(Revised)
"Wala kang konsensya!" Kumakain ako sa kusina ng biglang sumulpot si Jirah. Naroon siya sa may counter habang nag sasalin ng tubig sa baso. Napansin ko na nag pagupit siya ng buhok medyo maikli na ito.
Hindi ko nalang pinansin dahil ayaw ko ng gulo, lalo na at nakain ako. Sa kasamang palad ay sumulpot naman ang demonyitang ito.
Mag isa ako kumakain, minsan ay pinasasabay ko si Aling Soledad saakin at ang isa pa naming kasambahay na si Abigail. Kadalasan akong magisa kumain. Well, wala namang kaso saakin iyo dahil kahit nung bata ako ay sanay akong hindi kasabay ang pamilya ko kumain.
Talagang iniiwasan ko din ang pag kakataong mag kakasabay kami kumain, dahil alam kong iprepressure lang nila ako. Nag kakasabay lang kami kumain kapag may bisitang kakausap sa parents ko tungkol sa mga business. Nag papanggap lang kaming masayang pamilya habang nagaganap ang ganung klaseng kuminikasyon. Pag katapos nun ay mag hihiwalahawalay muli.
Sanay na ako na palaging loner dito sa bahay, dahil wala din naman madalas ang parents ko dito. Kahit naman andito sila ay mag isa lang ako. Hindi ko nais na makasama sila sa iisang lugar lang kaya pilit akong lumalayo.
At mukhang walang kaso naman iyon sakanila. Sa katunayan ay parang mas masaya pa sila kapag wala ako sa paligid nila sapagkat napag tutuonan nila ng pansin ang mahal na prinsesa na walang iba kung hindi si Nayumie Jirah.
Tapos sasabihin nila na lahat ginawa nila para saakin? Nakaya wala lagi ang atensyon nila saakin kase nag tratrabaho sila para saakin? Paano nila nagagawang sabihin saakin ang kasinungalingang iyon habang ako ay pinapanood silang ibigay lahat ng atensyon sa pinsan ko?
Hindi niyo man ako maiintindihan, pero sa totoo lang ang unfair. Ako yung anak eh. Bakit yung atensyon ay nasa ibang taong nag papanggap na napakabait sa harap nila?
Bumalik ako sa reyalidad ng mag salita muli si Jirah.
"Bakit kase hindi ka nalang lumayo kay Zack? Umaasa ka siguro na gusto ka din niya 'no?As far as I know meron na ulit siyang girlfriend ngayon." parinig pa niya habang binabalik ang pitsel sa ref.
Hindi ko pinagtuonan ng pansin ang sinabi niya, dahil
alam ko naman na hindi agad mag gigirlfriend si Zack dahil nung isang linggo lang sila nag break ni Brian. Sa nakikita ko ay wala ng interes sa mga ganyan si Zack simula ng mag break sila."Wala akong panahon para makipag talo sayo, Nayumie!" sabi ko, narinig ko pa ang tawa niya na mas lalo kong kinainis. Sa totoo lang ay nag titimpi nalang ako dahil may kaharap akong pagkain. Ayaw kong maging bastos sa harap nito.
"Hindi ako nakikipag talo sayo, Hale. Nag sasabi lang ako ng totoo! At kung umaasa ka na nagugustuhan ka ng taong gusto mo, nag kakamali ka tignan mo nga nung nag break sila ni Brian, ay nag hanap siya ng ibang girlfriend kahit alam niyang may gusto ka sakaniya. Kahit saang anggulo hinding hindi ka magugustuhan ng mga taong gusto mo! Look pati mga magulang mo sinasaktan ka! Well, you deserve it naman." sarkastiko pa siyang tumawa. Sa sinabi niya ay nag init ang ulo ko. Lumapit siya saakin ng nakangisi.
"You're unwanted!" pag kasabi niya noon ay isinaboy niya saakin ang tubig na hawak niya kaya napatayo ako.
Ano na naman bang problema ng babaeng to?
"What the hell?" tanging nabanggit ko. Sinamaan ko siya ng tingin.
Sumusobra na ang babaeng 'to. Sa oras na may gawin ka pa ngayong ikaiinit ng ulo ko, gagantihan kita, Jirah.
"Oh, I'm sorry." nag kunwari pa siyang nagaalalang tumingin saakin bago ngumisi. Nilampasan niya ako at sinagi ang balikat ko. Hinayaan ko siya. Huminga ako ng malalim. Mag aayos na sana ako ng pinag kaininan ng mag salita siya.
YOU ARE READING
Our Hearts Desires (Under Revision)
RomanceAng pag kakaibigang masisira ang pagsasamahan dahil sa maling pag-iibigan. Isang babae ang mahuhulog sa taong hindi niya dapat iniibig, at isang lalaki naman ang tuluyang nahulog sa pagibig na hindi niya na dapat ipinilit. The two are both broken wh...