Chapter 8

46 13 14
                                    

"Gandang bunga ah," mapait akong nguniti at pinigilan ang mga luhang alam kong kahit anong oras ay tutulo na.

Ano ba kaseng samang elemento ang sumanib saakin at sinundan ko pa si Nayumie?

Kanina habang nag aalmusal ay napansin ko na nag mamadali ang babae, kaya sinundan ko siya, na sana pala hindi ko nalang ginawa.

Akala ko pa naman ay magiging masaya ang araw na 'to.

Nag kamali na naman ako.

I saw my cousin with the person I love..

Zack.

Obviously, may relasyon sila. Nang makarating palang si Nayumie kanina ay nag yakapan sila, kung paano tumingin si Zack sakaniya, kung paano niya maingat na hawakan si Nayumie ay halata namang may relasyon silang dalawa.

Bakit hindi ko alam 'to? Kahit minsan ay hindi ko maisip na mag kakaroon sila ng relasyon.

Nandito ako ngayon at nakaupo sa may bench, medyo malayo sakanila.

I'm wearing a jacket and a cap. I also wear a mask, kaya kampante ako na hindi nila ako makikita. Kung makikita man ay sigurado akong hindi nila ako makikilala.

"Tang'na! Bakit hindi ko man lang yun napansin?" I cursed because of frustration.

Ito ba yung sinabi saakin ni Nayumie noon na may bago na si Zack? Sarili niya pala ang tinutukoy niya ng mga panahong iyon.

Siya pala yung bago.

Hindi ko mapigilang mag isip, bakit parang ang bilis naman ata? Kabrebreak lang nila ni Brian.

Muli ko silang sinulyapan at sa huli ay agad ring nag iwas ng tingin. Para akong dinudurog ng tignan kung gaano sila kasaya. Kitang kita sa mga mata nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

Masama ba akong kaibigan at pinsan?

Dahil sa mga oras na ito ay wala akong maramdamang saya at tuwa para sakanilang dalawa.

I feel betrayed.

Alam ni Jirah na gusto ko si Zack. Pero Naiintindihan ko naman kung hindii sabihin ang bagay na yun dahil malinaw naman na hindi magandang relasyon naming dalawa.

Pero hindi ko maunawaan kung bakit hindi nabanggit ni Zack saamin ang bagay na 'to. Alam niya lahat ng pinagdadaanan ko at lahat ng ginawa saakin ni Nayumie.

Alam niya rin kung paano ang pakikitungo saakin ng pinsan.

Natawa ako dahil ang bitter ko ngayon.

I was jealous of someone who was not even mine.

Umalis na ako doon dahil hindi ko na nagugustuhan ang view. Sinasaktan ko lamang ang sarili ko.

Habang nag lalakad at tumutulo ang luha ko. Alam kong mukha akong tanga dito pero hindi ko mapigilan. May kung anong kumurot sa dibdib ko dahilan para manikip ito. Malapit na ako sa may dagat kaya dun nalang ako nag tungo para tumambay.

Tinanggal ko ang sumbrero ko at naupo sa buhanginan at doon umiyak. Niyakap ko ang dalawang tuhod ko at doon umubob. Para akong batang nag tatampo dahil hindi binigyan ng candy.

Siguro nga tama sila, na 'It's better to show your love from afar', basta nakikita mo naman na masaya yung taong mahal mo, kahit hindi sayo. Okay na. Makuntento ka.

Kahit masakit, kung masaya naman siya diba? Yun naman yung mahalaga.

Why I didn't take the risk before? Now, I lost a chance.

Sana ay pinakinggan ko yung payo ni Callisha saakin noon, sana sinabi ko na yung nararamdaman ko noon palang, kahit hindi kami pareho atleast wala akong pag sisisihan sa huli.

Our Hearts Desires (Under Revision)Where stories live. Discover now