Usapan. Kaya kung ako sa'yo Lianne, wag ka maniniwala dun. He's an asshole." Galit ba to si Mika? May pinanghuhugutan? Or pinagsasabihan lang talaga ako?
"May dinaramdam, Mika?" Tanong ni Diana.
"Isa pa yong kaibigan niyang si Joey! Gago din yun, Gago! gago siya." Sinasabi ko na nga ba eh.
Nasabi ko ba sa inyo na naging boyfriend nila yun? Kung Oo, sinasabi ko lang ulit.
"At bakit na naman?" Tanong ko naman. Nagkukwento kasi samin dati to na nagkakatampuhan sila.
"Break na kami! Gago siya! Landi niya. May bago agad eh wala pang 3 months. Langya, 3 month rule naman diyan. After 3 weeks ata yun eh. Walang hiya siya." Galit si Mika. Oops. Di namin alam yon ah.
"Eh tarantado pala talaga yan eh. Mabuti nalang at yung Ivan ko ay loyal sakin." Nang inggit pa tong si Diana.
"Nang iinggit ka ba? At sigurado ka bang loyal sa'yo yan?" Bitter masyado ni Mika.
"Wag niyo ko igaya sa mga lovelife niyo. Kaasar." Tignan mo to, siya tong nang iinggit eh.
"Langya! Sakay na nga lang tayo diyan ng malimutan ko yung hayop na Joey na yon." Pagmamaktol ni Mika at siya pa ang unang sumakay sa unang ride.
"GAGO KA! PAGSISISIHAN MONG PINAGPALIT MO KO. WALANG HIYA KA, SOBRANG MAHAL KITA TAPOS GANYAN KA! TSKA PLEASE NAMAN, 3 MONTH RULE, HINDI 3 WEEKS." Di ko alam kung matatawa ba ko o maaawa kay Mika eh.
"KUNG KAYA MO AGAD AKO IPAGPALIT PWES.... DI KO PA KAYA! WALANG HIYA KA. MAGPAPAGANDA KO NG HUSTO NG WHO YOU KA SAKIN PAG NAKITA MO KO." Di ko na mapigilan yung tawa ko. Yung totoo? Sino ba samin may problema?
"Hoy! Diba si Lianne ang may problema kaya natin siya dinala dito? Ikaw naman pala!" Pangloloko ni Diana.
"Pasensya ka na Lianne. Nadala lang kasi ako sa panglolokong ginawa niya." Naawa naman agad ako kay Mika. Alam kong mahal na mahal niya si Joey tapos gagantuhin lang siya? Humanda sakin yon.
"Huwag mo na siyang iyakan. Hindi siya karapat-dapat sa mga iyak mong yan. Magsisisi siya sa ginawa niya." Eto nalang nasabi ko. Wala kasi ako sa posisyon niya para magsabi pa ng iba.
"Kalimutan niyo na yan sila girls. Enjoy lang tayo dito." Palibhasa tong isang to, masaya lovelife eh.
"Tama, mag enjoy tayo kahit wala sila! Woooo." Tignan niyo to si Mika, bipolar din eh. Kanina nagwawala dahil sa inis, ngayon naman dahil sa saya.
Pero bakit ako parang di magawang magpakasaya? Kasi naguguluhan na naman ako. Tama pa ba to?
Ako mahal ni Jacob? Kalokohan. Paano si Betina kung ganun? Bestfriend namin siya, ayoko siyang saktan.
-------------
"Girls, ano nag enjoy ba kayo?" Tanong samin ni Diana habang nasa sasakyan na kami pauwi.
"Enjoy na enjoy, girl." Halata naman sa mukha ni Mika na nag enjoy siya.
"Yung isa dyan parang hindi." Sabay simangot ni Diana.
"Nag enjoy ako, ano ba! Pagod lang ako." Tumawa ako para mukhang nag enjoy kahit hindi masyado.
"Alam mo Lianne, kilala ka na namin eh. Alam namin kung masaya ka ba talaga o hindi. Pwede mo naman kaming sabihan, para saan pa ang pagiging magbestfriends natin?" Paalala ni Diana. Di ko naman nakakalimutan yun.
"Tignan mo nga to si Mika, di lang sa atin shinare. Pati na din sa mga nakasakay sa rides kanina, sinigaw ba naman." Dagdag niya. Natawa naman ako dun.
"Atleast medyo okay na ko. Nalabas ko na lahat ng gusto kong sabihin." Pinaparinggan ba ko ni Mika? Hahaha.
"Oo na. Bukas ko nalang ikukwento." Sabi ko sa kanila at natulog muna ko.
"Oo nga pala. 2 days tayong walang pasok. Dyan na kami matulog sa inyo ano?" Ayan na naman sila sa mga trip nila.
"Oo nga. Masaya yun. Dyan na kami ah? Paalam lang kami ni Mika kina Mommy." Parang di sila papayagan. Kulang nlang dito sila tumira eh.
"Mga baliw talaga kayo, oo na sige na." Di ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin.
Uhhh. Kaya ko bang pumasok? Malamang nandyan yan. Kapatid ko siya eh. Ano na naman ang mukhang ihaharap ko?
"Wag mo muna intindihin. Nandyan naman si tita kaya di ka niya masasabihan tungkol dun." Sabagay may point si Mika.
"Babalik kami agad Lianne. Medyo naubos na din damit namin diyan sa inyo eh, kuha lang kami kahit konti samin." Kuha pa eh minsan naman gamit ko na yung ginagamit nila.
"Ha? Ah o sige sige." Nawawala na ko sa sarili. Kinakabahan ako.
Papasok na ko ng bahay.. Eto na.
Bubuksan ko nalang yung pintuan namin actually. Kinakabahan ako baka nandyan siya sa baba eh.
Pagbukas ko..
"Damn." Mahinang bulong ko habang nakita ko silang dalawa, naghahalikan.
Oo si Jacob at Betina, naghahalikan sa harap ko.
-------------------------
A/N
guys sorry kung ang tagal ko mag update. kahit kasi 3 weeks palang kami sa school, medyo madami ng pinapagawa.
mag uupdate pa din naman po ako pero matatagalan lang talaga every update.
Oo nga po pala, pinalitan ko na yung name na "Nikko". Backread po kayo sa Chapter 18, hindi na po Nikko nilagay ko, baka malito kasi kayo sa mga susunod na chap kung bakit hindi na Nikko ang name.
Yun lang po. Thank you sa pagbasa kahit ang korni and lame nitong storyyyy. ❤️