Chapter 9

50 14 14
                                    

Uuwi na sana kami ni Zyreen pero niyaya pa siya ni Zera na mag laro sa time zone. Sumama nalang ako sakanila dahil ayaw ko pa rin naman umuwi.

Zera is just on her second year highschool. Grade 8 palang siya.

Papunta kami ng timezone ng muli naming makita sila Callisha at Ate Hannah. Nagulat pa kami kase kausap ni Callisha si Shan habang si Ate Hannah ay nakatayo roon pero malayo layo sakanila. Hinihintay niya si Callisha. Aalis na sana kami pero biglang lumingon si Ate Hannah. Ngumiti siya at kumaway, kumaway din kami at hinila ako ni Zy papunta sakanila.

"Okay na sila?" si Zy, tanong niya yun kay Ate Hannah lumingon naman siya sa kapatid na kausap ang nobyo bago tumingin muli kay Zy.

"Bigla nalang sumulpot si Shan, he wanted to talk to my sister. Mukhang gusto rin naman ni Hazel kaya hinayaan ko na, I now mahalaga ang communication. Mag usap lang sila at maayos nila 'yan." sabi niya. Halata kay ate Hannah ang pag aalala niya kay Callisha napangiti ako, alam kong hindi niya pababayaan ang kapatid niya. Naalala ko tuloy si Kuya sakaniya. Natigilan ako bigla.

Napatingin ako kay ate Hannah, she's beautiful, perpekto ang mukha niya. Sa pag kakaalam ko ay marunong siya kumanta at nag baballet class din siya mga panahon na nag aaral pa siya.

She's 26 years old already, isang taon ang tanda ni kuya sakaniya 27 na si kuya. Napangisi ako at may kalokohang naisip. Pero tumigil rin dahil pakiramdam ko ay may nagugustuhan na si kuyang babae.

Pakipot pa ang isang yun, alam ko naman na may ka something na siya.

"Una na kami, ate. Ikaw na bahal kay Callisha kakamustahin nalang namin mamaya." Paalam ni Zy. Tumango at ngumiti naman si ate Hannah at nag paalam na saamin.

"Ganda ng ate ni Callisha 'no?" sabi ni Zy ng makalayo kami "Walang wala si Callisha eh," biro niya. Parehong maganda si Callisha at Erikatrina ang pinag kaiba lang ay Morena si Callisha bumagay naman yun sakaniya habang maputi naman si ate Erikatrina.

May parte sakanila na nakakaintimidate, noong una kong nakita si Callisha ay akala ko pa ay mataray at maldita pero kabaliktadan ang personality niya. Mabait at malakas ang trip ng babaeng yun. Ganun din ang unang impresyon ko kay Ate Hannah, malakas ang aura nilang mag kapatid, kitang kita sa mga tindig nila na may dugong kastila.

Si Ate Hannah, palaisipan parin saakin kung saan ko siya unang nakita. Basta ang alam ko hindi dahil kay Callisha ang una naming pag kikita.

****

Umuwi na din ako kaagad pag katapos namin mag laro sa timezone pinilit kase kami ni Zera na makilaro sakaniya kaya wala kaming nagawa ni Zyreen.

Pag karating ko sa bahay ay nakasalubong ko pa si Kuya mukhang nag mamadali at paalis siya.

"Saan punta mo?" hinarangan ko siya.

"Bakit ngayon ka lang?" tumaas ang kilay niya, nag papakakuya na naman ang masamang elemento.

"Pasaan ka muna?" pinag krus ko ang braso sa dibdib. Hindi na siya mapakali.

"Emergency, Hale." sagot niya.

"Girlfriend?" umiwas siya ng tingin.

"Friend." aniya nag aalinlangan pa.

"Sus! Pakipot ka pa eh," inasar ko siya pero sinamaan lang niya ako ng tingin.

"Tumaas ka na do'n." utos niya kaya natatawa ko siyang iniwan doon.

Sinong maniniwala na sa kaibigan ang punta niya? Minsan ko ng maamoy ang pambabaeng pabango sakaniya. Natigilan ako bigla. Parang sa oras na 'yon ay naamoy ko rin ang pabangong naamoy ko sakaniya noon. Naging pamilyar bigla.

Umiling nalang ako dahil hindi ko maalala kung kanino ko naamoy 'yon.

Tumaas na ako at natanaw ko pa si Mommy at Nayumie na seryosong nag uusap sa may veranda. Hindi ko na sila pinansin at pumasok nalang sa kwarto.

Ang sakit ng ulo ko.

Dahil wala akong magawa ay kinuha ko ang cellphone ko at inistalk lahat ng nasa following list ko.

Inuna ko si Ztian, isa lang ang post niya, picture niya yun kasama ang parents niya. 1,678 followers 34 lang ang following niya. Lahat kaming mga kasama sa circle ay finofollow niya, si Shan ang may pakana.

Si Zack naman ang sinunod ko, 7 ang post niya karamihan ay solo pic may iba naman na kaming tatlo nila Zy meron din sila nila jervis. 870 followers 108 ang followings. Tinignan ko ang followings niya naka follow siya kay Nayumie.

Lahat sila ay inistalk ko hanggang sa mapadpad ako sa Ig acc ni Kuya. Medyo may itsura kase siya kaya famous at madaming followers. Napaismid naman ako.

haydenzamora_

Hayden Arwen Zamora    8                11.8k        64
                                             post     followers   following

Nagulat ako ng makitang naka follow sakaniya si Ate Hannah agad ko naman siyang inistalk.

h_erikatrinafortalejo

Hannah.          67           54.9k             98
                        Post    Followers   Followings

Medyo famous din si Ate Hannah hindi dahil sa maganda siya, kase kilala ang pamilya nila dahil anak siya ng isa sa pinaka kilalang company dito sa bansa. Pareho silang kilala ni Callisha. Kilala ang apelyedo nilang Salvador-Fortalejo.

Mag palatuloy pa sana ako pero biglang may pumasok na masamang diablo sa kwarto ko. Si mommy.

"Fix yourself. May mahalagang bisita kang darating." Saad niya bago ako iniwan doon.

Mahalagang bisita?

Nag ayos ako para bumaba dahil mukhang mainit ang ulo niya ngayon. Ayaw kong mag simula ng gulo.

Nang makababa ako'y hindi na 'ko na gulat nang makita si Ztian na naka upo sa may sala.

Kasama ang parents niya.

****

A/N: Short update, yung utak ko kase nasa book 2 na HAHAHAHAHA mas maikli pa yung unang version nito wala na akong masyadong maidagdag kase yung next scene nito is nasa sunod na chapter na anf hirap i adjust.  Btw here are the complete names of my characters 👇

Hale Trixie 'Ryx' Arwen Zamora
Ztian Vince Legazpi Velasco
Zachary 'Zack' Dale Gatchalian Smith
Zyreen Celistina Garcia Rodriguez
Hazel Callisha Salvador Fortalejo
Shanryle 'Shan' Francisco Codler
Clyde Roi Quinto Villa Verde
Solona Jiselle 'Soji' Atienza Alcratel
Jervis Kaizer Santos Martinez
Hailey Sel Pendleton Valencia
Anastasia Colin Rosales
Vince Yvoski
Eris Stephanie Chua
Aries Ty Chua

Hayden Angelo Arwen Zamora
Hannah Erikatrina Salvador Fortalejo
Jirah Nayumie Arwen Dela Peña
Zeraila Faye Rodriguez (Zy's cousin)
Abigail (Maid)
Soledad (Maid)

(Series 2 will be Zyreen's story)

_______________________________
_________________________________________
_________________________________________________
bubblypeach_

Our Hearts Desires (Under Revision)Where stories live. Discover now