Chapter 13
Napabuntong hininga ako habang tinitignan ang sarili sa salamin. Nakasuot lang ako ng puting fitted na tshirt at fitted pants. Nakalugay rin ang buhok ko. Nag lagay ako ng light makeup para hindi halata na pugto ang mata ko.
Pupunta ako ngayon sa burol ni Anastasia. Nag pag pasyahan nila na Iburol siya sa bahay nalang nila.
"Hale? Iyan is wating down stairs." napalingon ako kay Mommy na nasa may pintuan na pala. Naalala kong sabay nga pala kaming pupunta ni Iyan.
Dinampot ko ang sling bag ko at tsaka sumunod na rin kay mommy pababa.
Nakita ko si Iyan na nakaupo sa sala habang nililibot ang paningin. Natigil lang siya ng makita ako.
"Lets go?" aya niya agad pag kababa ko. Tumango lang ako sakaniya.
Si mommy ay kasabay sana namin, pero ang sabi niya ay susunod nalang daw siya dahil hindi pa nakakaalis si Daddy. Si Kuya ay umalis ng maaga si Jirah naman ay wala rito.
Mabilis rin naman kaming nakarating sa bahay nila Ana. Pinagbuksan ako ni Ztian ng kotse bago ako bumaba.
"Sa pag kakaalam ko, bawal daw iburol pag nag pakamatay." mahinang sabi ni Iyan habang nag lalakad kami papasok sa bahay nila Ana. Siniko ko naman siya dahil baka may makarinig sakaniya.
Binati agad kami ni Tita ng makita niya kami. Malungkot niya pa akong niyakap. Bago kami inaya na maupo sa loob. Sinamahan ako ni Iyan na silipin ang kabaong pero wala pang ilang minuto ay niyaya ko na siyang ma upo. Sumisikip ang dibdib ko parang kahit anong oras ay tutulo ang luha ko.
"Hale," pareho kaming napalingon ni Iyan ng bigla akong yakapin ni Callisha.
Umiiyak siya. Nasa likod niya si Ate Hannah at hinahagod ang likod ng kapatid. Naroon na din si Soji at Zy sa tabi ni ate Hannah. Malungkot nila akong nginitian bago sabay sinulyapan si Anastasia.
Maya maya pa ay medyo kumalma na si Callisha, sabay rin silang pumunta kay Ana. Karamihan saamin dito ay nakaputi.
I was shocked when Tita April touched my shoulder she looked at me with her dump eyes and ordered me to follow her. Nag paalam muna ako kay Ztian bago sumunod sakaniya.
"Tita.." I called when she stoped walking. Nandito kami sa taas ng bahay nila malapit sa kwarto ni Anastasia. Sa labas ng mga kwarto ay meron pang mga sofa at mga kunting kahoy na drawers.
She took something from one of the drawers there and faced me. She silently handed me the four envelopes.
I took it from her. There is a name written on the envelope indicating to whom it should be given.
"I saw it on her room last night. Isa diyan ay para sayo. Ang tatlo ay ikaw na ang mag bigay kay Callisha, Soji, at Zyreen." she looked away and wiped her tears.
"Salamat sa pagiging parte ng buhay ng anak ko, Hale." she said hoarsely. Instead of reading the letter Anastasia wrote for me, I went to her mom and embraced her tightly.
"Hush now, tita. Anastasia will not be happy if she sees you crying because of her." I caressed her back as I stoped myself from crying.
This is so hard. It must be so hard for Tita April. I don't know what made Anastasia do that but I understand her. The world became cruel to her.
"Pinipilit ko naman eh, pero hindi ko talaga kaya, Hale. Sobrang sakit mawalan ng anak." She whispered, still hugging me.
"Tita April.." natigil lang kami ng may babaeng tumawag sakaniya mula sa likod.
She's Ana's cousin. Her hair are short she's also wearing a glasses.
"Tawag na po kayo nila Mommy." ani babae. Tita April nodded and looked at me.
YOU ARE READING
Our Hearts Desires (Under Revision)
RomanceAng pag kakaibigang masisira ang pagsasamahan dahil sa maling pag-iibigan. Isang babae ang mahuhulog sa taong hindi niya dapat iniibig, at isang lalaki naman ang tuluyang nahulog sa pagibig na hindi niya na dapat ipinilit. The two are both broken wh...