Epilogue

559 15 5
                                    

Epilogue

Eternity

I grow up to be responsible as my father was strict ever since. Being the oldest and a man I always carry my responsibilities on my shoulders. Lalo pa at dalawang babae ang mga kapatid ko. Ginagawa ko kung anong gusto ni Daddy pero hindi lahat, as long as it will benefit me too and everyone else.

Kaya noong sinabi niya na papakasalan ko si Helene, hindi ako tumanggi. He said it will help our business and told me it won't be soon anyway. Kailangan lang namin ma-engaged just to make sure we're both serious about. Hindi ako tumanggi dahil wala namang mawawala sa akin. I don't have a girlfriend and never feel anything towards anyone.

Helene is a friend of mine. Dahil malapit ang pamilya nila sa amin, malapit din ako sa kaniya kaya hindi ko nakitaan ng problema iyon. She's about my age, and an only child. She's cool about the engagement so I didn't worry about anything.

"You'll get married, let's say twenty-six?" sabi ni Daddy nang dumating ako galing school.

Kakatapos lang nilang mag-usap ni Tito Willian, Helene's Dad. Sa obserba ko, gustong gusto niya iyong idea nang pagpapaksal namin. Wala rin namang problema sa akin.

"Helene and I still need to talk about that. When she's ready."

Tumawa si Daddy at tumango tango. He patted my shoulder and looked at me.

"That's good. You need to know what she wants."

Tumango lang ako at pumanhik na sa kwarto. That's my plan, Helene should decide because I'll just follow whatever she wants. Hindi naman mahirap iyon para sa akin. Or so I thought.

Everything was fine and planned. Matagal pa naman ang pagpapakasal dahil pareho pa kaming bata ni Helene. We focused on studying, para na rin sa business. Magkaiba kami ng university na pinasukan dahil magkaiba kami ng gusto. Ayos lang naman iyon. I trust her and she trust me too. The truth is I couldn't care less.

She's a friend of mine but I never had felt more than that. So, the thought of her dating someone didn't bug me, kahit pa hindi naman niya iyon ginawa. We will end up together anyway. Iyon ang nasa isip ko habang nagaaral. Lahat din ng plano ko, para doon. I would be married at twenty-six or so, I'll have family and I'll handle the business.

Ni minsan hindi pumasok sa isip ko ang ma-distract, lalo na sa ganitong bagay.

"Hi, Giovan!"

I looked up only to see the same girl yesterday. Una ko itong nakita, kasama ni Jared. Akala ko noong una girlfriend niya pero narinig kong tinawag niyang Kuya kahapon, wala naman din akong pakialam. Hindi ko lang alam kung bakit sulpot siya ng sulpot sa harap ko. Hindi ko siya binigyang pansin.

"So, madalas ka talaga dito?" salita niya pa.

I keep my eyes on my book. Hindi ko na mabasa iyon dahil ang ingay niya.

"I never really go here. Well, not by choice. So far kasi. Ikaw? Sipag mo maglakad."

I simply sighed. Hindi ko naman tinatanong. The metal on the strap of her bag makes a loud sound. Pinagmasdan ko siya when she simply said sorry and looked around, nang ibaling niya ang mata sa akin ay mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"What's that you're reading ba?"

Wala. Wala na akong mabasa dahil wala na akong maintindihan.

"Is that physics? I hate physics."

I sighed and looked at her. Ngumiti lang siya sa akin. She's... beautiful I'll give her that but she's loud and annoying me right now.

"Why?" she asked.

Love and Trigger (Macimilian Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon