Kadadating ko lang ng bahay, at sa kamalasmalasan ay sumalubong agad ng magulang ko sa sala. Kasama pa ang nag mamagandang bruha kong pinsan.
"Tataas lang ako." paalam ko pero pinigilan ako ni Mommy.
"May importante kaming sasasabihin, Hale." mahinahong sabi niya kaya nagulat ako. Anong nakain nito?
"What is it?" tanong ko. Nag katinginan pa sila ni Dad na seryoso lang ang tingin. Tumingin din sila kay Kuya.
"You're going to marry my friends son." Sabi niya na ikinatunganga ko. Tama ba ang narinig ko?
Mag papakasal ako sa anak ng kaibigan niya? Sira na ba ang bait niya?
"Ano?" di makapaniwalang tanong ko.
"Hale, you need to marry him for the sake of our company." Aniya pa na parang ipinapaintindi nila saakin kung gaano sila katanga at napabayaan na ang kompanya.
"How about me? Do you care about me? You just surrender my freedom, Mom! Paano naman ako? Paano naman ang kagustuhan ko?" medyo inis na natanong ko. Natigilan naman sila. Napatingin ako kay Jirah na seryoso lang din ang tingin.
Gusto kong umiyak! Nasira lahat ng plano ko dahil sa punyetang kasal na ito. Bakit pati yung mga bagay na kailangan ako dapat ang nag dedesisyon ay pinakikialaman nila? Sila ba ang nag mamahal?
"Bakit? Wala na ba kayong ibang paraan na maisalba yang kompanya niyo at pati ang kalayaan ko ay kinapitan niyo?" umiiyak na na sabi ko.
Hindi ko kaya. Ayaw ko ng ganito. Ayaw kong umiyak sa harap nila. Ayaw kong makita nilang mahina ako.
"Hale, calm down." si mommy.
I laugh sarcastically "How can I calm down? Kinukuha niyo na ang kalayaan ko na mag mahal eh!"
"Hale." hinawakan ni kuya ang braso ko pero sinagi ko yun.
"What?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Pati ikaw payag ka sa plano nila?" I hissed. "Alam mo na ba ito?" umiling naman siya.
"Wala akong alam, Hale." sagot niya. Nakontento ako sa sagot niya kaya nilingon ko ang tatlong taong naging dahilan ng pagiging miserable ng buhay ko.
"Hindi ako mag papakasal sa kung sino man yang lalaking yan. Hindi ko isusugal ang kalayaan ko para lang sa kasiyahan niyo." totoo naman, sa pera lang sila may pake. Kaya nga nagawa nilang isugal ang sarili nilang anak para ma salba ang kompanya nilang palubog na. Yung kompanyang sinasabi nilang itinayo nila para sa kinabukasan ko.
Hindi ko naman inakalang ako rin pala ang mag sasalba sa bagay na ako dapat ang isasalba.
"Hale, Anak. Halika dito." akmang lalapit si mommy saakin pero pinigilan ko siya.
"Huwag kang lalapit." umiling ako. Nakakaramdam ako ng kaba sa tuwing lalapit sila saakin. Pakiramdam ko ay sasaktan nila ako.
"Anak, halika. Pag usapan natin 'to. Kung natatakot ka, wag kang mag alala at hindi kita sasaktan." malumanay na sabi niya. I smiled bitterly.
Pinunasan ko ang luha ko at hindi makapaniwalang tumingin sa babaeng nag babalat kayong anghel.
"Hindi sasaktan? Hindi bat dun ka naman magaling?" then one blink of my eye nakatagilid na ang pisngi ko. I feel numb.
Ano bang aasahan ko kapag sumagot ako diba?
"Ikakasal ka sa ayaw at sa gusto mo, Hale." malamig na boses ng aking ama. Napatingin ako kay kuya ng bigla niya akong hilahin sa tabi niya. Masama ang tingin niya kay daddy.
"Asaan ang konsensya mo at pati sarili mong anak ay nagagawa mong saktan?" mariing tanong ni kuya. Ngayon ako nakaramdam ng matinding tensyon. Ngayon lang sila nag away.
YOU ARE READING
Our Hearts Desires (Under Revision)
RomanceAng pag kakaibigang masisira ang pagsasamahan dahil sa maling pag-iibigan. Isang babae ang mahuhulog sa taong hindi niya dapat iniibig, at isang lalaki naman ang tuluyang nahulog sa pagibig na hindi niya na dapat ipinilit. The two are both broken wh...