AN: Hello! Goodmorning sa mga pinuyat pero hindi jinowa jan. Same sizzumss XD
[Where are you?] my brother asked.
[Jervis's house. Why? We spend our New Year here. What about you? Where are you 'po'?] diniinan ko pa yung salitang 'po' dahil baka sa oras na mag kita kami ay pingutin na naman niya ang tainga ko.
[Kasama mo sila Zyreen?] tanong niya uli.
[Yes, ofcourse. Yung pa ba ang mawala?] napairap ako dahil hindi talaga pwedeng mawawala si Zy sa lahat ng gala ng circle namin. Kapag hindi siya pinapayagan ng parents niya ay hindi na din kami tutuloy sa plano. Ganun siya ka special!
[Text me if you're going home na. I'll fetch you. Take care, Hale.] sabi niya hindi na ko nakasagot dahil pinatayan niya ako ng tawag. Medyo bastos din eh.
"Hoy! Sino yun ha?" tanong ng babaeng nakaupo habang kumakain pa ng chichirya. Nagawa pa niyang ituro ang phone ko habang nakangisi. Si Callisha.
"Big bro." sagot ko, napaayos siya ng upo at nakangiting tumingin saakin.
"May jowa na ba kuya mo?" deretsahang tanong niya kaya nahampas ko ang kamay niyang ngayon ay nakahawak na sa may upuan ko.
"Hoy! Mag tigil ka nga dyan. May jowa ka na!" suway ko sabay sulyap kay Shan na mukhang wala namang naririnig. Kasama niya ngayon si Ztian at Jervis.
"Tanga! Hindi naman para sakin oy! Para sa Ate ko. Mukhang tatandang dalaga eh. Mabait yun hindi lang halata." sabi niya at humalakhak
"Grabe ka naman mag compliment, may kasamang lait."
Hannah Erikatrina Fortalejo. Hazel Callisha's sister. Nakita ko na siya before. Pero matagal naman na iyon. Simple but Elegant. Mestiza, Mahinhin, at tahimik. Magandang babae ang ate ni Calli, hindi ko matatanggi na bagay sila ni Kuya.
"Guys, suggest nga kayo ng joke." maya maya ay sabi ni Zy habang nakangiting nakatingin sa cellphone niya.
"Gusto mo ng joke? Basahin mo yung mga text at chats sayo ni Vince noon." aniya ng nakangising si Zack at tumabi kay Zyreen na ngayon ay masama na ang tingin sakaniya.
"Gago ka? Kunti nalang masasakmal na kita dyan!" Zy cursed, tumawa lang si Zack.
"Grabe ba." aniya naman ni Clyde na kanina pang tumatawa.
"Sino ba iyang ka chat mo na 'yan, Zy?" tanong ng nanay ni Jervis. Tumabi pa siya kay Zy para tignan ang phone nito.
"Yan, tita oh. Pogi diba? Kilala mo po?" kinikilig pang tanong ni Zyreen na akala moy nabudbudan ng asin. Ang nanay naman ni Jervis ay gulat na nakatingin sa cellphone ni Zy.
"Pamilyar. Jusko kang bata ka! Napakatanda niyan para saiyo! Alam mo ba kung ilang taon na iyan?" pinandilatan ni tita si Zy na nakanguso ngayon. Napatingin naman kaming lahat kay Zyreen.
"38 years old na ang lalaking iyan. Humanap ka nga ng matinong makakausap, hija. Susmaryosep na bata ito." aniya ni tita kami naman si Jervis naman ay natawa.
"Age doesn't matter inlove naman, tita. Atska---" hindi na natuloy ni Zy ang sasabihin niya ng sitahin siya ulit ni Tita Jeraldine.
"Age doesn't matter is only applicable sa mga adults ah. Kaya sainyong mga minors jan, wag kayong pumatol sa mga legal age na." sermon ni tita saamin at isa isa pa kaming tinignan. Natameme naman kaming lahat.
"Pero tita, hindi naman na kami minors eh. Legal age na din naman kami ah?" sumimangit si Zy. Si tita naman ay napahawak sa sentido niya na animoy sobrang stress ang dala dala niya dahil kay Zyreen.
YOU ARE READING
Our Hearts Desires (Under Revision)
RomanceAng pag kakaibigang masisira ang pagsasamahan dahil sa maling pag-iibigan. Isang babae ang mahuhulog sa taong hindi niya dapat iniibig, at isang lalaki naman ang tuluyang nahulog sa pagibig na hindi niya na dapat ipinilit. The two are both broken wh...