Chapter 12
Hide
Siguro iniisip niyo paano ako nainlove kay Lianne? Ewan ko ba. Actually, nung mga bata pa kami, crush ko na yun. May pagka maarte man, bait naman.
Kaya ko nga siya nilalayuan nun eh, kasi kahit mga bata pa kami nun, alam kong mali yun.
Eh eto kami ngayon, may isip na talaga. Di ko din naman napigilan. wala eh, mahal ko na eh. Yun lang talaga yung problema ko, paano namin haharapin to. Sana lang hindi kami magkapatid kahit maliit yung chance.
"Oh pare, nasabi mo na pala eh. Paano kayo sa parents mo niyan?" Sabi sakin ni Ivan. Oo, nung nag-inom kami, nasabi ko na. Ayoko lang sabihin sa kanila na pareho kami ni Lianne ng nararamdaman.
"Di ko pa alam. Sana lang talaga di kami magkapatid." Sabi ko sa kanila.
Nandito kasi kami sa bahay nina Ivan ngayon. Tama na muna ang bar, baka mamaya malasing ako at may masabi na naman.
"Iba nga naman nagagawa ng pag-ibig no!!! Hayaan mo, magpepray kami na hindi kayo magkapatid, diba mga tol?" Sabi naman ni Francis.
"Oo naman, para sa inyo. Sana lang di ka one sided dyan. Baka ikaw lang may gusto, hirap yan." Sabi naman ni Joey, tawa tawa pa sila. Di kasi nila alam.
"Ewan ko sa inyo, eh kayo. Ivan, Joey. Pinopormahan niyo yung kaibigan ni Lianne diba?" Ako naman tong manloloko sa kanila.
"Oo, bakit?" Maangas na sabi ni Ivan. Aba!
"Siguraduhin niyong seryoso yan, ayokong magalit sakin si Lianne ng dahil sa mga kaibigan kong playboy." Syempre, baka magalit sakin yun at lokohin pa ng mga kaibigan ko yung mga kaibigan niya.
"Pa goodshot ka na naman, hirap yan." Sabi naman ni Francis.
"Wag ka makisali, may girlfriend ka na tol. Musta na kayo non ni Trisha?" Sabi naman ni Joey.
"Ayos lang, kahit LDR, mahal pa din namin ang isa't isa, forever na yun mga tol." Proud na proud tong si Francis. Siya lang kasi ang loyal sa tatlo kong kaibigan.
"Corny mo pre." Pabiro pa ni Joey.
"Playboy ka kasi, magpakatino ka naman kahit minsan." Sagot ni Francis.
"Pero pare, payong kaibigan lang, alam mo naman yung sitwasyon niyo. Magkapatid kayo, sa mata ng kahit kanino, bawal yan." Paalala sakin ni Francis, Alam ko yun. Kaya nga magdadasal ako na sana hindi kami magkapatid. Iba talaga pag-ibig eh.
"Alam ko yun tol, tsk. Magagawan ko din ng paraan yun." Sagot ko. Kahit maliit yung chance.
---------------
"Hoy, Tulala ka na naman ha?" Bwisit na Mika to, ginulat na naman ako. Last day na nila samin.
"Kinikilig ka pa din ba sa sinabi ni Jacob last time? Akala ko nga tutunganga lang kami dun tapos makakakita kami ng scene na ganun habang nakain, omg girl. Kilig." Sabi naman ni Mika.