Chapter 19
Kiss and Tell
"Gwapo ba?" Paulit ulit na tanong sakin nina Mika habang kinukuwento ko sa kanila yung nakilala kong guy kanina, si Brad.
"Okay lang. Bakit niyo pa ba kasi tinatanong? May boyfriend na kayo diba?" Sumbat ko naman sa kanila.
"Oo nga. Curious lang kami, malay mo yun naman pala makatuluyan mo." Sabi naman ni Diana. Lahat nalang binigyan ng meaning.
"Wag na nga natin siyang pag-usapan. Tara, nood tayo sine." Pagyaya ko sa kanila.
~~~~~~~~~~~~~~~
Last game na namin ngayon. Mabuti nalang at walang kung anong nangyayari maliban nalang sa lagi kong nakikita si Jacob at Betina na magkasama.
Si Axel din ay paminsan minsan ay pumupunta sa bahay namin at isang beses ay nakapanood siya ng laro namin.
"Lianne, last game na to. Pag nanalo tayo, gala ulit tayo ah?" Sabi sakin ni Mika bago magsimula ang laro.
Napapadalas na naman ang pag alis naming tatlo, binibigyan nila ako ng dahilan na kailangan ko daw makalimot. Sa tingin niyo ba malilimutan ko yon si Jacob kung araw araw kaming nagkikita sa bahay?
Naghudyat na magsisimula na ang laro namin. Alam niyo yung kinakabahan ako? Di ko alam kung bakit.
"Mine." Sigaw ko nung nasa may akin tumama ang bola, mabuti nalang at di nasalo ng kabilang team kaya nakapuntos kami.
Katatapos ko lang kasi magserve ng bola. Tss, sanay na naman ako. Hehe, yabang ko ba? Pero kasi favorite ko talaga tong sport na to.
Nakita kong tinira na ng kalaban ang bola. Sa kakampi ko unang tumaka ang bola at nasalo naman niya ng.. makita ko si Jacob at Betina, magkayakap sa isang side.
"LIANNE." Narinig kong sigaw ng isa sa mga kakampi ko bago ako mawalan ng malay.
---------------
"Uy Lianne! Gising na dyan. Mika, ano ba kasi nangyari? Nakita mo ba?" Naririnig ko yung nakakarinding boses ni Diana.
"Hindi nga eh. Naglalaro din kaya ako. Di ko napansin ano ba tinitignan niya." Sabi naman ni Mika.
Minulat ko na ang mga mata ko, at biglang lumapit sakin ang mga kaibigan ko.. kasama si Betina.
"Uy. Ano? Okay ka na ba? Masakit ba ulo mo?" Sabay na sabay na naman na tanong ni Mika. Nakikita ko sa gilid na nakamasid si Jacob. Oo nandito siya, pero di niya ko nilalapitan.
"Uhh oo okay lang. Medyo masakit lang ulo ko." Sagot ko.
"Ano ba nangyari sa'yo? Narinig nalang namin na sumigaw yung kakampi mo." Sabi sakin ni Betina.
"Ah wala, napagod na kasi ako siguro." Ayoko naman sabihin na nakita ko sila. Martyr ko.
"Pero okay ka na? Kaya mo na ba umuwi?" Tanong niya ulit sakin.
"Ha? Oo kaya ko umuwi, kasama ko naman sina Mika." Sagot ko. Ayokong makasabay si Jacob.
"Pero nandito naman si Jacob! Pwede namang sabay na kayo." Sabi ni Betina. Okay.
"Hindi na! Kami na bahala kay Lianne." Siguro ay nagets din nina Mika ang ibig kong sabihin.
"Oo, sina Mika na nga." Sabay ngiti ko sa kanilang lahat. Baka kasi mahalata pa ni Betina kung ano man yung meron sa amin ni Jacob.
Teka. meron pa bang KAMI ngayon? Mukhang wala na.
"Hindi na! Sabay ka na sakin." Matigas na sabi ni Jacob.
"Kulit mo, kami na nga eh." Sabi naman ni Mika kay Jacob.
"Pareho lang naman kami ng bahay, mag aaksaya pa kayo sa gas. Ako na nga." Lalapit na sana siya sa akin ng harangan siya nina Diana.
"Wala kaming pake sa gasolina, mayaman kami Jacob. Tska bestfriend namin si Lianne, kaya walang problema don." Uhh. Gandang speech nun, Diana ah?
"Tss." Napailing nalang si Jacob sa sinabi ni Diana sabay alis niya dito sa clinic.
"Oo nga pala, paano yung game?" Tanong ko sa dalawa. Sumunod kasi si Betina kay Jacob.
"Panalo tayo. Di kasi kami pinaalis ni Coach kanina kahit gusto namin umalis. Si Jacob talaga nagdala sa'yo eh, hehe." Sabay peace sign ni Mika. Wala namang kaso sakin yun.
"Ah buti naman panalo tayo." Sabi ko ulit sa kanila.
"Magaling ata kami, Lianne. So paano yun? Bukas nalang tayo aalis?" Tanong ni Diana.
"Hindi, ngayon na." Okay lang naman kasi ako
"Sure ka ba? Wala na bang masakit sa'yo?" Pag aalala ni Mika.
"Oo naman, sige na. Saan ba tayo?" Kakatanong ko palang ay hinila agad ako palabas ni Mika.
Hindi na ko pinaalis nina Mika dito sa may gate dahil kukunin daw nila yung kotse, wala man lang sumama sakin. Si Diana, sumama pa kay Mika.
"Tigas talaga ng ulo mo! Aalis ka pa?" Naramdaman ko nalang na may katabi na pala ako.
"Pake mo?" Masungit kong sagot kay Jacob.
"Tska nasaan si Betina?" Sumunod na tanong ko.
"Pakialam ko? May pakialam ako kasi baka mamaya ano pa mangyari sa'yo, si Betina pinauwi ko na. Lika na, uwi na din tayo." At hinawakan niya yung kamay ko.
Teka, gusto kong tanggalin yung kamay ko pero bakit parang gustong gusto ko na holding hands kami? Lianne, ano ba! Wag kang lumandi ngayon.
"Bitaw." Matigas kong sabi.
Pero hindi pa din niya binibitawan yung kamay ko habang papunta kami sa sasakyan niya.
"Bitaw sabi eh." Maawtoridad kong sabi. Baka mamaya ay hinahanap na pala ako nina Mika.
Walang pasintabing hinalikan niya ko, sa labi. Hinalikan niya ko! Hinalikan niya ko. Pero...
*slap*
"Jacob" Sigaw ko sa kanya.
"Bakit mo ginawa yun?" Sunod kong tanong.
"Fuck, Lianne. Mahal nga kita! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo yon?" Natahimik ako sa sigaw niya.
"Ano?" Parang gusto niyang may sabihin ako.
"Lianne naman! Ikaw lang talaga. Pero bakit pakiramdam ko pinagtutulakan mo ko kay Betina?" Di ako makasagot.
"Mahal mo pa ba ko?" Gusto kong mag-isip sa tanong niya. Nakapangako na ako kay Betina.
"Hindi..."
"Hindi na pwede, Jacob." Sagot ko sa kanya. Umiiyak na pala ako.
"Anong hindi pwede?" Tanong niya ulit sakin at nilapitan pa ko.
"May nasasaktan at masasaktan tayo, Jacob. Naiintindihan mo ba yun?" Sabi ko sa kanya.
"Wala akong pakialam dun, basta mahal kita, Tapos!" Parang may galit sa pagkakasalita niya.
"Pero hindi na talaga pwede." Ayoko kasing masira ang pagkakaibigan namin ni Betina.
"Pero mahal mo pa ba ko?" Tanong niya. Anong isasagot ko?