Chapter 7

46 15 4
                                    

"Teka nga! Kayo pa pala ni Kyle?" si Clyde. Maging ako ay napalingon kay Anastasia, hindi na ako updated sa love life niya eh.

Hindi ko narinig ang sagot niya dahil napunta ang atensyon ko nang tumunog ito.

From: Mrs. Zamora. My Mom.

09********* Someone will text you. That's my friends son. The one who's going to marry you. He gets your number so I assume that he'll going to text you.

From: Mrs. Zamora.

Oh, U forgot to tell you. His name is Vince.

Tuluyang nanlaki ang mata ko dahil sa sunod na text niya. Vince?

Don't tell me it was Zy's ex lover? Vince Yvoski?

No! I really think this is not a good idea.

Hindi na ako nagulat pa ng may unknown person nga na nag text saakin

From: 09********

Let's see each other.

Kumunot ang noo ko, at nag type ng irereply.

Me:

Why?

Kinakabahan ako. Kung sakali mang ang lalaking ito nga ay ang lalaking kinababaliwan ni Zy ay talagang ipipilit ko ang kagustuhan kong hindi matuloy ang kasal. Papatayin ako ni Zy pag nagkataon.

Bumalik ako sa realidad ng mag text ulit yung number.

From: 09*********

Basta. Let's see each other at ZVV cafè. Later 8:00 pm.

From: 09*********

Go in time. Ayaw ko ng late.

Napataas ang kilay ko sa pahabol na text niya. Napabuntong hininga nalang ako at padabog na binitawan ang phone ko.

Ano pa nga ba magagawa ko? Wala akong choice kung hindi ang siputin siya don. Napatingin ako sa relo ko. it's already 6:27 pm.

"Sino yon?" tanong ni Ana.

"None of your bizz, lady." dahil sa init ng ulo ko ay nadamay pa ang mga kaibigan ko.

Mabilis lumipas ang oras niligpit at tinapon namin sa busurahan ang mga pinag kaininan namin bago umalis. Si Anastasia ay sumabay nalang kay Clyde dahil ibang direksyon ang daan pauwi sa bahay namin. Mas mapapadali kung si Clyde na lang ang mag hatid sakaniya, at isa pa nag mamadali ako.

Umuwi muna ako sa bahay para mag palit. Masyadong masamang tignan kung mag papakita ako sa kung sino man ang lalaking yun ng naka croptop. Baka sabihin ay nag papasexy ako sakaniya.

Masyadong makapal ang mukha.

Pag kauwi ko ay si Manang Soledad lang ang tao wala raw si Jirah dahil nag overnight sa bahay ng mga kaibigan niyang isa't kalahati ring may sanib.

Hindi ko naman siya hinanap, talaga automatic ang bibig ni Manag Soledad na sabihin kung asaan ang mga tao dito sa bahay. Nginitian ko lang siya nang kamustahin niya ang kalagayan ko.

Nakasalubong ko naman si Kuya na merong kunting pasa sa gilid ng labi. Ang walanghiya ay nakangisi pa saakin na parang hindi siya nabangasan ng daddy kanina.

Nang makalapit ay humalik siya sa pisngi ko na nakasanayan na namin nung bata pa kami.

"Saan ka galing?" tanong niya.

"Sa lugar kung saan ako lang ang maganda." nginisian ko rin siya na kinaasim naman ng mukha niya. Kinamusta ko naman siya at ang sugat niya pero parang wala lang iyon sakaniya. Sinagot pa ako na kahit daw ipabugbog siya ni Dad ay pogi parin siya.

Our Hearts Desires (Under Revision)Where stories live. Discover now