Chapter 12
"Okay ka na?" tanong ni Iyan.
Nandito ako ngayon sa bahay nila. Kanina kase ay dumating din sila sa Hospital. Kasama niya si Shan nagulat pa kami ng makitang kasama din nila si Nash.
Nang makita niya ang lagay ko kanina ay dinala niya ako rito.
Tipid akong tumango. Umangat ang tingin ko sakaniya nang mag lahad siya ng baso saakin.
"Drink." saad niya bago nag iwas ng tingin.
Whats with him?
Bumuntong hininga muna ako bago kinuha 'yon at inumin. Tumanggi ako kay Iyan kanina nang sinabi niyang iuuwi niya ako sa bahay kaya ngayon ay dito niya ako sa bahay nila inuwi.
Si Soji at Callisha naman ay pinilit na din akong sumama kay Iyan dahil walang mag hahatid saakin pauwi. Inabot na rin kase kami ng dilim sa hospital kanina. Dumating rin si Clyde kaya kampante ako na makakauwi si Soji ng ayos. Si Callisha naman ay kasama si Ate Hannah.
Alam kong masyadong madali ang pangyayari. Nakakabigla. Ngayon, gusto ko munang makausap si Ztian tungkol sa mangyayari saamin.
"Akala ko ba ay hindi ka sangayon sa idea na ikakasal tayo? Bakit hindi mo pinigilan ang mga magulang mo?" mahinang tanong ko, ramdam ko ang pag lingon niya saakin. Nagulat pa ako ng umupo siya sa tabi ko.
"Ikaw? May iba ka rin namang gusto hindi ba? Bakit hinayaan mo ring matali sakin?" he asked, staring at me.
"I have no choice. Pag magulang ko na ang nag desisyon, wala na akong magagawa 'kung hindi ang sundin ang gusto nila." I answered. Lumimgon aki sakaniya dahilan para mag tagpo ang paningin naming dalawa. Hindi ko na namalayan na nagtititigan na kami. Ako na ang umiwas ng tingin dahil bigla akong nakaramdam ng pagkailang.
"Love me, Hale." he said that made me stunned for a second.
Ano raw?
"Learn to love me, Hale. Hayaan mo ang sarilo mong makalaya sa pag kakakulong mo sa nararamdaman mo para kay Zack." sabi niya mas lalo akong napatunganga sakaniya. Mukhang seryoso naman siya. Pero nagulat ako. Alam niya
"Ano--? I m-mean, paano mo nalaman?" halos utal na tanong ko. "Yung kay Zack." ngumiwi naman siya at mahinang tumawa. Napatitig ako sa mukha niya.
"It's pretty obvious, Hale. Hulaan ko pati si Zack nahahalata 'yon." tawa niya, pinigilan ko ang sarili ko na batukan siya dahil hindi naman kami ganun ka close. Pero actually, komportable ako sa presensya niya.
"Ayaw mo bang mag pakasal saakin? Ang gwapo gwapo ko oh," tumawa siya nang aasar na nakatingin saakin.
Napatitig ako lalo sa mukha niya, hindi matatanggi na may itsura si Iyan. May kaputian, matangos ang ilong, may magandang mata, may makapal na kilay at mapupulang labi. Ang buhok niya messy at medyo may halong brown color. Malakas din ang dating ng isang 'to.
"Baka mag sawa ka." napabalik ako sa reyalidad nang mag salita siya. Ako naman ay nahihiyang nag iwas ng tingin.
"Siguro, ako talaga crush mo 'no? Gusto mo na bang ikasal sakin?" patuloy siya sa pang aasar.
"Alam mo, ayos lang naman sakin mag pakasal eh, pero kung sayo? Salamat nalang sa lahat." inisimiran ko siya dahil mukhang nang eenjoy na siya sa kakaasar saakin.
Ngumisi naman ang peste. "Wala ka namang choice." Inilapit niya ang mukha niya saakin dahilan para magulat na naman ako sakaniya. Kasabay ng paglapit lapit niya ay pag urong naman ng ulo ko.
Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko na siguradong kagagawan ng taong nasa harap ko ngayon.
Ano bang ginagawa ng isang 'to?
YOU ARE READING
Our Hearts Desires (Under Revision)
Любовные романыAng pag kakaibigang masisira ang pagsasamahan dahil sa maling pag-iibigan. Isang babae ang mahuhulog sa taong hindi niya dapat iniibig, at isang lalaki naman ang tuluyang nahulog sa pagibig na hindi niya na dapat ipinilit. The two are both broken wh...